00:00Samantala, pinabibilis pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan ang pagtugon sa kalamidad.
00:10Inaasahan namang iigting pa ang aksyon dito ng mga LGU, lalot maagang naipalabas ang pondo para sa National Tax Allotment ngayong taon.
00:19Si Clazel Pardilla sa Sandro ng Balita.
00:21Inilabas na ng Department of Budget and Management ang higit isang trilyong pisong National Tax Allotment para sa mga lokal na pamahalaan ngayong taon.
00:34Alingsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibigay ng maaga ang pondo sa mga LGU.
00:41Ayon sa DBM, ang buo at maagang paglabas ng budget sa mga LGU ay patunay na ang 2026 budget ay nakatoon sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng taong bayan.
00:53Nailagay ng pondo sa mga otorisadong bangko, ginagamit ang NTA sa pagtatayo ng mga health center, daycare, pagresponde sa mga kalamidad at iba pang proyekto na magpapalakas sa mga LGU.
01:07Inuunan ito ang mga pangunahing serbisyo, pinalalakas ang lokal na pamahalaan at prioridad ang mas mabilis na paghatid ng mga programang direktang nararamdaman ng mga komunidad.
01:20Nanawagan naman si Pangulong Marcos na gamitin ang tama ang budget.
01:25Gamitin ang budget para sa mga otorisadong pakay at sumunod sa reporting requirements bilang bahagi ng transparency at accountability standards ng pamahalaan.
01:37Inatasan ni Pangulong Marcos ang mabilis na paghatid ng tulong sa mga biktima ng sakuna sa pakikipagpulong na Executive Secretary Ralph Reto sa DBM, Department of the Interior and Local Government at Office of Civil Defense.
01:52Inutusan niyang mga ahensya na pasimplehin ang proseso ng pagsusuri sa mga hiling na tulong pinansya ng mga LGU at alisin ang mga nagpapantalas agarang pamamahagi ng ayuda.
02:06Kaleizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments