Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

šŸ—ž
News
Transcript
00:00Samantana, handa raw ang defense team ni Vice President Sara Duterte na harapin ang dalawang panibagong impeachment complaints na inihain laban sa kanya.
00:09Ang ilang mambabatas naman, nangangambang umabot muli sa Korte Suprema ang impeachment complaints laban sa BICE dahil iba-iba ang interpretasyon kung kailan matatapos ang one-year bar rule.
00:22Balitang hatid ni Bernadette Reyes.
00:24Dalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ang inihain sa House Secretary General unang naghahain ng iba't ibang progresibong grupo na inendorso ng mga kongresista mula sa makabayan bloc.
00:41Betrayal of public trust ang ground for impeachment.
00:43Dahil sa abusado mo nung paghawak sa P612.5 million na halaga ng confidential funds mula December 2022 hanggang ikatlong quarter ng 2023.
00:56Kabilang dito ang pagwaldas umano ng P125 million na confidential funds sa loob lang ng labing isang araw noong December 2022.
01:05Mahigit P73 million ng pondong ito inissuhan ng Notice of Disallowance ng COA.
01:11Ayon pa sa reklamo, inutos umano ni Duterte sa kanyang staff na gumawa ng mga di makatotoha ng accomplishment report na suportado ng gawagawang liquidation reports at mga pineking dokumento.
01:24Ipinunto ang mahigit 2,000 acknowledgement receipt na nakitaan umano ng irregularidad gaya ng pirma ng isang Mary Grace Piatos na ayon sa PSA walang record ng kapanganakan, kasal o pagkamatay.
01:37We expect na makukuha ang one-third at mapabibilis ang transmission sa Senado at makapagsisimula na forthwith ang trial na naunchami.
01:49So finally, dapat matuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara sa lalong madaling panahon.
01:57Makalipas lamang ang mahigit kalahating oras, panibagong impeachment complete naman ang hinain laban sa Vice Presidente, kabilang sa mga petitioners nito ang ilang individual at mga civil society at religious groups.
02:10Kabilang dito si Nakiko Aquino D., apunin na dating Pangulong Cory Aquino at dating Sen. Ninoy Aquino, dating Peace Secretary Ging Delez at Father Flavie Villanueva.
02:22Kabilang sa grounds ang pag-amin umano ng bise na ipapapatay si Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Lisa Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
02:34Maling paggamit umano ng confidential funds at pamamahagi ng monetary gifts sa mga opisyal ng DepEd na may kinalaman sa procurement.
02:41Gayun din ang pagkamahal ng di may paliwanag na yaman at hindi pagdeklara ng buong yaman sa kanyang SAL-N.
02:49At iba pang high crimes, kabilang na ang murder at conspiracy to commit murder.
02:54Kung saan isinasangkot si Vice Presidente Duterte sa extrajudicial killings ng Davao Death Squad.
03:00Halos pareho nga po yung laman given that hindi nga nag-decide yung Supreme Court tungkol sa nilalaman ng kaso.
03:06There's always a chance that we will be able, that the House will be able again to get enough signatures, that is the one-third,
03:15para yun na rin ang magiging resolution and articles of impeachment that can be transmitted to the Senate.
03:23Sa pahayag ni Atty. Michael Powa ng defense team ng Vice Presidente, sinabi nitong hindi na nila ikinagulat ang paghahain ng impeachment complaints.
03:33Handa raw silang harapin ang mga aligasyon sa pamamagitan ng tamang proseso sa ilalim ng konstitusyon.
03:40Kumpiansa raw silang mapapakita ng patas na review na walang basihan ng mga akusasyon.
03:47Sa desisyon ng Korte Suprema noong July 2025, sinabi nitong walang impeachment proceedings na pwedeng simulan sa Kongreso bago ang February 6, 2026.
03:58Pero bakit ngayon pa lang may mga naghahain na?
04:00Sa desisyon noong Julyo, itinuturing ng archived o dismissed ang tatlong impeachment complaint noong February 5, 2025.
04:09Ito ang naging batayan para sabihin February 6 pa pwedeng maghahain ng impeachment complaint alinsunod sa one-year bar rule.
04:17Pero sa desisyon ng Supreme Court nitong Inero, walang nabanggit na February 6.
04:22Sa desisyon, sinabing binilang dapat ang 10 session days mula sa paghahain at pag-endorso sa unang impeachment complaint noong December 2, 2024.
04:33Ibig sabihin, may hanggang January 14, 2025 ang kamera para ilagay ito sa kanilang order of business.
04:40So counting from December 2, 2024, yung 10 session days niya was until January 14, 2025.
04:54In other words, January 15, 2026, naglapse na ang one-year prohibition period.
05:04Pero may kalituhan pa rin ang ilang kongresista.
05:07Even myself is confused. Alin yung susundin natin? Is it the February 6, 2026 na nasa original decision?
05:19Or is it the January 15, 2026 which was implied in the recent resolution?
05:28That might be another cause or source of confusion that may lead again to another petition before the Supreme Court.
05:39Pagka the referral is on the 6th of Feb onwards, tingin ka wala ko tayong magiging problema dito.
05:46So people can file any complaint from today up until the 6th.
05:51CSC ka pa namin makuha ang panig ng Korte Suprema.
05:54Bernadette Reyes, nababalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended