00:00Gubugulong na ang proseso ng impeachment sa dalawang pinakamataas na leader ng bansa.
00:06Ang dalawang reklamo kay Pangulong Bongbong Marcos, sufficient in form, sabi ng House Committee on Justice.
00:14Tinanggap naman ang House Secretary General ang dalawang bagong reklamo kay Vice President Sara Duterte.
00:20Narito ang report.
00:21Para matukoy kung sufficient in form, dapat nasunod dito ang mga itinakdang forma ng reklamo, gaya ng wastong verification, pirma at iba pa.
00:34Unang pinagbutuhan ng House Justice Committee ang De Jesus impeachment complaint laban sa Pangulo na inendorso ni Pusong Pinoy party list, Representative Jeri Jet Nisay.
00:45With 46 votes in favor, one vote against, and one abstain, the Chair declares the De Jesus complaint as sufficient in form.
01:00May mga kumwestiyon naman sa ikalawang reklamo na inendorso ni Representative Antonio Tino.
01:06If you read the complaint, it is not a verification after the complaint but a jurat.
01:15It says, subscribe and sworn to.
01:18This is not the verification that is required under the Constitution under our rules.
01:24Matapos makumpara ng mga kongresista ang mga kopya ng reklamo.
01:28With 35 in favor, 9 against, and 1 abstain, the Chair declares the Masa et al. complaint sufficient in form.
01:45Pero may mga pumalag sa desisyon.
01:48It is very clear that there is insufficiency in form.
01:55I therefore would like to walk out of this hearing right now.
02:00Even before, sinabi na po ng Pangulo na alam niya na wala siyang ginawang mali, wala siyang ginawang paglabag sa batas, at wala siyang ginawang impeachable offense.
02:09Kaya, kumpiyansya siya sa sarili niya.
02:12Tatalakay bukas ang sufficiency in substance ng dalawa reklamo.
02:16Dalawang magkasunod na impeachment complaint naman ang inihain laban kay Vice President Sara Duterte.
02:24Ang una, inihain ng iba't ibang progressive groups na inendorso ng kongresista mula sa makabayan bloc.
02:31Betrayal of public trust ang tinukoy nilang grounds for impeachment dahil anila yan sa abusadong paghawak sa 612.5 milyon na confidential funds
02:41ng Office of the Vice President at DepEd mula 2022 hanggang 2023.
02:48Sunod na naghain ang grupo ni na Kiko Aquino D., ang apo ni na dating President Cory Aquino at former Senator Ninoy Aquino.
02:55Inendorso ito ni na mamamayang Liberal Partylist Representative Laila de Lima at Akbayan Partylist Representative Percy Sendanya.
03:04Limang grounds ang binanggit nila, ang culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, commission of high crimes, graft and corruption at bribery.
03:15Tinanggap na ng Office of the Secretary General ang dalawang reklamo kaninang umaga.
03:20Sa desisyon ng Korte Suprema noong nakaraang taon, walang bago impeachment complaint na maaring simulan laban sa bise na mas maaga kesa sa February 6, 2026.
03:32Ito yung tinatawag na one-year bar rule.
03:35Nagmula raw ang pagbibilang ng ma-archive o ma-dismiss ang tatlong naon ng impeachment complaint noong February 5, 2025.
03:43Pero sa bagong desisyon ng SC, hindi na nabanggit ang pechang ito.
03:48Ang panungkala na isang maestrado, December 2, 2024, nagsimula ang unang impeachment complaint laban sa bise.
03:56At kapag binilang ang 10 session days, papatak ito ng January 14, 2025.
04:02Ito raman dahilan kung bakit wala pang February 6, naghain na ng impeachment complaint ang ilang grupo.
04:07Paliwanag ng Korte, ang tinutukoy nilang session days ay calendar days na nakasesyon ng Kongreso.
04:15Iba ito sa depenisyon ng Kamara sa session day na maari raw gumulong ng ilang araw hanggat hindi nag-a-adjourn.
Comments