00:00Sa pagdating ng Year of the Fire Horse ngayong Martes,
00:03ano kaya mga pampaswerte ang papatok sa mga naniniwala rito?
00:07Alamin sa pagtutok, Nivon Aquino.
00:12Dumayo pa sa Binondo ang taga-antipolo na si Angela
00:15para kumonsulta sa feng shui expert para sa papasok na Year of the Fire Horse.
00:21Kasi ever since start akong ginawa ito,
00:27it started bringing me some luck with my career, money, health.
00:35Dinapnan din namin si Rain na first time daw bibili ng Lucky Charm.
00:39Nakikita ko talaga na maraming nagtatry at bumibili,
00:42so gusto ko rin malaman if totoo ba talaga.
00:44Itong Binondo, Maynila na pinakamatadang Chinatown sa buong mundo,
00:48hindi lang hitik sa kasaysayan,
00:50kundi pati na rin sa pagkain, mga tradisyon at mga ritual
00:54para sa pagsalubong sa Chinese New Year.
00:59Kabilang dyan ang Prosperity Basket na nilalagyan ng bigas,
01:03Lucky Charms at ang Pao na naglalaman ng 999 pesos.
01:07Maswerte raw ang 999 ayon sa feng shui consultant.
01:12Dagdag buenas din daw kung lalagyan ito ng blue string na may pearl
01:15para mabalanse ang fire element ngayong Year of the Fire Horse.
01:19Itong year, 2026, very intense or very pressure yung mga tao.
01:24Kaya kailangan natin si blue string with pearl to harmonize and to give us peace of mind.
01:29Bubuksan daw ang basket matapos ang siyam na araw.
01:32Isasain ang bigas at gagamitin ang charms.
01:35Sa mismong Chinese New Year naman,
01:37swerte raw ang pamimigay ng angpaw na may pera.
01:40Dahil kung anong binigay mo, siya rin daw babalik sa'yo.
01:43Pwede rin ang pagsusulat ng mga hiling sa wishing paper.
01:47Wishing paper naman, very important.
01:49Kailangan meron kayong clear goal or clear wish na kung ano yung gusto mong mangyari this 2026 mo.
01:56So you write your name, your birthday, your address and your wishes.
02:00Tapos susunugin mo siya.
02:01Ayon sa isang sociologist,
02:03likas sa mga Pilipino na mayakap ang impluensya ng iba't ibang kultura,
02:07kaya nga ipinagdiriwang din dito ang Chinese New Year.
02:11Hindi lang ito simpleng pamahiin eh.
02:13Ah, kombinasyon to ng history natin with the Chinese,
02:19yung social influence.
02:20Yung sa mga Pilipino kasi optimistic tayo, optimistic kultura natin.
02:24Tapos meron tayong, nitawagyan, yung mindset natin na we aspire for something better.
02:30Pero paalala niya, huwag iasa ang lahat sa swerte,
02:34kundi sa pagsisipag at sa pagawa ng tama.
02:37Ito rin ang paalala ng feng shui expert.
02:40The feng shui is one part lang po ng swerte natin.
02:43So we call it the earth luck.
02:45And then the blessings,
02:47like yung mga ginagawa natin, ritual,
02:49that is the heaven's luck.
02:51Another one is we call it the actions,
02:52the human luck, the man luck.
02:55So ito na po yung kailangan natin magtrabaho.
02:57Para sa GMA Integrated News,
02:59Von Aquino Nakatutok, 24 Oras.
03:01Muzik.
Comments