00:00Nagsagawa na ng kauna-unahang consultation meeting ang Senate Committee on Electoral Reforms and People's Participation para sa isinusulong na Anti-Political Dynasty Bill.
00:11Sa pangunguna ni Sen. Risa Hontiveros, na chairman ng committee, idinaos ang konsultasyon sa Pasig City at imbitado si Mayor Vico Soto at mga panel mula sa iba't ibang sektor.
00:23Kinalaki dito kung hanggang saang degree ba ng pamilya dapat ipatupad ang batas, kung anong posisyon ng gobyerno o sa gobyerno ang sakop at kung ipatutupad ba ito para sa mga magkakamag-anak na nakapuesto sa iisang termino o magkakasunod na termino.
00:41Suportado naman aliya ni Mayor Vico Soto ang panukala. Matapos naman sa Pasig City, magkakaroon din ng konsultasyon sa Bulacan, Bakulon at iba pang lugar sa bansa.
00:53Ang public consultation po ngayong umaga ay hindi bagong usapin. Pagpapatuloy lang po na pakikibakang halos apat na dekada nang isinusulong. Isang laban na mismong saligang batas natin ang nagutos.
Comments