Skip to playerSkip to main content
Pinagbawalan na rin ng China ang 16 na opisyal ng Kalayaan na pumasok sa China, Hong Kong at Macau.


Tila buwelta kasunod ng pagdeklara ng Kalayaan LGU sa Chinese ambassador bilang persona non grata.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinagbawalan na rin ng China ang labing-anim na opisyal ng kalayaan na pumasok sa mainland China, Hong Kong at
00:06Macau.
00:07Tila buwelta, kasinod ng pagdeklara ng kalayaan LGU sa Chinese Ambassador bilang persona ng grata.
00:13Nakatutok si JP Soriano.
00:18Sa Chinese New Year reception kahapon, sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines, Ching Chuan,
00:24gusto raw nila ng dayanugo pero hindi raw nila palalampasin ang anumang paninira sa China.
00:31At habang ginaganap nga ang Chinese New Year Festival kahapon, ito ang pinow sa Facebook ng China Embassy sa Pilipinas.
00:39Yung labing-anim na lokal na opisyal ng bayan ng kalayaan sa pag-asa islands na nagdeklara ang persona ng
00:45grata
00:45ang Chinese Ambassadors sa mga resolusyon noong 2023 at ngayong 2026.
00:51Hindi na raw welcome sa mainland China, Hong Kong at Macau.
00:55Kasama sa listahan si kalayaan Vice Mayor Maurice Philip Alexis Albaida.
00:59Kung kami man po ang mapabilang po sa 16 na ipinagbabawal ng bansang Sina or sinabing unwelcome doon,
01:08ikinararangan po natin ito bilang mga Pilipinos.
01:11Dahil tayo po itumindig at nanindigan para po sa ating bansa, nanindigan po tayo para po sa ating bayan.
01:17Suportado raw ni Interior and Local Government Secretary John Vic Rimulya ang resolusyon ng munisipyo ng kalayaan.
01:24Handa rin daw siyang maban ng China.
01:27Pinalagan din ng mga senador ang pagtawag ni Chinese Embassy Spokesperson Chi Leng Peng na political stunt ang resolusyon ng
01:35Senado.
01:35Doon kinokondena ng Senado ang mga sinabi ng tagapagsalita laban sa mga opisyal ng Pilipinas na nagtatanggol ng karapatan ng
01:43Pilipinas sa West Philippine Sea.
01:46Sabi ni Senador Kiko Pangininan, paglabag daw sa Vienna Convention on Diplomatic Relations ang mga walang modong sagot ng Chinese
01:53Embassy at nagpapatunay na bully ang China.
01:57Hindi raw dapat hayaan ang mga dayuhan na bastusin ang mga Pilipino sa sarili nating bansa.
02:03Ganito rin ang sentimiento ni Senador Erwin Tulfo, ang chairman ng Senate Committee on Foreign Relations.
02:09Ba't namin sila papakinggan sino ba sila?
02:12As a matter of fact, sana naisip din po nila that there are visitors here in our country.
02:17At siguro kailangan nila balikan yung Vienna Convention of 1961 na if you are a visitor here, a diplomat, dapat
02:28po respetuhin yung mga batas ng host country.
02:31Walang pwede magsabi sa atin na bansa na bawal tayo magpahayag na nararamdaman natin, bawal tayo magsalita.
02:40Sabi naman ng Department of Foreign Affairs, dapat kalmado at profesional ang pagsagot sa mga isyo, may respeto at may
02:48diplomasya.
02:49The DFA urges that such responses be made in a calm and professional manner, conscious of the mutual respect that
02:58must prevail in all diplomatic interactions.
03:02As such, we urge the Chinese Embassy to be constructive in its statements towards a healthy dialogue despite major differences
03:14with a view to advance the overall bilateral relationship.
03:19Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano. Nakatuto, 24 oras.
Comments

Recommended