00:00Nakaalis na ng Pilipinas ang Filipino-American activist na si Chantal Anicoche,
00:05alinsunod sa order to leave na inilabas ng Bureau of Immigration.
00:09Tatlong linggong sumailalim sa medical treatment sa ospital ng 2nd Infantry Division si Anicoche
00:15at nadischarge noong January 29 matapos siyang masagip malapit sa lugar ng inkwentro
00:22sa pagitan ng Militar at New People's Army noong bagong taon sa Abra de Iloc, Occidental, Minoro.
00:29Ayon sa NTF-ELCAC, inamin ni Anicoche ang presensya ng NPA camp sa lugar at ang koneksyon ng kanyang grupo
00:38sa Communist Party of the Philippines na itinuturing bilang security at immigration concern
00:43kaya't inilabas ng BI ang order to leave.
00:46Ipinauubaya naman ng NTF-ELCAC sa home country ni Anicoche na Estados Unidos
00:52at sa kanyang pamilya ang mga susunod na aksyon matapos na sundin ng Pilipinas
00:58sa mga kinakailangang hakbang, alinsunod sa batas at paggalang sa karapatang pantao.
01:04Kinundin na naman ng NTF-ELCAC ang mga grupong patuloy na nagpapakalat ng maling impormasyon.
01:10Hingil sa kaso nito, kasabay ng pagtiyak ng patuloy nilang ibubunyag
01:14ang mga organisasyong may kinalaman sa recruitment at terror grooming sa mga kabataan.
01:20Yuh.
Comments