Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga ngayon po!
00:02Maulang weekend na naman ang bumulaga sa Metro Manila dahil sa mga thunderstorms.
00:08At nagresulta po yan sa kabi-kabilang baha.
00:12Isa sa mga nalubog ang bahagi ng Mother Ignacia at Summer Avenue sa Quezon City,
00:16kung saan na perwisyong ilang motorista at negosyante.
00:20Mula sa Quezon City, nakatutok live si Darlene Kai.
00:24Darlene?
00:26Pia Ivansa ngayon tuloy nang humupa yung baha dito sa Mother Ignacia Corner, Summer Avenue sa Quezon City.
00:33Pero kanina, wala pang isang oras yung nakalilipas hanggang dito ko yung tubig.
00:38Stranded tuloy yung ilang mga motorista at pinasok din ng tubig yung ilang establishments dito.
00:47Bandang alas dos ng hapon, bumuhos ang malakas na ulan sa Quezon City.
00:51Sa lalim ng baha sa pahandulok ng Mother Ignacia at Summer Avenue sa Quezon City,
00:56lagpas kalahati ng street sign ang lubog.
00:59Halos bubong na lang din ang kita sa isang nabahang pickup.
01:03Nalubog din ang isang utility van.
01:05May mga bahagi na malakas ang agos kaya natangay ang isang plastic barrier.
01:10Maraming basura rin ang lumutang.
01:12Pinasok ng tubig ang isang tindahan.
01:14Dahil sa baha, ilang motorista ang stranded at ilang commuter ang hindi makahuwi.
01:19Narito po ang pahayag ng ilang mga nakausap namin.
01:22Ang malaking perwisyo po, gawa nang wala kaming pambayad boundary eh.
01:28Wala rin kaming may uwi sa pamilya.
01:30Wala naman kaming ibang madahanan kasi.
01:32Galing kami sa doon sa gym eh.
01:36Grape kasi sa edya, wala nang galawan kayo umiikot ako.
01:39Dito na kami dadaan din mo, na kami may kaiwas din kasi dahil doon siya.
01:44First time, kumakita ng ganito kataas na baha na grabe po na nasa na yung flood control project.
01:50Kung baga nasa na yung project natin na nasa yung pera.
01:54Nakawawa kaming mga negosyante, tayong mga negosyante po na nagbabayad ng tax.
01:59At the same time, ganito pa rin nangyayari.
02:01For how many years na ganito pa rin nangyayari, wala pa rin po.
02:04Parang nasaan. Kung baga, nasaan kayo.
02:07Ivan, ngayon ngayon lang, lumalakas na naman yung buhos ng ulan dito sa Quezon City.
02:17Ayon sa advisories na inilalabas ng Quezon City Local Government,
02:21ay patuloy daw silang nakamonitor sa sitwasyon.
02:24At para po sa mga residente at sa mga daraan dito sa Quezon City,
02:27pwede po kayong tumawag sa hotline 122 kung meron kayong emergency o kailangan ninyo ng saklolo.
02:34Yan ang latest mula rito sa Quezon City. Balik sa'yo, Ivan.
02:36Darlene, dyan sa kinatatoyan mo, nakikita ko medyo maluwag naman yung traffic.
02:40Pero paglabas ko kanina, papunta dito sa studio,
02:43nakikita ko kapakapal ang volume ng mga sasakyan.
02:46Mahaba yung mga pila going to the major thoroughfare.
02:53Ivan, kanikanina nga, nung hindi pa humupa yung tubig,
02:56talagang mahaba yung pila ng mga sasakyan, mga motoristang na-stranded.
03:00Pero nung humupa naman yung tubig dito,
03:03clear na naman at maluwag na yung daloy ng trapiko.
03:06Ang nangyayari dito sa likuran ko ay nagkakaroon ng parang clearing operations.
03:10May mga kawanina ng barangay at ng LGU
03:13na naglilines ng mga putik at basura na naiwan dito.
03:16Pero libre naman namang nakakadaan yung mga sasakyan, Ivan.
03:20Mag-ingat pa rin po yung mga motorista natin.
03:23At kung wala namang masyadong importanteng lakan,
03:25di ba natili na lang muna sa kanilang mga tahanan.
03:27Ingat ka at maraming salamat, Darlene Kai.
03:29Nagbaha ulit sa ilang bahay ng Araneta Avenue sa Quezon City
03:35at marami sasakyan ang stranded.
03:37Sa looban hanggang dibdib ang taas ng baha.
03:40At nakatutukla si Jamie Santos.
03:43Jamie, kamusta dyan?
03:45Piyabaha agad ang ilang kalsada nga dito nga sa Quezon City
03:52matapos bumuhos ang malakas na ulan pasado alas dos ng hapon kanina.
03:58Sa ilalim ng Skyway sa Araneta Avenue,
04:01stranded ang ilang sasakyan na inabutan ng pagtaas ng baha sa lugar.
04:06Sa videong ito, makikitang lumalabas mula sa bintana ng kotse ang driver nito.
04:11Kalahati kasi ng kanyang kotse ang lubog sa baha.
