24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Kiniyak ng defense team ni Vice President Sara Duterte,
00:04nahanda sila sa panibagong impeachment complaint laban sa BISC,
00:08lalo't inasahan na umanun nila ito.
00:10Nakatutok si Mark Salazar.
00:15Hindi na raw nagulat ang kampo ni Vice President Sara Duterte
00:19sa dalawang panibagong impeachment complaint na inihain laban sa BISC kahapon.
00:25Kabilang sa mga bataya ng mga inilatag na ground for impeachment,
00:29ang abusado umanung paggamit ng confidential funds
00:32ng Office of the Vice President at Department of Education.
00:36Ito naman pong mga impeachment complaints talagang anticipated na natin.
00:41In fact, the past few weeks talagang nagsasabi naman po ilang mga grupo
00:44na nagpaplano silang magkain.
00:46Handa naman po kami naharapin itong mga complaints.
00:49Sabi ng abogado ng BISC na si Atty. Michael Powa,
00:52hindi nagbago ang defense team.
00:55Tiniyak din niya ang kanilang kahandaan sa mga inihain reklamo
00:58na isinama na ang nilalaman ng affidavit ni Ramil Madriaga,
01:02ang nagpakilalang dating civilian intelligence agent
01:05ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Duterte.
01:10Sa kanyang affidavit, sinabi ni Madriaga na siya ang naging tagahatid
01:15ng milyon-milyong pisong pera sa iba't ibang personalidad sa utos umano ng BISC.
01:20It's quite similar. Maraming mga parehong aligasyon,
01:23although may mga nadagdag tulad ng Madriaga affidavit.
01:27Dati nang pinabulaanan ng BISC ang mga aligasyon ni Madriaga laban sa kanya.
01:32Hindi po niya kilala and that is why magsisimula po tayo doon
01:36na handang-handa po naming pabulaanan at sagutin ang mga paratang dyan sa affidavit na yan.
01:41Isa namang pinagtatalunan ay ang reckoning date
01:44o kung kailan nag-lapse ang one-year bar rule kung January 15 o February 6.
01:50Sagot dyan ni Poa.
01:53We're monitoring the developments. We would like to reserve commenting on that.
01:57Definitely na pag-usapan namin yan pero sa ngayon,
01:59wala muna kaming gustong maikomento sa publiko habang minomonitor natin on how the House will act on these complaints.
02:06Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
02:12Handang tumulong kung kinakailangan ang AFP at DFA sa isyo ni Raymond Gumangan,
02:19ang Pilipinong nagsilbing mercenary ng Russia at ngayon isang prisoner of war sa Ukraine.
02:25Pag-amin pa ng sandatahang lakas, hindi na bago ang pagre-recruit sa mga Pilipinong sundalo para lumaban sa ibang bansa.
02:33Nakatutok si Chino Gaston.
02:34Hindi na raw bago ang mga pagtatangkang mang-recruit ng mga Pilipinong sundalo para magsilbing mercenary sa ibang bansa.
02:44Isa raw ito sa mahigpit na binabantayan at pinipigilan ng Armed Forces of the Philippines.
02:48Ayon sa AFP, karamihan ng mga sundalo tinatapos ang kanilang pagsiservisyo hanggang sa mandatory retirement age ng 57.
02:56Para raw makapag-transition sa kanilang civilian life, tinutulungan ng AFP ang mga retiradong sundalo sa pamamagitan ng trainings at livelihood programs
03:04upang maiwasan silang ma-recruit sa pakikipaglaban sa ibang bansa.
03:09Maraming po tayong reminders sa mga tropa natin kasi yung iba sir, kahit active, nililure towards that.
03:18So as we heightened patriotism and nationalism sir, nandoon na po talaga yung zeal to service
03:23and not really, hindi na sila nasisilaw din talaga sa offer ng monetary gains.
03:29Muling nabuhay ang issue ng recruitment ng mga mercenary mula sa Pilipinas
03:33nang lumitaw sa social media ang video ng dating security agent na si Raymond Gumangan
03:38na nahuli ng Ukrainian Armed Forces noong nakaraang taon.
03:42Handa raw ang AFP na tumulong sa DFA kung kinakailangan patungkol sa issue ni Gumangan.
03:48Isang Pilipinong mercenary rin ang napaulat ng Ukrainian Military Intelligence
03:53na namatay naman sa inkwentro sa Donetsk region ng Ukraine.
03:56Ayon sa AFP, hindi lingid sa kalaman na ilang dating militar ang napapasama
04:01hindi lang bilang mercenary kundi maging sa mga pribadong armadong grupo sa bansa.
