00:00Mga kapuso, 10 araw na lang bago ang araw ng mga puso sa mga nagbabalak po na magbigay ng flowers sa kanilang loved ones.
00:13Magkano na ba ang presyo sa dangwa sa Maynila?
00:16Ang bundle ng rosas na may 5 piraso, nasa P250-P300.
00:23Yun lang halos wala ng mabiling red and white roses dahil sa dami raw ng pre-orders.
00:28May ibinibenta naman na P150 per bundle gaya ng stargazer, eucalyptus leaves, sunlight mums at mums.
00:37Meron ding 100 kada bundle tulad ng status, misty at camomile.
00:43Sa mga hanap ay bouquet, P500 ang presyo ngayon.
00:47Sabi ng ilang nagtitinda sa dangwa, asahan na ang taas presyo sa mga susunod na araw.
00:53Posible raw dumoble o higit pa, kaya sa mga gustong makatipid, mas maganda raw na mag-pre-order na.
Comments