00:00Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabilisin ang pagtapos sa mga priority projects sa Zamboanga Peninsula.
00:08Sa pagpupulong ng Regional Development Council Region 9, binigay ng Pangulo ang Direktibang Ayusin at Pagandahin ng mga Fishport,
00:16Pangunahing Kalsada, Pantalan at Paliparan para mapalakas ang koneksyon ng mga komunidad at merkado.
00:23Layunin ng mga proyektong ito, mapababa ang gasto sa transportasyon, mapalakas ang produksyon ng agrikultura at pangingisda at mapabilis ang
00:32pagunlad ng ekonomiya.
00:34Kasabay niyan ay ang pagpapatibay ng edukasyon at skills training para mas maraming Pilipino ang magkaroon ng mas matatag na
00:43kabuhayan.