04:06Halimbawa nito ang tatlo sa mga sospek sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor
04:11Ruel de Gamo na mga dating miyembro ng Philippine Army.
04:14We cannot just avoid kung meron man sa kalibat.
04:19Magkaya may naririn tayo mga involved itong mga ex-soldiers in some like mercenary activity here in our country.
04:29So we are looking into furthering our values program, values formation program and all of these reminders.
04:37Ayon sa security expert na si Prof. Renato de Castro, marami sa mga nare-recruit na mercenaries ng Russia
04:44ay mula sa mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas.
04:47Hindi lang ang Pilipino, pati Indians, pati Kenyans, mga Africans, even mga Chinese.
04:55Of course, iba yung mga motibo ng mga ibang Ksino gusto na magkaroon ng experience.
05:00Pero sa atin, yung mga kababayan natin, I think, talagang rato dyan, yung paghihirap, kahirapan ng buhay.
05:06Para sa GMA Integrated News, Sino Gaston na Katutok, 24 oras.
05:15Mga kapuso, maigpit na binabantayan ang ikalawang bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong 2026,
05:22ang Bagyong Basyang.
05:25Uli itong namataan na pag-asa sa layong 1,075 kilometers silangan ng Northeastern Mindanao.
05:31Kumikilos yan ng mabagal, pahilagang kaluran.
05:33Sa forecast track na pag-asa, posible itong mag-landfall sa Karaga, Webes ng hapon o gabi.
05:39Maaari nitong tawirin ang Visayas at Palawan sa mga susunod na araw.
05:43Pwede pang magbago ang pagkilos nito kaya patuloy na tumutok sa updates.
05:47Ngayon pa lamang, apektado na ng trough o yung extension nito ang ilang bahagi ng bansa.
05:52Kasabay niya ng efekto pa rin ng amihan at localized thunderstorms.
05:55Base sa datos ng Metro Weather, may mga pag-ulan bukas sa ilang bahagi ng Cagayan, Isabela,
06:00ilang bahagi ng Cordillera, Aurora, Quezon, Palawan, Northern Mindanao at Karaga.
06:04Maging handa pa rin sa Bantanambahao landslide.
06:06Sa Metro Manila, mababa pa sa ngayon ang tsasa ng ulan pero maging handa pa rin
06:11at mag-monitor ng advisories ng pag-asa.
06:14Nakataas naman ang gale warning sa northern seaboard ng Northern Luzon.
06:17Ibig sabihin, magiging maalon at delikadong pumalaot ang maliliit na sasakyang padlagat.
06:24Naghahain ang panukalang no-work, no-pay scheme si House Majority Leader Sandro Marcos para sa lahat ng mambabatas.
06:32Sa Senado naman, may mungkahing suspindihin muna ang sahod ni Sen. Bato de la Rosa na ilang buwan ang absent sa Senado.
06:40Nakatutok si JP Soriano.
06:42Kada buwan, pinapasahod ng taong bayan ang mga Senado at presista ng halos o mahigit 300,000 piso sa ilalim ng salary grade o SG-31.
06:57Pwede pa nga umabot sa hanggang 400,000 piso kada buwan kung maging Senate President o House Speaker.
07:04Hindi pa kasama dyan ang mga bonus at iba pang binepisyo.
07:07Para o manumatiyak na deserve ang ganitong sahod, inihahain House Majority Leader Sandro Marcos ang House Bill 7432 o panukalang no-work, no-pay scheme para sa lahat ng mababatas.
07:22Ibig sabihin, babayaran lang sila kung pumasok at nagtatrabaho tulad ng pagdalo sa mga sesyon sa plenario,
07:29paglahok sa mga committee hearing, at paglahok sa official activities.
07:34At kung absent ang walang mahalagang rason, hindi sila sa sahod para sa mga araw na lumiban sila.
07:40Pero sabi ng panukala, hindi naman daw mag-a-apply yung no-work, no-pay.
07:44Kung ang dahilan ng pag-a-absent ay valid naman o merong makatwirang dahilan gaya ng pagkakaroon ng sakit ng isang mababatas,
07:51pero dapat ito po ay merong patunay mula sa isang licensed physician, meron pong official travel abroad o kaya sa ibang lugar,
07:58basta ito po ay otorizado rin ng Senado o kaya ng Kamara.
08:01At meron na po talaga nakaschedule na leave of absence na dapat ay aprobado rin.
