00:01Suspendido mula ngayong araw hanggang bukas ang klase sa buong Davao City dahil sa banta ng paparating na Bagyong Basyang.
00:09Bilang paghahanda, nasa blue alert status na ang lunsod.
00:12Ayun pa pang update, alamin natin sa Sentry ng Balita ni Regine Lanuza ng PTV Davao Live.
00:19Angelique, alas 8 kaninang umaga ay naglabas ng Weather Advisory ang pag-asa kung saan isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang Davao City.
00:33Kaya naman, nagdeklara kaagad ang lokal na pamahalaan ng Davao City ng pagsuspende sa klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan.
00:43Mabilis sinundo ng mga magulang ngayong araw ang kanilang mga anak sa paaralan para masigurong hindi maabutan ng ulan.
00:52Mabuti naan nila na nagsuspende ng klase dahil sa posibleng epekto ng Bagyong Basyang.
00:58Base sa abiso hanggang bukas ang suspensyon ng klase dito sa Davao City.
01:02Samantala, ayun naman sa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO, nasa blue alert status na sila ngayon.
01:09Ibig sabihin, naka-alerto na ang lahat ng responders ng lahat ng barangay.
01:13Nakamonitor na sila ngayon sa lahat ng sapa dito sa Davao City kung sakaling tumaas ang level ng tubig dito.
01:19Nakahanda na rin ang mga evacuation center ng mga barangay ng lungsod.
01:24Mga coordination na rin sila sa City Engineer's Office para pansamantalang iligpit ang lahat ng mga billboards sa Davao City para maiwasan ang anumang sakuna.
01:32Angelique, sa ngayon ay nagbabala ang lokal na pamahalan sa mga residente, lalo na sa mga residenteng nakatira sa flood at landslide prone area na mag-ingat at manatiling mapagmatsyag at alerto at sumunod sa mga susunod na abiso.
01:49Angelique?
01:50Alright, maraming salamat, Regine Lanuza.
01:52Lanuza.
Comments