Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dismayada po si DPWH Secretary Vince Dizon nang datnyan niyang hindi pa tapos ang ilang mga proyekto sa Bicol.
00:07Ang isang flyover na nakakontrata sa mga diskaya at sa kapatid ni dating Congressman Zaldico,
00:13wala pa po si kalahati ang natatapos.
00:15Nakatutok si Darlene Kai.
00:21Mga nakatiwangwang na po siyang dinatna ni DPWH Secretary Vince Dizon
00:25ang inspeksyon niya ng dapat sanay malabog flyover sa Albay na 2021 pasinimulang itayo.
00:36Labing dalawang porsyento pa lang ng kabuang 700 metrong flyover ang nagagawa.
00:40Dalawang kontratista ang gumawa ng 159 milyon pesos na proyektong ito.
00:45Ang Hightone Construction and Development Corporation,
00:47ang kapatid ni dating Congressman Zaldico na si Christopher Co
00:50at ang Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation ng mga diskaya.
00:56Kasama ang dalawang kumpanya sa lista ang inilabas si Pangulong Bomo Marcos
00:59ng top 15 contractors na nakakorner ng 20% ng lahat ng flood control projects sa bansa.
01:06Magaking problema talaga itong dinadanas natin dito sa Bicol
01:10kasi ang daming SunWest at ang daming Hightone na nandito.
01:15Naalam naman natin, hindi na pwedeng mangontrata yung SunWest sa Hightone ngayon
01:19kasi may mga kaso na frozen na lahat ng accounts niyan.
01:22Ngayong February, papabid na natin ang bago.
01:26So may pondo naman ito for 2026.
01:32Kaya nga nang ipabid, terminate si Diskaya, tatapusin na natin.
01:38Disbayado rin si Dizon sa inabutang estado ng konstruksyon
01:41ng Bicol Regional Medical Center sa Daragaalbay.
01:44Mula nang simula ng proyekto noong 2023,
01:46apat pa lang sa sampung palapag ang natatapos.
01:49Minus 15% yung delay, magakiyon.
01:53Sinuspindi daw kasi ang pagawa sa ospital dahil kailangang baguhin ang disenyo.
01:57Pero masyado rang matagal ang pagkakabinbin, sabi ni Dizon,
02:00kaya 36% pa lang ang nagagawa sa ospital na nagkakahalaga ng 3.5 billion pesos.
02:07I will have to talk to DOH kung ano yung binago.
02:10Seven months is too long for a design revision. Masyado matagal.
02:13Masyado na yan.
02:14Ipatatawag at pagpapaliwanagin din daw ni Dizon ang kontratistra ng proyekto.
02:19Napakahalaga pa naman daw para sa buong Bicol Region na magkaroon na ng malaking ospital.
02:24We have, sometimes we have more than 600 patients at one time.
02:29So ang kaya ng nitong available natin is about 300 to 400 lang.
02:33So malaki ang backlog natin.
02:35Kaya nakausiba ko yung secretary, kailangan ipastrack natin ito.
02:38Sisikapin daw ng DPWH na matapos ang Bicol Regional Medical Center sa susunod na taon.
02:44Pinamamadali na rin ni Dizon ang pagkukumpuni sa isang bahagi ng Maharlika Highway sa Albay.
02:49Sarado ang isang lane, lubak-lubak din at sira ang daan.
02:53Paspasanin ang lahat ko.
02:55Kasi pagdating ng Holy Week tapos may mga closed lanes ka dito at tapos tayo sa traffic dito.
03:02Ha?
03:07Papanood ko sa TV, sa social media.
03:10Ibibigti ka ng mga taga-albay dito pag hindi mo nagawa yan.
03:14Nauna nang ipinangako ng DPWH ang rehabilitasyon ng buong Maharlika Highway.
03:19Iniutos sa Manitransportation Secretary Giovanni Lopez sa Civil Aviation Authority of the Philippines
03:24na paglaanan ng 200 to 300 million pesos ang pagresolba sa issue
03:28ng Bicol International Airport sa National Grid Corporation of the Philippines.
03:33Limitado lang kasi ang nagagamit sa kanilang runway dahil may sagabal na transmission line.
03:37Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended