Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Huli kam ang pang-aararo ng isang pampasaherong bus sa hindi bababa sa walong sasakyan sa Ermita sa Maynila.
00:07Para sa detalye, may unang balita live si Jomer Acresto. Jomer, paano nangyari?
00:16Maurice, good morning. Nasa likuran ko yung bus na sinasabing ng araro ng hindi bababa sa walong sasakyan sa bahagi ng Taft Avenue sa Maynila, mag-aalas 10 kagabi.
00:30Nakatawid pa ang mga tao at mga sasakyan na yan na galing ng Pedro Hill sa Ermita, Maynila, mag-aalas 10 kagabi.
00:38Maya-maya, inararo na ng isang pampasaherong bus sa mga sasakyan sa Taft Avenue.
00:46Sa isa pang-angulo ng CCTV, may kita pa ang pagtumba ng mga motorcycle rider na nadamay sa aksidente.
00:51Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, hindi bababa sa walong sasakyan ang inararo ng bus.
00:58Ayon sa isang saksi, may kabilisan ng takbo ng bus na biyaheng alabang.
01:03Bumanga pa nga siya dun sa isang poste ng LRT.
01:10Tapos nakita ko na lang, yun ay inararo niya yung mga ibang kotse, pati yung mga motor.
01:17Marami talaga siyang nabangga, sir.
01:19Ayon pa sa MDRRMO, umabot sa siyam na tao ang nasugatan na nabigyan ng paunang lunas.
01:24Ayon sa company driver ng puting MPV, galing sila ng binondo ng kanyang pasahero at papunta sana ng pasay para magsundo pa.
01:32Nagulat na lang daw siya nang matumbuk sila ng bus.
01:35Hindi ko na naisip, sir. Paglingon ko kasi, sir. Ando na yung uso ng bus doon sa tapat ko, sir. Napasigaw na lang ako, sir. Lord, eh.
01:44Iniinda niya ngayon ang bukol sa ulo matapos tumama sa pinto ng sasakyan.
01:48Ang kasama niya, nasugatan sa braso dahil sa mga basag na salamin.
01:52Ito yung bus na sinasabing ng Araro ng hindi bababa sa walong sasakyan.
01:57Sabi ng mga otoridad, maswerte at hindi ganun karami ang mga pasahero na sakay ng bus noong oras na maganapang aksidente.
02:04Lumalabas sa inisyal na investigasyon ng mga otoridad na nagkaroon ng problema sa preno ang bus.
02:08Lagi naman dahilan na, tawag dito na wala ng preno.
02:12Sa mga bus driver, sana, lalo na sa area na yun, sana pag asapit sa area na yun, medyo mag-slow break na lang para makaiwas sa anumang aksidente.
02:23Nasa kustodiyan na ng Manila District Traffic Enforcement Unit ng MPD ang driver ng bus habang isinasagawang investigasyon.
02:30Hindi pa kami pinahihintulutan ng MDT-EU na makausap ang driver ng bus.
02:34Posible siyang maharap sa reklamong reckless driving resulting in multiple physical injuries and multiple damage to property.
02:45Alam mo Maris, dahil sa dami ng mga sasakyan na nasasangkos sa empatiba aksidente dito sa lungsod ng Manila,
02:52halos isang linya na lang yung nadadaanan ng mga motorista dito sa bahaging ito ng Ebonifacio Avenue.
02:59At yan ang unang balita ko po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
03:03Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments

Recommended