Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:28PINABUBOGBOG
00:53PINABUBOG
01:00Ayon sa polis siya, iniwan doon ang biktima matapos gahasain at pagtangkaang patayin ang isang lalaki na kapit bahay nila.
01:08Sabi ng polis siya, pauwi noon ang biktima mula sa paglalaro ng makasalubong ang kusat na nooy 22 taong gulang.
01:15Yung bata is special child. Lumapit yung bata, hinila na lang niya, tapos ginahasa niya.
01:22Binugbog niya, pinagsusuntok yung bata, tapos iniwan niya.
01:26Allegedly, gusto niyang patayin. Yun ang sinasabi doon sa report.
01:32Kasi may talagang ano, pag nakita mo talaga yung bata, talagang hindi mo talagang makikilala eh.
01:40Matapos ang krimen, kaagad nagtago sa iba't ibang lugar ang akusado.
01:43Makalipas ang mahigit limang taon, na-track siya ng Manila Police District na nagtatago sa tondo at namamasukan bilang boy
01:50sa divisorya.
01:51Hindi alam nung pinapasukan niya na may warant siya.
01:55Yung nahuli namin na most wanted person, ito ay isang national level, may reward to na 130,000.
02:04Nasa custody yan ng MPD ang akusado na hindi na nagbigay ng pahayag.
02:08Pero sa kanyang salaysay sa polis siya, itinanggi niya ang krimen.
02:12Yun yung sinasabi niya, hindi daw niya ni-rape, hindi niya sinaktan yung bata.
02:16Pero sapat umano ang ebidensya na hawak ng motoridad na magdidiin sa akusado.
02:21Nagpasalamat naman sa MPD ang pamilya ng biktima.
02:24Sinusubukan pa namin makuha ang kanilang pahayag.
02:27Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
02:31Katapatan sa saligang batas ang marching order ni Pangulong Bombo Marcos sa mabagong graduate ng Philippine Military Academy.
02:38Sa gitna po ito ng panawagan ng suporta ng alumni ng PMA, nang mista nilang si Sen. Ronald Bato de
02:44la Rosa.
02:45Nakatutok si Jonathan Nanda.
02:50Sila ang mga bagong opisyal ng militar.
02:52May ranggo ng 2nd Lieutenant ang may git dalawang daang kadete ng Philippine Military Academy Talang Dangal Class of 2026
03:00na nagtapos ngayong araw sa Baguio City.
03:03Ang unang tagubilin sa kanila ng Commander-in-Chief na si Pangulong Bongbong Marcos.
03:07Remember that your loyalty is not to any political interest, not to any individual, nor any passing ideology.
03:18Your loyalty must always remain with the Constitution of the Republic of the Philippines.
03:25Sa gitna ito ng kontrobersya kay Sen. Bato de la Rosa, produkto ng Sinegdala Class of 1986 na nanawagan ng
03:33suporta sa mga kapwa alumni sa harap ng ICC-RS warrant laban sa kanya.
03:38Sana natitira pa rin sa bawat puso ng isang PMA graduate.
03:45Yung courage, integrity and loyalty. I am soliciting their support.
03:50Umalis sa Senado si de la Rosa matapos ang putukan noong miyerkulis.
03:55Never lie, never cheat, never steal and never tolerate those who do.
04:02Because silence in the face of wrongdoing is a betrayal of your values, a betrayal of your country
04:09and a betrayal of the very principles that you have sworn to defend.
04:14Sumang-ayon ang class valediktoria na si Christine Calebrada ng Batangas.
04:19Hindi po tayo nakakabit sa kung sino mang politikal na figure, ngunit loyal nga po tayo sa konstitusyon
04:26sapagkat ito po yung gabay natin para hindi makapanapak ng kung sino mang tao.
04:32Tulad noong nakaraang taon, wala sa seremonya si Vice President Sara Duterte.
04:37Ang superintendent ng PMA ang nag-abot ng Vice Presidential Saber Award sa class salutatoria na si Mark John Vincent
04:44Katakutan ng Pagadian City Zamboanga del Sur.
04:46May inilabas namang video message si Duterte.
04:50I urge you to personify integrity and courage at all times.
04:55Stand firm against all threats to our sovereignty and our liberties.
05:00Do not waver even in the face of the most difficult challenges.
05:05Dumalo rin sa graduation si PMA Alumni Association President Cavalier Ricardo David
05:10na nauna naglabas ng payag na nagpapayo sa mga miyembro na manatiling non-partisan o walang kinikilingan.
05:17Ang mga graduate inihagis sa pool ng kanilang mga underclass.
05:21Tradisyon nila ito sa tinatawag na dunking na simbolo ng kanilang pasasalamat at pagdiriwang.