04:14Ilang sasakyan na rin daw ang nasiraan ng abuti ng baha ang kanilang sasakyan.
04:19Dahil sa baha, hinaharang na ng MMDA ang mga sasakyan galing Skyway
04:24na patungo ng Seafree, Kaluokan.
04:26Ilang residenteng malapit sa lugar ang nakita nating lumusong sa abot dibdib na baha.
04:31Maging sa katabing P. Florentino Street, abot bewang hanggang dibdib na baha
04:36ang tinitiis ng mga residente.
04:38Nag-issue ng thunderstorm advisory sa Metro Manila ang pag-asa
04:42kung saan tatagal ang malakas na ulan sa lugar sa loob ng dalawang oras.
04:47Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat laban sa mga posibleng epekto ng naturang lagay ng panahon
04:52gaya ng biglang pagbaha at pagguho ng lupa.
04:55Pia, hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa humuhupa yung baha sa lugar
04:59at nakakaranas ng ambon hanggang sa mahinang pagulan.
05:02At yan ang latest mula rito. Balik sa'yo, Pia.
05:05Pia.
05:06Jamie, kamusta naman ang lagay ng trapiko sa pailigid ng lugar na kinalalagyan mo?
05:10Pia, sa mga oras na ito, may mga nakita tayo ng MMDA enforcers na nakadeploy sa lugar
05:20dahil nga minamandohan nila at inaalalayan nila yung mga motorista na babiyahin nga dito patungo sa Skyway
05:26at patungo nga dito sa may bahagi ng C3.
05:28Kalooka, pinipigil na nila yung ilang sasakyang hindi kakayanin.
05:32Dahil dito sa bukana ng papasok, dito nga sa C3, sa Skyway, medyo mataas na yung baha.
05:37Hindi nga rin tayo maging yung ating news crew cab ay hindi na pinayagan ng MMDA enforcers na lumusong
05:43dahil maging yung news crew cab natin kahit mataas na yun ay hindi raw kakayanin yung taas ng baha.
05:48Lalo na sa pagdating ng bahagyang gitna, yung sa may dating opisina ng NBI
05:52dahil hanggang sa mga oras na ito, hanggang bewang parao yung baha sa oras na ito.
05:57Alright, maraming salamat sa iyo, Jamie Santos.
06:01Sa ibang balita, huli kam ang nangyaring pagpasok ng Riding in Tandem
06:06sa apartment na tinutuluyan ng labintatlong masahista.
06:09Dalawa o mano sa mga ito ang pinagsamantalahan pa.
06:12Nakatotok si Nico Wahe.
06:17Kuha ito ng CCTV mag-alauna ng madaling araw kahapon
06:20sa Cabrera Street, barangay 140 Pasay City.
06:23Makikitang dumating ang Riding in Tandem na ito
06:26hanggang ang isa sa kanila pumasok sa isang compound.
06:29Nagtanggal ng helmet ang isa, pero sinot ulit saka pumasok din sa compound.
06:34Nanghimasok pala ang dalawang lalaki sa isang apartment
06:37kung saan may nakatirang labintatlong masahista.
06:39Doon sila nag-declare na hold up, may hawak daw na baril.
06:44Pareho po?
06:45Pareho yatang may baril.
06:47Ayon sa barangay chairman, tinangay ng mga sospek ang mga gamit ng mga biktima
06:50kaya ng mga cellphone at cash na inaalam pa ang kabuoang halaga.
06:54Ang isa sa mga biktima nakausat ng GMA Integrated News,
06:57bagamat tumangging humarap sa kamera,
06:59aniya tila kabisado ng mga sospek ang compound.
07:02Pagpasok ng mga sospek, parang alam na alam nila yung lugar.
07:07Parang planadong planado at biyasang biyasa sila.
07:12Ayon sa barangay, mapapansin din umano sa CCTV
07:15na 30 minuto pang lumipas bago lumabas ang mga sospek.
07:18Yun daw ipinakit sa taas eh, yung dalawa na yun.
07:21Sa taas ng bahay.
07:23At doon yata nangyari yung rape.
07:25Ang Pasay Police, bagamat tumanggi muna makapanayam,
07:27sinabing may lead na sila kung sino ang mga sospek na tinutugis na nila.
07:31Yan ay matapos kilalani ng mga biktima ang isang alias Ashley
07:34na nasa e-rogues list ng Pasay Police o dati nang may mga kaso.
07:38Para sa GMA Integrated News,
07:40Niko Wahe, nakatutok 24 oras.
07:46Mga kapos sa Burr Months na sa susunod na linggo
07:49at sasalubong din ang panibagong taas presyo sa petrolyo.
07:52Posible rin ang pagtaas ng presyo ng LPG habang papalapit ang winter season sa ibang bansa.
07:58Nakatutok si Bernadette Reyes.
08:04Muling aaray ang mga motorista sa panibagong taas presyo sa petrolyo sa Martes.
08:09Ang gasolina, 30 to 50 centavos ang itataas,
08:13habang 60 to 80 centavos naman sa diesel.
