00:00Kumikilos ang buong pwersa ng gobyerno para tulungang makabango ng mga lugar na nasa lanta ng Bagyong Basya.
00:06Binisita rin ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD
00:11ang mga lugar na malubhang tinamaan ng bagyo.
00:14Ang detali sa report ni Floyd Brenz.
00:19Matapos bisitahin ang barangay Ubaldolaya,
00:21tumungo si DSWD Secretary Rex Gachalian sa South 1A Central School Evacuation Center sa Iligan City.
00:30Ang pinakamalaking evacuation center sa lungsod.
00:33Mahigit 1,500 na pamilya ang pansamantalang nanunuluyan doon
00:38matapos maapektuhan ng Bagyong Basyang at nakatanggap ng paunang tulong mula sa DSWD
00:44tulad ng food packs, ready-to-eat food at non-food items.
00:48Kasama sa pagbisita si na Iligan City Mayor Frederick Shaw at ilang mataas na opisyal ng DSWD.
00:55Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:59patuloy ang DSWD sa pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong mamamayan
01:04at sa pagbibigay ng kapanatagan sa panahon ng sakuna.
01:08Binisita rin ni DSWD Secretary Rex Gachalian at Iligan City Mayor Frederick Shaw
01:13ang tulay sa barangay Tubod na pinakamalubhang tinamaan ng Bagyong Basyang.
01:18Nabalot ng putik ang mga kalsada at kabahayan sa lugar
01:22at naka-apekto sa normal na pamumuhay ng mga residente.
01:26Nag-hatid din ang DSWD ng mahigit 66,000 na family food packs
01:31at 6,225 na ready-to-eat foods sa mga lugar na labis na naapektuhan ng Bagyong Basyang.
01:38Bahagi ito ng augmentation request ng mga lokal na pamahalaan
01:42para matiyak ang agarang pamamahagi ng pangunahing pagkain
01:45at tulong sa mga apektadong pamilya.
01:48Tiniyak ng DSWD na patuloy ang kanilang pagtugon
01:51para matulungan ang mga Pilipinong naaapektuhan ng pananalasan ng bagyo.
01:56Floyd Renz para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments