Skip to playerSkip to main content
Bagyong #BasyangPH, mas matindi ang epekto sa Iligan City kumpara sa Bagyong #SendongPH | ulat ni Floyd Brenz

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Muling naranasan ng mga residente ng Iligan City ang matinding pagulan at pagbaha na nagbalik sa kanilang alaala ng mga nagdaang trahedya sa lugar.
00:08Pero sa pagdaan ng mga taon, nanatiling hamon kung paano mapalalakas ang kahandaan ng lunsod
00:14laban sa mga sakunang dulot ng nagbabagong klima, ang detali sa report ni Floyd Brantz.
00:20Taong December 2011 nang humagupit ang bagyong sendong sa Iligan City.
00:32Isang trahedyang tumatak sa alaala ng lunsod matapos malubog sa rumaragasang baha
00:39ang mga komunidad sa gilid ng Mandulog at Tubod Rivers.
00:44Makalipas ang mahigit isang dekada, tila nanumbalik ang karanasan ng Iligan sa pagdating ng Tropical Depression, Basang.
00:52Hindi man ito kasing lakas ng isang ganap na bagyo, nag-iwan ito ng takot sa mga residente.
00:58Doble ang ibinuhos nitong ulan kumpara sa sendong.
01:02Batay sa datos ng pag-asa, umabot sa 383mm ang naitalang ulan sa barangay Tipanoy
01:09at 361mm sa barangay Pugaan sa loob lamang ng 24 oras.
01:15Malayong mas mataas kaysa 180mm na ulan ng sendong noong 2011.
01:22Sa mga numero pa lamang, malinaw na mas matindi ang buhos ng basyang.
01:26Pero taliwas sa inaasahan, hindi kasing lawak noong 2011 ang saklaw ng pagbaha.
01:34Gayunman, hindi nangangahulugang ligtas ang Iligan.
01:37Ayon kay Frederick Asho, kasalukuyang mayor ng Iligan,
01:41kailangan ng mas matibay na infrastructure projects para hindi mauwi sa tuluyang pagkasira ang kanilang lungsod.
01:49Kailangan natin ng intervention talaga sa mga infra programs o mga projects dito sa Iligan.
02:02Kasi what happened 11-13 years ago sa sendong, that's exactly what happened the other day.
02:12Ayon sa mga lokal na obserbasyon, ang mabilis na pag-apaw ng Tubod River ay hindi lamang dulot ng ulan,
02:18kundi pinalala ng problema sa daluyang tubig, kabilang ang siltation, makitid na estero at mga estrakturang humaharang sa natural na agos ng ilog.
02:30Mga isyong matagal nang inuugnay sa trahedya ng sendong, ngunit nananatiling hamon hanggang ngayon.
02:35Maraming ding portion sa Iligan na supposed to be na may flood control at na walang hindi napagawa.
02:48So there are projects na supposed to be in the pipeline that hindi napagawa, hindi na implement.
02:55So that's the reason why water keeps coming into the communities around the riverbanks.
03:01Sa huli, ang paghahambing ng sendong at basyang ay hindi lamang pagbabaliktanaw sa nakaraan, kundi isang babalas sa kasulukuyan.
03:10Sa panahon ng nagbabagong klima, hindi sapat ang alaala ng trahedya.
03:15Kailangang sabayan ito ng konkretong paghahanda at matibay at pangmatagalang flood control projects.
03:23Floyd Brenns, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended