00:00Nakahanda na ang Coast Guard District ng Bicol para sa epekto ng Bagyong Basyang.
00:0524-7 na ang pagtutok ng kanilang command center para sa lahat ng maritime activities at koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan.
00:13Yan ang ulat ni Keren Bernadas ng Philippine Information Agency.
00:19Nagpakalat na ng 410 personnel, 13 land assets at 16 floating assets ang Coast Guard District Bicol nitong Webes, February 5
00:27para sa posibleng epekto ng Tropical Depression Basyang, katuwang kanilang provincial at substation sa buong regyon.
00:35Sinuspend din na rin ang lahat ng uri ng biyahing pandagat, mula Masbate City patungong Cebu Port,
00:40Castillo Port sa Sorosugon patungong Lipata Port sa Surigao del Norte, Matnog Port naman patungong Palumpon Northern Leyte.
00:48Sa kasalukuyan, naitala ang bilang ng mga stranded passengers na aabot sa 284, 4 vessels at 178 rolling cargos sa lahat ng port sa Bicol region.
01:01Nakatutok naman 24-7 ang Coast Guard District Bicol Command Center sa lahat ng maritime activities, maging sa koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan.
01:10Samantala, agad na tumugon ang Department of Social Welfare and Development Field Office of 5 sa mga apiktadong stranded passengers sa ilang ports sa Bicol region sa pamamagitan ng pamahagi ng ready-to-eat food boxes.
01:23Sa pantalan ng Matnog Sorosugon, may kabuoang 156 ready-to-eat food boxes ang naipamahagi sa 156 stranded na pasahero patungong Cebu at Palumpon.
01:35Gayun din, parehong tulong ang naibigay sa dalawang stranded na pasahero sa pantalan sa lungsod ng Masbate.
01:42Para sa Integrated State Media, Karen Bernardes nag-uula mula sa PIA Bicol Region.
Comments