05:26Sabi ng PMA, may tuturing na unang techie na batch ang talang dangal class
05:32dahil sinanay sila sa modern warfare gaya ng AI o artificial intelligence,
05:37Python programming, data analytics, unmanned systems at electronic warfare.
05:42Sa pagkatapos ng graduation rights, inawit ng mga kadete ang PMA Hym
05:47na kamakailan lang ay sumikat ng awiti ni De La Rosa sa live TV
05:51habang nangihingi ng suporta sa mga PMA alumni.
06:03Mula Baguio City, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
06:12Tago sa puso ang saya ng mga tauhan ng DENR sa Surigao del Norte.
06:17Nahulikam lang naman nila ang isa sa mga pinakamailap na ibon sa bansa.
06:21Buya Kim, ano na?
06:26Lumundag ang puso ng mga taga-DENR sa night record na sinetap nilang camera trap
06:31sa kagubatan ng Eastern Mindanao Biodiversity Corridor sa Surigao del Norte.
06:35Walang iba kung di ang isa sa pinakamailap na ibon,
06:38ang Mindanao Bleeding Heart Pigeon.
06:40At ang higit parang nila kinatuwa, pares sila.
06:43Ang Mindanao Bleeding Heart is napakabira po nitong makita sa wild.
06:47Kaya malaking bagay ang pagkakadokumento nito sa amin dito sa Surigao del Norte.
06:52Dahil patunay na ito na may natitira pang healthy forest habitat sa lugar
06:57at maaaring may surviving population dito pang na amin.
07:01Ito naman kauna-una ang pagkakataon na nakadokument sila
07:04ng isang wild pair ng Mindanao Beeding Heart Pigeon sa Surigao del Norte.
07:07Mula nung una itong madiskubre noong 1906.
07:10Ang species na ito ay tinuturing naming flagship species together with the Philippine Eagle.
07:17So ginagawa na po yan ang resolution kasi threatened at naging endangered na po.
07:23Kuya Kim! Ano na?
07:25Ang Mindanao Bleeding Heart Pigeon o Gali Columba, Krimigera,
07:29endemic o tangin sa Pilipinas namang matatagpuan.
07:32Kaya tinawag ito Bleeding Heart dahil may matingka na pulang marka sa bibib nito
07:36na parang sugat o dugong tumutulo.
07:39Sila'y mga ground dove o yung mga kanapating masanay mabuhay sa lupa.
07:43Ang masakit na sa puso, ang most broken-hearted pigeon,
07:47nanganganibdang mawala dahil sa pagmimina, agri-industrial farming,
07:51deforestation at illegal hunting.
07:53Kaya protektaan natin sila bago pamahuli ang lahat.
07:56Ito po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 oras.
08:00Nawasak ng malakas na ragasan ng tubig ang isang improvised na tulay sa South Potapato,
08:04bunsod ng naranasang ulan.
08:06Kamay rin ang palayan at taniman ng gula ay sa ilan pang nalawigan.
08:11Nakatutok si Jonathan Nanda.
08:20Hindi makatawid ang mga tao sa improvised na tulay na yan sa Lake Cebu, South Potapato
08:25dahil sa malakas na hampas ng tubig, bunsod ng naranasang ulan.
08:29Hanggang sa...
08:35Tuluyang winasak ng tubig ang tulay.
08:37Panawagan ng mga residente na malagyan ng maliit na tulay sa kanilang lugar.
08:44Nabura naman ng baha ang kalsadang ito sa Northern Kabuntalan, Maguindano del Norte.
08:49Ayon sa isa sa mga residente, umapaw ang mga sapa at ilog kasunod ng ilang araw na pagulan.
08:55Inakyat ng mga residente ang kanilang mga gamit dahil pinasok na ng tubig ang kanilang mga bahay.
09:02Mistulang ilog naman ang malaking bahagi ng Barangay Karidad sa Lambayong Sultan Kudarat.
09:06Nalubog din sa baha ang mga palayan at taniman ng gulay.
09:10Sa kasiguran aurora, nabasag ng malakas na ulan ang mga nakabilad na palay.
09:15Nakatumbas ng mahigit isang daang sako.
09:17Ayon sa pag-asa, ang malakas na ulan sa ilang lugar sa bansa ay dahil sa localized thunderstorms.
09:22Isa rin yan sa mga epekto ng Easter Lease na patuloy na umiiral sa bansa.
09:31Magko-convene na sa lunes bilang impeachment court ang Senado para sa impeachment de Vice President Sara Duterte.
09:37Sa sulat ni Senate President Alan Peter Cayetano sa mga senador,
09:41hinikayat niya ang Senators Judges na suotin ang kanilang robe sa pag-convene nila bilang impeachment court alas 3 ng
09:47hapon sa lunes.
