00:00Naka-full alert ng Department of Social Welfare and Development habang papalapit ang Bagyong Tino.
00:05Kiniyak ng DSWD na nakahanda ang kanilang mga field office na mag-aabot ng tulong sa mga pamilyang maapektuhan ng bagyo.
00:12May mga relief goods daw sa kanilang mga warehouse.
00:15Magmula pa rong kahapon, naka-activate na mga quick response teams sa bawat field office ng DSWD para tulungan ang mga lokal na pamahalaan.
00:23Kiniyak naman ang National Grid Corporation of the Philippines na nakahanda sila sa posibleng epekto ng pagtama ng Bagyong Tino.
00:29Kabilang dyan ang paghahanda ng mga gamit pang komunikasyon, mga materyales, gamit pang repair at deployment ng kanilang mga tauhan para sa mas mabilis na pag-responde.