00:00Mainit na sinalubong ng mga opisyal ng local government unit ng Cebu City at mga Cebuano ang ASEAN delegates na lumahok sa heritage tour sa lungsod ngayong araw.
00:12Dito ay sinubukan ng mga delegado ang itinagmamalaking lokal na pagkain at pagsayaw ng sinulog.
00:19Si Jesse Atienza ng PTV Cebu sa Sentro ng Balita Live.
00:23Yes Angelique, andito ako ngayon sa tapat mismo ng Cebu City Hall kung saan nagsimula ang araw ng ilan sa ating mga bisita ng mga ASEAN delegates na lumahok sa heritage tour o heritage walk na inorganisamismo ng LGU ng Cebu City.
00:44Mainit ang naging pagsalubong ng mga Cebuano sa mga ASEAN delegates na kinabibilangan ng mga senior officials at ministers.
00:51Isang pagtatanghal ang bumungad sa kanila sa tapat mismo ng taniyag na Magellan's Cross kung saan nasaksihan ang mga delegado ang pagsasadula ng unang biniyag na nangyari sa Cebuo na siyang hudyat ng pagsisimula ng kristyanismo sa bansa.
01:07Nagtungo din sa Magellan's Cross ang mga delegado at dumiretso na.
01:11Ito sa Basilica Menore del Santo Niño kung saan nakita nila mismo ang imahe ng Sr. Santo Niño sa loob ng Basilica.
01:18Bumisita rin sa Fort San Pedro ang mga delegado at nagikot kasama ang mga na-train na mga tour guide.
01:25Natikman din nila doon ang mga lokal na mga panghimagas at inumin at nasubukan din nila ang pagsayaw ng sinulog kasamang alkalde ng lungsod na siya Mayor Nestor Archival.
01:37Sumakay din sa Tartanilya o Kalesa ang mga delegado na kilala bilang pangunahing transportasyon noong unang panahon sa bansa.
01:45Angelique Bukas ay panibagong batch naman o grupo ng mga ASEAN delegates ang lalahok sa heritage tour.
01:55Habang ngayong gabi naman ay inaabangan na rin ang formal na pagbubukas ng ASEAN Tourism Forum 2026
02:03na dyan naman gaganapin mismo sa Maktanshray sa lungsod ng Lapu-Lapu.
02:09Yan muna mga huling balita. Mula dito, balik sa inyo dyan sa studio.
02:12Angelique.
02:13Maraming salamat, Jessie Atienza.
Comments