00:00Maulang panahon ang nararanasan sa ilang bansa gaya dito sa Pilipinas sa gitna ng umiiral na El Niño.
00:07Kung bakit nangyayari yan, alamin sa unang balita ni Bea Pinlac.
00:16Walang humpayang malakas na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
00:21Dulot nito ay mapaminsalang baha.
00:26Sa ibang panig ng mundo naman, nasa state of catastrophe na ang Chile dahil sa matinding baha.
00:32Kalbaryo rin ang ganito kalawak na pagbaha sa Brazil.
00:36Pero may ilang bansa naman na nakararanas ng nakamamatay na init.
00:41Lahat ng iyan, nangyayari sa gitna ng nararanasan ngayong El Niño.
00:45Na ayon sa World Meteorological Organization, ay patuloy na lumalakas at inaasahang mas mabagsik pa sa pagitan ng Agosto at
00:54Oktubre.
00:55Ang El Niño ay ang malawakang pag-init ng Central at Eastern Pacific Ocean malapit sa Central America,
01:02na may epekto sa timpla ng panahon at klima sa daigdig.
01:06Meron tayong El Niño, meron tayong Laninya.
01:08Ibig sabihin, nagkakaroon po ng balance yung ating nature na kailangan niyang uminit, kailangan niyang lumamig.
01:16Ayon sa pag-asa, kabawasan sa tubig ulan ang karaniwang epekto ng El Niño sa Pilipinas.
01:22Pero bakit tuloy-tuloy ang pag-ulan?
01:24Kapag ito ay nangyayari sa panahon ng habagat,
01:28nagkocontribute din po ito ng pagpapa-enhance ng ating habagat
01:32kung saan mas marami po tayong ulan na natatanggap sa panahon ng habagat kapag merong El Niño.
01:39Ayon sa pag-asa, posibleng umabot hanggang Oktubre ang habagat season.
01:44Ang El Niño naman, inaasahang tatagal pa hanggang 2027.
01:49Magkakaroon ng significant na reduction tayo sa ulan
01:52at ang isa pa, mainit yung temperatura natin.
01:56So ibig sabihin, mabilis din yung evaporation rate ng ating mga katubigan.
02:00Usually, pwede itong mauwi dun sa tinatawag na dry spell.
02:04Kapag nagtagal pa ito, ito yung tinatawag nating meteorological drought
02:08or prolonged drought condition na kung saan posibleng maapektuhan
02:12yung ating agrikultura, yung ating mga irigasyon,
02:15yung ating mga dams, yung ating mga water systems.
02:19And also, kapag tumindi pa ito,
02:22so ibig sabihin, yung tinatawag nating eh yung socio-economic drought,
02:26posibleng rin natin itong maranasan.
02:27Nagbabala ang United Nations na dahil sa pagkatuyot na dulot ng El Niño,
02:32halos 50 milyong tao sa mundo ang posibleng masadlak sa gutom simula Setiembre.
02:39Naghahanda na ang gobyerno sa paglakas pa ng El Niño
02:42at magiging epekto nito sa agrikultura, kalusugan, at iba-iba pang sektor.
02:48Pati supply natin ng tubig, pinangangambahang mababawasan.
02:52Usually, lalong-lalong na yung mga kababayan natin dito sa Metro Manila
02:56na kung saan umaasa tayo sa Anggat Dam.
02:59So, alam natin ngayon na mababa pa rin yung level ng ating Anggat Dam,
03:03kahit ito ay nadadagdagan sa panahon ng habagat,
03:06pero kailangan pa rin natin magtipid tayo ng tubig
03:09kasi posibleng pa rin maapektuhan,
03:11lalong-lalong na kung magtatagal itong El Niño,
03:14yung panahon ng ating warm and dry season months
03:17na kung saan the following year, mga February, March, April,
03:21yan talaga yung medyo talagang wala tayong ulan.
03:24Sabi ng pag-asa, weak to moderate pa sa ngayon
03:27ang El Niño na nararanasan natin.
03:29Pero,
03:30hindi porkit sinabi nating weak
03:32o yung tinatawag nating sinat lang yung nararanasan natin
03:35na impact or yung strength ng El Niño,
03:38ay hindi ito nangangahulugan na kokonte o mahina ang impact nito.
03:42Nandyan pa rin yung banta na posibleng magiging typhoon
03:45at super typhoon ang ating mga kategory ng mga bagyo.
03:48At nagpa-enhance pa rin ito ng ating habagat
03:51na posibleng mas marami pa rin ang ulan na mararanasan natin,
03:55lalong-lalong na dito sa western section ng Luzon
03:57kasama ang Metro Manila.
03:59Ito ang unang balita.
04:01Bea Penlac, GMA News.
Comments