08:06Nakausap namin ang co-author ni Marcos sa panukala na sinavotas representative Toby Pianco
08:11na na-inspire o manong mag-refile ng isa pang bill, kahit mga mambabatas ang tatamaan.
08:18Natuwa ako doon sa no-work, no-pay bill kasi it shows na gusto na natin mag-reforma dito sa house.
08:26Noong 17th Congress noong 2016, may final na akong bill, ipagbawal na yung numero 8 plaka.
08:35Since mukhang seryoso naman ng reforma dito, i-re-refile ko at sana naman umusad yun para wala ng 8 plaka.
08:45Pabor din si Sen. J.B. Ejercito sa panukala. May niluluto na rin umanung ganito sa Senado.
08:51Sabay banggit pa kay Sen. Bato de la Rosa na Oktubre pa huling pumasok.
08:56Hindi na nagpakita sa Senado si De la Rosa mula ng mabalitang may arrest warrant umano na inisyo sa kanya ang International Criminal Court o ICC.
09:18Ayon naman sa Palacio, tila hindi pa ito napag-uusapan ng presidential son at ng Pangulo.
09:24Dahil nabigla siya na may proposal si Congressman Sandro.
09:28Pero ang sabi naman po ng Pangulo, trabaho po yan ng mambabatas at hindi po siya makikialam.
09:35Para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
09:40Magandang gabi mga kapuso.
09:46Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
09:50Ang mga ilo-igat madalas na hinuhuli para lutuin at ulamin.
09:55Pero sa isang sapa sa Leyte, ang mga igat alagang-alaga.
09:58Napaka amo at napakalambing daw kasi ng mga ito.
10:01Ang vlogger na si Jose, birmi daw na nasa sapang ito sa kanilang bayan sa Matalum, Leyte.
10:11Hindi lang para maglaba o maligo sa napakalinaw nitong tubig.
10:15Kundi para makipaglaro sa kanilang friendly babyhood alaga na isang igat o eel.
10:22Si Jose nakikipaglaro dito. Pinapakain din niya.
10:25Napakain namin si Cassie. Lalo na pag gutom na siya.
10:30Yung nilulutong manok at yung baboy din.
10:34At hindi lang daw si Jose ang napamahal sa igat.
10:36Kundi ang buo nilang komunidad.
10:39Sa sobrang pagmamahal nila rito, pinangalanan pa nila itong Cassie.
10:44Short for Casili.
10:45Saritang bisaya para sa igat.
10:47Si Cassie hindi nangagat po. Mabuti pong kayop si Cassie.
10:51Si Cassie magit isang dekada na raw na nakikipag-bonding sa mga labandera at sasapa.
10:56Noong una, maliit pa lang daw ito at nag-iisa lamang sa sapa.
10:59Pero dahil alagang-alaga raw si Cassie ng mga residente, lumaki ito.
11:04Isa't kalahating metro na ang haba nito ngayon.
11:07Dumamin na rin ang mga Cassili sa sapa.
11:09Mahigit. Mga pito lahat ay yung mga kasamahan niyang mga igat.
11:14Pero bakit nga ba tila napakaamo ng mga igat sa sapa ng matalob?
11:18Kulitin! Ayan na!
11:21Kahit mukaman sila mga ahas, ang mga igat ay isda.
11:24Sila'y may mga hasang o gills na tumutulong sa kanila na makahinga sa ilalim ng tubig.
11:29At alam niyo bang kaya nila lumanguyin ng pasulong at patras?
11:33Yan ay sa tulong ng kanilang dorsal at anal fins.
11:36Sila rin ang mga carnivorous predators.
11:38Kumakain sila ng malilit na isda, crustaceans, at mollusk.
11:42Habang malalaking species ng igat naman, kaya kumain ng amphibians.
11:46Pati na malilit na reptiles, ibon, at mammals.
11:49Pero bakit nga ba napakaamo ng igat sa sapa ng matalob?
11:52Meron lang mga instances, katulad nung nasa video,
11:55na parang alaga nila yung Cassili at medyo nasanay na na pinapakain nila.
12:01Pero by nature talaga, itong mga Cassili is a predator and nocturnal sila.
12:08Kung ang mga taga-matalob, di takot pang yan nubilo sa mga igat sa kanilang sapa,
12:13kaya pagdadalawang isip sila lapitan ang isa raw igat,
12:17na di kumanoy nangunguyente raw.
12:23Ang Electrophorus electricus, o mas kilala sa common name nitong electric eel,
12:28na bubuhay ang mga electric eel sa ilang ilog at latian sa South America.
12:32Kapag nakakita ng electric eel, huwag itong hahawakan.
12:35Pwede ka kasi nilang kuryentihin.
12:37Kaya nila maglabas ng kuryenteng umaabot ng 600 volts.
12:41Nagagawa nila ito dahil meron silang mga organ sa kanilang katawan na gumagawa ng electric shock.
12:46Ang kuryenteng ito ay ginagamit nila sa panguhuli ng pagkain at bilang defense mechanism.
12:51Pero kahit na tinatawag man silang electric eel, hindi sila mga totoong mga igat.
12:55Sila yung mga knife fish at malapit na kamag-anak na mga catfish o hito.
13:00Samantala, para malaman ang trivia sa likod ng viral na balita,
13:03ay post o ay comment lang, hashtag Kuya Kim, ano na?
13:06Laging tandaan, kimportante ang may alam.
13:08Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 hours.
13:12Para may pampuhunan sa negosyong fishball at kwek-kwek,
13:18anak na sanggol muna ang inilako online ng mga magulang nito.
13:23Ano, arestado ang dalawa sa Bulacan ng katutok si Mark Salazar.
13:28Nung lunis ito sa isang mall sa San Jose del Monte, Bulacan.
13:36Sa isang fast food restaurant, naganap ang umano'y bentahan ng isang sanggol na 12-day-old pa lamang.
13:44Mismong mga magulang ng sanggol ang nandoon para magbenta.
13:47At nang tanggapin ng ama ng bata ang 27,500 peso marked money,
13:53inaresto agad sila ng PNP Women and Children Protection Center.
13:59Sa isang Facebook private group for adoption,
14:02nakipagkasundo ang kopol na ibenta ang kanilang baby sa buyer na undercover police pala.
14:08Kami po sa NACC yung nagmumonitor ng mga Facebook groups ng bentahan ng baby
14:14at nire-report po namin yan sa PNP Women and Children Protection Center.
14:18Ibat-iba raw ang dahilan ng mga nagbebenta ng anak pero kalimitan ay kahirapan.
14:24Sa kaso ng dalawang naaresto, bukod sa kapwa mga bata pa ang mga magulang,
14:29gagamitin daw nila ang pera para ipuhunan sa negosyong kwek-kwek at fishball.
14:34Malinaw ang pagdadalhan sa aristadong batang ama at batang ina.
14:38Kinakarap po nila ngayon yung qualified trafficking.
14:41Meron din silang kinakarap na child abuse and syempre yung illegal adoption.
14:46Yung sa qualified trafficking, non-vailable po ito.
14:48At maaari silang matulan ng 20 years hanggang habang buhay na pagkakulong.
14:53Ang kanilang baby ang hahanapan pa ng kanlungang tahimik at ligtas para sa kanyang paglaki.
14:59Hindi kami pong maghahanap ng permanency plan para sa baby.
15:03Pero bago po natin hanapan ng permanency plan through adoption,
15:07kailangan po muna natin mahanapan ng bata ng kaanap up to the fourth degree of consanguinity.
15:13Pero dapat po ay yung kaanap po na yun ay pumasa sa parent capability assessment report
15:19na isinasagawa po ng ating LGU social workers.
15:22Isang bintahan ng sanggol ang napigilan sa entrapment operation na ito.
15:26Pero aminado ang National Authority for Child Care na malaking hamon ang lubusang ipahinto ang industriyang ito.
15:33From 20 plus pages last year, nasa 8 pages na lang since January.
15:40Pero kasi ang problema dito is kahit tinitakedown ng ating partner ng DICT, CICC, yung mga Facebook pages na ito,
15:49gumabalik pa rin eh.
15:50Yung iba, tinatago na lang sa adoption ng pets, adoption ng mga aso.
15:55Pero pag tinasok mo yung Facebook page na yun, adoption pa na ng bata.
15:59Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
16:06Muling nagain ng reklamong qualified theft, ang beauty queen actress na si Michelle D.
16:11Laban sa dating driver at personal assistant ni Rian Ramos na si Elias Totoy.
16:16Kasama sa mga isinumiting ebidensya, ang sinasabing angpaw na ninakaw umano.
16:22Nakatutok si John Consulta.
16:24Nitong biyernes, muling inihain ng beauty queen at aktres na si Michelle D.
16:32Sa Makati Prosecutor's Office, ang reklamong qualified theft laban kay Elias Totoy,
16:37ang dating driver at personal assistant ng kaibigang si Rian Ramos.
