Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Humiling si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste ng 6 na buwang travel authority sa Kamara para sa halos 20 bansa.
00:08Ayon kay Leviste, ang travel request niya ay mula February 8 hanggang July 26.
00:14Paliwanag ng kongresista, humiling siya ng travel authority,
00:17bunsod ng hiling daw ng ilang kinatawa ng administrasyon na mag-abroad siya
00:22at tigilan na ang paglalabas ng ebidensyang nag-uugnay sa mga opisyal ng gobyerno sa questionable ng DPWH projects.
00:29Sabi ni Leviste, ipinadaan umano ng mga kinatawan ang hiling sa kanyang ina na Senadora Loren Legada.
00:36Reaksyon naman ni Palace Press Officer Claire Castro,
00:39ang mga dapat malaman ng taong bayan dapat ipinapahiyag ng walang takot.
00:45Huwag din anyang idaan sa drama ang mga pahiwating at pagbibintang sa administrasyon ng walang ebidensya.
00:51Mainit ang pangalan ni Leviste kamakailan dahil sa pagkakaroon daw niya ng kopya ng cabral files
00:57na may listahan ng mga mambabatas na pinaglaanan umano ng pondo para sa DPWH projects.
01:04Gayun din ang pagkansela ng Department of Energy sa kontrata ng solar energy company ni Leviste
01:09dahil biguan nila itong mapatupad ang kontrata sa gobyerno.
01:14Sinabi na noon ni Leviste na sa palagay niya ang mga aligasyon laban sa kanyang solar companies
01:19ay may kinalaman sa cabral files.
01:22Iitinanggi na rin dati ni Leviste na hindi tumupad ang kanyang kumpanya sa kontrata.
Comments

Recommended