09:49Nagahanda naman ang House Prosecution Team.
09:52Hinaatihati ng Articles of Impeachment sa labing isang prosecutors.
09:55At may ting dalawa o higit pang articles ay paliliwanag ang bawat isa.
10:00Hindi pa pinapangalanan ng mga kongresista,
10:02sa mga kasama nilang mga private prosecutor na tutulong sa research and strategy.
10:12Pagdating po sa mga dream destination,
10:14angat sa ganda ang ating mga beach.
10:16At katunayan ng isang beach sa El Nido na sinasabi rao na overlooked.
10:21Number one sa isang top 50 list sa daigdig.
10:25Kung saan po yan, alamin sa pagtutok ni Jonathan Andal.
10:31Puti at pinong buhangin na hinahaplos ng bughaw na dagat
10:35na paliligiran ng mga nagtataasang limestone cliff
10:39at mayabong na mga halaman at puno.
10:43Beach, please!
10:45Kaya di katakataka ng pati buong mundo
10:48na tulala sa ganda ng Entalula Beach sa El Nido, Palawan.
10:53Number one ito ngayon sa World's 50 Best Beaches
10:57ng isang travel website.
10:59Tinawag pa itong Palawan's Overlook Slice of Heaven.
11:04Di biro ang pagpili sa pinakamagandang beach around the globe.
11:08Pasok dapat sa standard ang tanging ganda nito.
11:11Hitik sa wildlife at may banayad na tubig.
11:15At pagdating sa mga turista,
11:16dapat malakas ang hatak nito.
11:18Hindi lang ang Entalula Beach ng El Nido
11:21ang pasok sa listahan.
11:26Guys, we're finally here!
11:29Ang pagkahaba-habang sunbar na ito
11:32ng Kalanggaman Island sa Palumpon Leyte
11:35nasa rank 25.
11:37Litaw na litaw sa gitna ng asul na dagat
11:40ang puting baybayin na may habang 753 meters.
11:45Perfect spot to relax lalo't walang naninirahan dito.
11:51Sa Ilocos Norte,
11:53bagamat wala sa listahan,
11:54di rin may kakailang world-class
11:56ang ganda ng Batok Island.
11:59Mula sa Barangay Pagsanahan,
12:0115 to 20 minutes lang ang boat ride
12:03para marating ang isla.
12:05Mabighani sa malakristal na linaw ng tubig
12:08at samotsaring natural rock formations.
12:11Mula sa Himpapawid,
12:13danaw rin ang malawak na coral reef
12:15sa paligid nito.
12:16All-in-one trip rin kung mabisita ang isla
12:19dahil pwede rin mag-checking.
12:21O, saan tayo?
12:23Sa susunod na pasyal o food trip?
12:25Share nyo sa 24 Horas Weekend page
12:28ang inyong travel at food adventures.
12:31Jonathan Andal,
12:32nakatutok 24 Horas.
12:38Looking forward si Kapuso Prime Time Princess Barbie Portesa
12:42dahil makakatrabaho niya sa isang upcoming collaboration
12:45ang nag-iisang megastar na si Sharon Cuneta.
12:48Yan ang aking kika.
12:53Hindi pa rin makapaniwala si Kapuso Prime Time Princess Barbie Portesa
12:57na makakatrabaho niya si megastar Sharon Cuneta.
13:01Matapos ang ilang beses nilang patikita para sa kanilang upcoming GMA,
13:06DreamWorks,
13:06and ABS-CBN collaboration na Honor Thy Mother,
13:10mas hinangaan daw niya ang idolo.
13:12Hindi pa kami nakakapagsimula ng taping.
13:15Sobrang generous niya as to sharing a lot of stories.
13:22Ang dami niyang sinishare sa akin.
13:24Ang dami kong natututunan sa kanya.
13:26So, sobrang gaana ng loob ko kayo ni Sharon Cuneta
13:31and I'm really, really excited and I'm looking forward to work with her very soon.
13:37Masaya naman si Barbie na matapos ang ilang taon,
13:40nagkaroon ng bagong buhay ang seryeng Maria Clara at Ibarra
13:44kung saan kasama niya si na Dennis Trillo,
13:46Julian San Jose,
13:48at David Licao po.
13:49Muli kasing mapapanood ang kabuuan ng historical drama series sa YouTube.
13:54And I'm so, so happy kasi until now,
13:57may mga students, professors na lumalapit sa akin
14:01and saying na ginagamit nila yun sa lectures nila, sa lessons nila.
14:05So, napakalaking impact ng Maria Clara at Ibarra.
14:08And so, napakalaking bagay na it's very much accessible now
14:12on YouTube sa JMA Network.
14:14With each other as well?
14:16Yeah!
Comments

Recommended