16:41Ang allegation po na kinuha niya po yung ampaw na naglalaman po ng 10 items,
16:49na valuable items ni Michelle D. without her knowledge and consent.
16:54Paliwanag ng abogado ni Michelle, kailangang i-re-file ang reklamo para masunod ang tamang proseso.
17:00Nadismiss kasi ang naunang reklamo ni D.
17:02Dahil hindi na raw maaaring ma-inquest si Elias Totoy noon
17:05dahil mahabang panahon na ang lumipas mula nang mangyari ang umano'y panghinakaw noong Desyembre.
17:11Ayon daw sa Prosecutor, kailangan na raw dumaan ang reklamo sa preliminary investigation.
17:16Naging issue lang po doon sa resolution ng Office of the City Prosecutor noong January 19,
17:22inquest investigation, is whether or not subject po ba for inquest yung kaso.
17:28Kaya sinabi po nila na dalhin sa regular preliminary investigation at doon po natin investigahan
17:34at saka po nila a-actionan ang merits ng kaso whether or not there's a reasonable certainty of conviction
17:41to indict Mr. *** for qualified theft na i-final po ni Ms. Michelle D.
17:49Kalakit ng reklamo ang litrato ng umano'y kinuha ni Elias Totoy
17:53nang walang pahintulot ang ampaw na may lamang mga valuables daw ni D.
17:58Sampu daw ang laman ng ampaw at siyam dito isinuli na ni Elias Totoy.
18:03Pero may isa pang nawawala na nauna na niyang sinabi na wala raw ito sa kanya.
18:08Kanina kasamang NBI, binalikan ni Elias Totoy ang Makati Police Station
18:12kung saan siya dinala matapos ireklamo doon ni D.
18:15Aligasyon niya, sinaktan umano siya ng mga polis habang nakadetine
18:19mula January 19 hanggang sa mapalayan noong January 22.
18:24Ipinakita ni Elias Totoy kung saan siya idinaan
18:26at ang kwarto na pinangyarihan ng umano'y pananakit.
18:29Nangako si Makati Chief of Police, Police Colonel Pedro Alagano
18:32ng full transparency at cooperation sa investigating team.
18:37Binigyan din ng Makati Police ang NBI ng kopya ng CCTV habang andun si Elias Totoy.
18:42Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
18:50Pinagpapaliwanag ng ERC ang isang solar company ni Congressman Leandro Leviste.
18:55Bukod kasi sa nagteas-singil ito ng walang permiso ng komisyon,
19:00nasilip ding wala rin palang pahintulot ang mismong operasyon nito.
19:04Nakatutok si Ivan Mayrina.
19:05Kasunod ang kontrobersya sa prangkisa ng kumpanyang solar
19:12para sa bayan ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
19:17Naungkat din ang mga reklamang natanggap umano
19:18ng Energy Regulatory Commission o ERC tungkol sa operasyon nito.
19:23Unang nasilip, may permit bang mag-operate ang kumpanya?
19:26Noong chinek pa namin yung records, dumalabas, wala namang hininging permiso sa ERC yung operasyon na ito.
19:35Pinadarhan na ng show cost order ng ERC ang solar para sa bayan
19:38para magpaliwanag kung bakit sila nag-operate nang walang pahintulot ng komisyon.
19:43Kinukusyon din ng ERC ang pagtataas sila ng sigil nang walang pahintulot.
19:47Kinakailangan talaga nilang humingi ng approval ng ERC.
19:53Dahil itong approval na ito, yung pagtatakda ng ERC ng sigil,
19:58ito ang makasisiguro na yung interes ng mga consumer ay mapuprotektahan
20:02na hindi sila masisingil ng labis o sobra-sobra.
20:06Sinubukan namin kuhanan ng pahayag si Leviste.
20:09Kaunay sinilabas sa show cost order pero hindi siya sumagot.
20:12Pero nauna na niyang sinabi na 2022 pa nagtigil operasyon ng solar para sa bayan
20:17sa lahat ng 7 lugar ang nagkaroon ito ng operasyon.
20:20Pinilit umano nila magkaroon ng kasunduan sa lokal na pamahalaan
20:23kung saan sila nag-ooperate na sila na lang ang magpatuloy ng kanilang operasyon
20:26pero nabigo sila.
20:28Kaunay naman ang mataas sa singil na 18 pesos per kilowatt hour.
20:32E ginit ni Leviste na palugin na nga umano ang singil nila nung simula
20:35habang naghihintay ng implementing rules and regulations.
