00:00Naniniwala si Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore J. Tariela sa kakayahan ni Senador Rodante Marcoleta na isulong ang karapatahan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, kaya't dapat anyang bigyan ng pagkakataon ang mambabatas.
00:14Inimbitaan naman ni Tariela si Marcoleta sa mga susunod na Maritime Domain Awareness o MDA flight sa Kalayaan Island Group, kung saan siya raw mismo ay handang samahan ng Senador na siguradong welcome daw sa mga residente ng pag-asa island.
00:27Ito'y matapos ang kontrobersyal na pahayag ni Marcoleta hinggil sa KIG dahil ilan-anya sa mga okupadong features nito o dito ay labas sa 200 nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas.
00:39Sa isa naman programa, iginate ni Marcoleta na nabaluktot lamang ang kanyang sinabi at ang kanyang patuloy na pagtalakay sa tamang saklaw ng West Philippine Sea ay paraan niya maging opisyal ang pagkilala rito.
00:50Isinaad noong 1978 ang Presidential Decree 1596 sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. ang pagiging teritoryo ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group habang ilang eksperto ang nagsabing umiiral din dito ang customary international law at pinalakas ng mga domestic law kabilang ang Philippine Maritime Zones Act noong 2024 para pagtibayin naman ang West Philippine Sea.
01:13Para naman sa ilang civic group, hindi dapat magkaroon ng sugestyong isuko ang bahagi ng soberanya ng Pilipinas.
01:20Ayon kay Dr. Jose Antonio Goytia ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya, malinaw na pagtalikod ito sa interes ng bansa at ang dapat na gawin ay magkaroon ng malinaw na paninindigan lalo't una ng tinutulan ng 2016 Arbitral Award ang 9-10-line ng China.
Comments