00:00Muling pinawi ng Health Department ang pangamban ng publiko na makapasok sa bansa ang Nipah Virus.
00:05Ayon sa DOH, may ipinatutupad na border control, may virus man o wala.
00:10Isa rin ang Pilipinas kasama ang Thailand at Taiwan sa mga nagpaiting ng hakbang para matiyak na hindi makakapasok sa Pilipinas ang Nipah Virus.
00:20Ibinahagi ng DOH na mayroon silang spotters na nurses na may thermal cameras para makunan ng temperatura
00:26ang mga dumarating na sa Ninoy Aquino International Airport.
00:30Sinabi ng Assistant Secretary Albert Domingo, spokesperson ng DOH, na ang virus na ito ay nagmumula sa hayop na nakukuha lamang kung lalapit sa isang may sakit na panike o fruit bat.
00:41Kaya't walang dapat ipangamba kung may lagnat o anumang sintomas kung wala naman nakakahalubilo na galing sa ibang bansa.
Comments