20:38Hindi umano nila kayang magpatuloy ng operasyon ng palugi kaya nagtaas sila.
20:42Pero sa ngayon ay hinihintay ng ERC ang opisyal na tugon ng solar para sa bayan
20:46sa inisyo nitong show cost order.
20:48Kung mayroon talagang nangyaring violation ay magpapataw ang komisyon ng karampatang parusa.
20:57Maaaring sila ay maimpusan ng penalty.
21:01At kahit pa man sinasabi ngayon na hindi na nag-ooperate yung kumpanya na yan,
21:07maaaring pa naman tingin natin na mahabol pa rin at pagdating sa implementasyon ng penalty.
21:12Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina nakatutok 24 oras.
21:19There's no stopping Alex Iala na uusad na sa round of 16 ng Abu Dhabi Open.
21:27Kasunod dyan ang panalo ng Pinay Tennis A sa round of 32.
21:31Laban sa pambato ng Turkiye na si Zeynep Zonmez.
21:35Wagi si Iala sa score na 6-4, 6-3.
21:39Sunod na makakaharap ni Iala para sa round of 16.
21:42Ang rank 109 in the world na si Alyaksandra Sasnovich.
21:48Bago yan, sasabak din sa doubles match si Iala.
21:52At makakasama niya si Janice Cheng ng Indonesia.
21:55Kung nabusog at nagulat na agad kayo sa action-packed premiere ng Never Say Die kagabi,
22:06get ready for more dahil simula pa lang yan ang mas marami pang intense na mga eksena ni na Jillian Ward at David Licauco.
22:13Ngayon pa lang, umani na rin ng papuri ang seri mula sa netizens dahil sa pagiging timely ng tema at kwento nito.
22:21Makichika kay Aubrey Karampel.
22:25Pilot episode pa lang, maaaksyong eksena na agad ang napanood sa pinakabagong GMA Prime series na Never Say Die.
22:35Kung saan ipinakilala na
22:37ang mga karakter ni na star of the new gen Jillian Ward at pambansang ginoo David Licauco.
22:44Si Jillian si Joey, isang vlogger.
22:47Alam niyo, bilip na bilip talaga sa kanila kasi talagang sa mga events na gandit mo,
22:51pinaprotectaan nila tayo, naalagaan nila tayo.
22:53At syempre, lagi silang promi-responde kapag may mga super delikadong sitwasyon.
23:00Si David C. Andrew, ang investigative journalist na ine-expose naman ang mga krimen at katiwalian.
23:06Talagang delikado.
23:10Mga katerada, tatlong buwan, 35% agad ang tinaas ng crime rate sa bansa.
23:19Magkasamang nanood si David at Jillian ang world premiere ng Kapuso Action Drama Series.
23:25Kasama rin nila ang production at creative team.
23:27Mababakas nga sa mukha ni na Jill at David ang rollercoaster of emotions na napanood sa episode kagabi.
23:35Grabe action, hindi ako makahinga. Grabe.
23:38Gano'n yung pakiramdam abang pinapano ko?
23:40Gano'n yung pakiramdam, intense, di ba?
23:42Super intense. Grabe. Kaya kung mapapansin niyo po, unang episode, medyo chubby pa ako.
23:48Pumayat ako ng bigla kasi grabe, sobrang intense ng action scenes.
23:52Buhos din ang papuri online mula sa netizens na nakapanood.
23:57Napapanahon daw kasi ang tema at kwento.
24:00Grabe yung character na ginawa nila ng mga writers, especially kay Joey.
24:07Ang ganda ng character ni Joey.
24:09Lahat ng characters dito talaga, maganda at minag-isipan.
24:13Pero simula pa lang daw yan dahil mas marami pang intense na eksena ang dapat abangan.
24:20Siyempre marami pang characters na lalabas.
24:22Sina Richard Yap, si Jesus, si Raheel at maraming marami pang iba.
24:31So yun yung kailangan nilang abangan.
24:32And siyempre yung story, yung storyline, gumaganda siya every episode.
24:39Paano mabibisto yung mga bad guys?
24:42At anong gagawin nila Andrew at Joey?
24:45Para talagang mapaglaban yung mga pinaglalaban nila.
24:48Kasi magkaiba yung opinion nilang dalawa po eh.
24:51So magka-clash sila for sure.
24:54So sino bang magwawagi sa kanilang parang hidden animosity sa isa't isa.
25:01Obri Carampel, updated di Showbiz Happenings.
Comments