08:16Imbis na maiuwi, napupunta lang sa gaspo.
08:19Malaking bagay po ma'am dahil bawas na naman po sa kita.
08:23Ayon sa Oil Industry Management Bureau,
08:26inaasahang bababa ang demand sa petrolyo ngayong patapos na ang driving season sa Amerika.
08:31Pero may ilang espekulasyon sa world market na humila pataas ng presyo.
08:36Wala namang major, kundi ito lang reported na may resurgence ng conflict between Russia and Ukraine.
08:44May pangalawa lang, nag-warning ang US sa India na magta-charge ng tarif kung tuloy-tuloy pa rin ang kuha niya ng crude oil from Russia.
08:52Bukod sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo tulad ng gasolina at diesel,
08:57dapat yung paghandaan ang posibleng pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas
09:02habang papalapit ang winter season o panahon ng taglamig.
09:05Sa panahon ito kasi, lumalakas ang paggamit ng mga heating devices na gumagamit ng LPG.
09:12Si Lisa na may-ari ng karindirya nag-aalala.
09:15Pag kumukulo na po, kailangan hinahanap po.
09:17Lalo na yung mga palambutin, tsaka gumagamit kami ng matitigas na karne.
09:23Nagpe-pressure cooker kami.
09:25Para mas mabilis siyang lumambot, mas matipid yun.
09:29Si Monica naman hindi na raw masyadong magluluto.
09:33Umibili na lang ng lutong ulam para makitipid sa gas.
09:37For the longest time from April, bumababa ang LPG.
09:42Ngayon magsisimula na yun ang increase ang LPG.
09:46Papuntang February to March naman next year.
09:49Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes nakatutok 24 oras.
09:55Kumpara sa orihinal na disenyo, bistadong kapos ang haba na ilang sheet pile o mga bakal na ginamit sa isang flood control project sa Lemery, Batangas.
10:04Nakatutok si Ian Cruz.
10:06Wala umanong koordinasyon sa Municipal Engineering Office ang flood control project na ito sa gilid ng Pansipit River sa Ayaw-Iaw-Lemery, Batangas.
10:18Ininspeksyon ni Batangas First District Representative, Leandro Ligar de Leviste, ang halos P100M project na ipinagawa ng DPWH Calabar Zone sa isang private contractor.
10:30Sa aming pagkaalam, siya ay newly at ongoing construction, around two weeks.
10:39Hindi kami na coordinate, hindi kami na inform na may ongoing na ganitong project, river work.
10:46Kasalukuyang binubunot yung isa sa mga sheet pile dito sa Pansipit River kasi may info yung mga local engineering office,
10:54ayun din na yung iba pang ahensya ng pamahalaan na hindi umano sumusunod sa sukat base sa disenyo yung mga inilagay na sheet pile dito.
11:03Labindalawang metro dapat ang haba ng sheet pile ayon sa plano,
11:07pero nasa sampung metro lang ang haba ng sheet pile na binunot kanina.
11:12May mga nauna ng pito hanggang siyam na metro lamang.
11:16Hinanat di Leviste ang engineer ng contractor pero wala ito sa site.
11:20Mga trabahador lamang ang kanyang tinatnan.
11:23Isang kinatawa naman ng DPWH Calabar Zone ang nakausap ng kongresista.
11:35Ang pinakaunang kailangan gawin ay ayusin yung gawa sa proyekto, palitan ng mga 12 meters na sheet piles.
11:46Pero yung sinabi ng representative ng DPWH kanina ay ika-cancel na lang daw nila ang proyekto.
11:52Kaya ang tanong ko po kung kinakancel nila, ibig pong sabihin ba ay may problema itong proyekto.
11:57Kasi kung inaprubahan nila at pinapermahan pa nila yung acceptance ng proyekto
12:02at acceptance na 12 meters yung sukat ng mga sheet piles na ito, bakit nila kinakancel ngayon?
12:07Sa bayan ng Kalaka, di pa rin madaanan ang bahagi ng Jokno Highway sa barangay Tamayong na gumuho matapos ang sunod-sunod na bagyo.
12:17Ay sobrang hirap dahil yung mga residente ho ay mga kalakal nila puro pahakot, pasan.
12:24Saka yung iba pa, hindi ninyo makalusot ng puntambang dry dahil sarado nga.
12:31Kala mo lang, titignan mo sa ibabaw, okay. Pero sa ilalim, pag i-assess mo siya, unsafe po siya sa mga motorista.
12:38Noong una, sinabi umano kay Levisia ng DPWH Calabar Zone na kailangan ng bagong pondo para sa rehabilitasyon nito dahil sa kalikasan ang dahilan ng pagguho.
12:50Pero nagbago na umano ang sinasabi ng DPWH Calabar Zone.
12:54Ang latest update naman po ng DPWH ay sinasagot na ng contractor yung cost ng pagsasayos ng Jokno Highway.
13:04Samantala, nakapagbiansa na ng 150,000 pesos si DPWH District Engineer Abilardo Calalo na inentrap matapos umanong tangkang suhulan si Leviste.
13:16Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended