00:00Isang nasunog na yate sa Tingloy, Batangas, ang mabilis na nirespondihan ng Philippine Coast Guard kahapon,
00:05kung saan 7 Pilipinong crew members nito ang nasagip.
00:09Samantala, na-rescue din ng PCG ang mga pasaherong sakay ng lumubog na motorbanka sa Lumban, Laguna, nitong linggo.
00:16Narito ang report.
00:20Aabot sa 48 pasahero ng lumubog na motorbanka sa isang fluvial procession sa Lumban, Laguna,
00:26ang na-rescue ng Philippine Coast Guard nitong January 25.
00:30Ayon sa PCG, unti-unti pumasok ang tubig sa motorbanka, Vermarie, ng bandang alas 8 ng umaga.
00:37Sakto naman naroon din sa lugar ang PCG para sa kanilang maritime security operations sa nasabing pagdiriwang.
00:44Dahil dito, agad na ipinadala nila ang kanilang team sa lugar para sagipin ang mga pasahero.
00:50Wala naman umanong naitalang namatay sa insidente.
00:52Patuloy na nag-iimbestiga ang PCG kung anong sanhin ang paglubog ng banka.
00:56Mabilis namang ni-respondehan ng Philippine Coast Guard Southern Tagalog
01:02ang insidente ng sunog sa isang motor yacht na naglalakbay sa karagatan ng Tingloy, Batangas
01:06na nagmula pa sa Puerto Galera Oriental Mindoro nitong hapon ng January 27.
01:12Ayon sa PCG, nakita ng isang tauhan nila na may usok at apoy na nagmumula sa isang yate sa dikalayuan.
01:19Kaya't agad sila nagpadala ng mga tauhan gamit ang high-speed rescue boat para tulungan ang mga sakay nito.
01:25Batay sa kanilang imbestigasyon, nagmula ang apoy sa makina ng yate na sanhiumanon ng problema sa electrical connections.
01:32Nasa pitong Pinoy crew members nito ang nailigtas at wala naman naitalang sugatan mula sa insidente.
01:39Agarang dinan na naman ang mga crew sa Batangasport at kalaunan ay nilipat sa headquarters ng PCG
01:44para magsagawa ng medical evaluation at maibigay ang iba pang kinakailangan na tulong.
01:50Josh Garcia, Paara sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments