00:00Sa ibang balita, abistado ang isang recruitment agency na nag-aalok ng trabaho abroad, kahit walang kaukulang lisensya.
00:08Tatlong tauhan itong arestado at nakatutok si JP Sorian.
00:14Sa mas pinaiting na cyber patrolling ng Department of Migrant Workers,
00:19nakita nila ang post na ito ng R.C. Rain International Manpower Agency sa social media na nag-aalok ng trabaho sa Europe at Middle East.
00:27Nag-recruitan nila ang ahensya ng mga Pilipinong manggagawa papuntang Greece, Hong Kong at Qatar kahit walang kaukulang lisensya mula sa DMW.
00:37Sa enchantment operation ng DMW at CIDG sa opisina ng ahensya sa Cubao, Quezon City,
00:43gumamit sila ng mga aset na nagpanggap na nag-a-apply ng trabaho.
00:48Dito natuklasan na naniningil-umano ang ahensya ng mahigit 300,000 pisong placement fee
00:54para makapagtrabaho bilang housekeeper at skilled worker.
00:57Gaya ng plumbing sa Greece.
01:00Hanggang 35,000 piso naman ang placement fee para makapagtrabaho sa Hong Kong.
01:06Kahit wala dapat kahit anumang placement fee doon.
01:09Sa entrapment po natin, tatlo po yung ating nahuli red-handed na tumanggap ng pera
01:16para mag-offer ng overseas work na wala pong lisensya.
01:20Hindi po, sir.
01:23Apo, wala po.
01:24Na-discovery rin na may service agreement sa isang recruitment agency at isang medical facility
01:30ang ipinasarang ahensya.
01:32Ibig sabihin, posibleng nagpapasa sila ng mga kliyente sa medical facility
01:37para makakuha ng pre-employment medical certificate at may karagdagang singil pa.
01:42Kahit lisensyado ka kapag ikaw ay tumanggap ng mga referral sa isang nag-process
01:49kasi nagpa-process itong isinarado natin ngayon.
01:53So bawal po yun.
01:54Inaalam pa ng DMW kung gaanong karaming manggagawa na ang naipadala ng ahensya sa Greece, Hong Kong at Qatar
02:01at kinokontak na sila.
02:04Kung sila ay nagtatrabaho na, agad-anilang iwawasto ang kanilang mga dokumentong nararapat
02:09para sa isang OFW at bibigyan ng pagkakataong maghain ng reklamo.
02:14Ang CIDG susuriin ang mga ebidensyang natuklasan mula sa operasyon.
02:18Just imagine magbibenta ng mga gamit, mga hayop para pang placement fee
02:22and all of the sudden, fake pala yung ina-apply nila.
02:25Ito na ang ikatlong recruitment agency na naipasara ng DMW ngayong taon.
02:30Noong nakaraang taon, 32 illegal recruitment agency ang kanilang ipinasara.
02:35Sulusubukan pa namin kunin ang pahayag ng R.C. Rain International Manpower Agency
02:39pero wala pa silang tugon.
02:42Para sa GMA Integrated News, ako po si J.P. Soriano.
02:46Nakatutok 24 oran.
02:52Nakatutok 24 oran.
02:59anu.
03:02