Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bumanggang siyang motorsiklo sa kasalubong na van sa Marcos Highway sa Antipolo City,
00:05sugatan ng rider at kanyang angkas na pareho umanong nakainom ayon sa kanilang kasama.
00:11Laging una ka sa balita ni EJ Gomez, exclusive.
00:21Nakahandusay ang 27-anyos na rider na ito sa Marcos Highway sa barangay Santa Cruz, Antipolo City,
00:27pasado alas-dos ng madaling araw kanina.
00:30Bumangga kasi siya at kanyang angkas sa kasalubong na van sa pababa at pakurbang bahagi ng kalsada.
00:36Bumagsak na lang sa arapan namin yung tao eh.
00:40Tapos tinignan namin, akala ko patay na kasi hindi na gumagalaw.
00:46May kalabog. So alam ko na po na aksidente yun.
00:51Yung nakamotor is nakahandusay siya dyan.
00:54Tapos yung kasama niya nandun sa likod ng kotse.
00:56Ang layo nung tinapo nung driver at saka nung angkas.
01:02Dahan-dahang nilagyan ng neck brace ang rider.
01:05Nilagyan din ng splint ang na-injure niyang paa.
01:07Hindi naman makausap ang kanyang angkas.
01:10Isinugod sa ospital ang mga biktima.
01:12Sa lakas ng impact, nagkawasak-wasak ang ilang bahagi ng motorsiklo at natanggal pa ang gulong.
01:18Ayon sa driver ng nabanggang van, galing sila sa Tanay Rizal
01:22at pauwi na sana sa San Jose del Monte Bulacan nang mangyari ang aksidente.
01:26Pag ganun ako, ang bilis ng motor, umabilis doon sa akin, tumumbok sa sakyang ko eh.
01:34Nagulat ako kasi pa-curve eh.
01:37Ayan, ang bilis, pababa.
01:39Nasina ang unahang bahagi at fog light ng van.
01:42Gumasgas ang motorsiklo mula unahan hanggang sa likod ng van.
01:45Bakas din ang dugo sa gilid ng van.
01:48Ayon sa kaanak na sakay ng isa pang motorsiklo at kasamang bumabiyahe ng mga biktima,
01:53nakainom daw ang mga kasama niya.
01:56Kakain, kakain.
01:57Ano po?
01:58Kakain po.
01:58Kakain? Kakain na ba saan?
02:04Ayon sa barangay, accident prone area ang pinangyarihan ng insidente.
02:10Kasi kaya, kurmada siya.
02:11Tapos magnabilis yung mga motor na magpatakbo,
02:14lalo na mga lasing sila.
02:16Nakikipagungnayan po ang aming barangay sa investigation nito.
02:20Ito ang unang balita.
02:22EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
02:26Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
02:31para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.

Recommended