00:00Firmado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kauna-unahang digital connectivity plan ng bansa,
00:06kung saan gagawin itong abot kamay ang mura pero mas pinabilis na internet connection.
00:12Tututukan din ito ang infrastructure investment katuwang ang public-private partnerships.
00:17Ang detalya sa report ng Clay Salpardilla.
00:22Mas mabilis, abot kaya, at maaasahang internet access.
00:28Layunin niya ng pinakaunang National Digital Connectivity Plan na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:37Magsisilbi itong gabay sa pagsulong ng digitally connected na bansa.
00:42Target itong mapalawak, mapabilis, mapamura, gawing ligtas, at maasahan ang internet sa bansa.
00:49Ayon sa Presidential Communications Office, gagawin niyan sa pamamagitan ng pagpapatatag sa mga regulatory framework
00:58na magbubukas sa mas maraming kumpanya at maghihikayat ng kompetisyon.
01:04Tututukan din ang infrastructure investment katuwang ang public-private partnership.
01:10Itatayo ito sa mga pinakamalalayo at liblib na lugar at gagawing climate resilient
01:15o matibay sa sakuna at banta sa cyber security.
01:19Giit ni Pangulong Marcos, makatutulong ito para makahabol ang Pilipinas sa mga karatig bansa sa Southeast Asia
01:28na ginawa na ang kaparehong hakbang sa nakalipas na sampung taon.
01:33Tiwala naman ang Presidente na makakasabay ang Pilipinas sa bilis, lawak ng koneksyon at halaga ng internet
01:42sa tulong ng National Digital Connectivity Plan.
01:46Kaleizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipina.
Comments