00:00Inilabas na ng Transportation Department ang partial report sa paglubog ng MV Tricia Kersen 3 sa Basilan.
00:08Pinakakasuhan ng may-ari ng barko habang isinailalim naman sa preventive suspension
00:12ang ilang opisyal ng Marina at Philippine Coast Guard dahil sa insidente.
00:17Yan ang ulat ni Bernard Perez.
00:21Overcapacity at overloading.
00:23Ito mga pao na ang anggulong tinitingnan sa paglubog ng MV Tricia Kersen 3 sa Basilan batay sa partial report
00:30ng Maritime Industry Authority o Marina at Philippine Coast Guard.
00:34Dahil kapag may overloading or overcapacity, posible pong nagkaroon ng cargo shift dun sa mga rolling cargos nung vessel.
00:44Ang overloading or overcapacity is the combined weight of the passengers and the rolling cargos versus dun sa actual na
00:56capacity na kaya ang buhatin ng barko.
01:01Ayon sa ulat, hindi dumaan sa weight bridge sa pantala ng mga rolling cargo tulad ng mga truck at motorosiklo,
01:07kaya hindi na timbang ang eksaktong bigat nito.
01:10Naitala rin sa investigasyon ang umano'y poor seamanship o kakulangan sa kakayahan ng mga tripulante,
01:15lalo na nang magsimulang pumasok ang tubig sa barko.
01:17Lumabas din ang mga inconsistency sa bilang ng mapasero sa manifesto,
01:21kumpara sa bilang ng mga nakaligtas at nawawala.
01:24May natukoy din safety violations ang barko bagong pag-alis nito,
01:28ngunit pinayagan pa rin itong makapaglayag.
01:30Isa sa mabigat na natuklasan sa partial report ay ang pagkakaroon umano ng safety deficiencies ng MV Tricia Kersen 3.
01:37Sa kabila nito, nabigyan pa rin ito ng safety certificate,
01:40inataasan ni DOTR Secretary Giovanni Lopez ang Marina na magsampan ang kasong administratibo
01:46laban sa Allison Shipping Lines, may-ari ng barko,
01:49at tukuyin kung dapat nang i-revoke ang kanilang Certificate of Public Convenience o prangkisa.
01:54Kasama rin sa hakbang pag-asampan ng kaso laban sa mga tripulante,
01:58habang pansamantalang sinuspindi ang kanilang Siemens Identification Documents.
02:02Pinasususpindi na rin sa Marina ang accreditation ng Orient Shipping Lines,
02:06ang third-party provider niya nag-issue ng sertifikasyon.
02:09Sa ngayon, pinag-aaralan na rin ang posibleng pag-asampan ng kasong kriminal
02:13laban sa ma-opisyal at may-ari ng Allison Shipping Lines,
02:17gayon din sa matripulante ng MV Tricia Kersen 3.
02:20Nasa preventive suspension na rin ang walang opisyal ng Marina Regional Office 9
02:23at anim na opisyal ng PCG Regional Office 9 kaugnay ng insidente.
02:27Sakaling mapatunayang may kapabayaan, maari silang maharap sa kasong kriminal
02:31sa ilalim ng RA 3019 o Anti-Grav and Corrupt Practices Act.
02:36Samantala, nakapagbigay na ng insurance claim ang kinaukulan,
02:39siyam na pamilyang tumanggap ng 200,000 pesos na death coverage,
02:43habang labing tatlo naman ang nabigyan ng 50,000 pesos burial assistance.
02:47Makaasa po kayo na ang pamunuhan ng kagawaran ng transportasyon,
02:52pati po ng Coast Guard at Marina,
02:54ay personal po namin tututupan itong kasong ito.
02:58At sabi nga po ng ating Pangulo sa akin,
03:02justice must be served.
03:04And justice must be served swiftly.
03:07Inaasa namang maglalabas ng DOTR ng corrective measures
03:10upang matiyak na hindi maulit ang ganitong insidente.
03:13Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments