00:00May gitsampu pa ang pinaghahanap sa dalawang magkahiwalay na trahedya sa dagat malapit sa Basilan at sa West Philippine Sea.
00:09Unahin natin ang paglubog ng barko sa Basilan na Biyahing Suluh na may tatlundaang pasahero at crew.
00:15Labing walo na ang kumpirmadong patay habang sampu ang hinahanap.
00:19Mula po sa Zamboanga City, nakatutok live si Jonathan Andar.
00:23Jonathan.
00:23Mel, Emil, Vicky, andito ako ngayon sa compound ng Philippine Ports Authority sa Zamboanga City.
00:32Ito pong nakikita ninyo sa likod ko, sila po yung mga survivor at yung mga kaanak ng mga nawawala pa sa lumubog na barko o roro sa may Basilan.
00:43Ang nangyayari po rito, nabigyan na po ng paunang lunas yung mga survivor at profiling na lang yung ginagawa sa kanila.
00:52At binibigyan ng ayuda.
00:55Para sa survivors, binigyan po sila rito ng 20,000 pesos na cash, isang sakong bigas at relief goods.
01:02Mula po yan sa Zamboanga City Hall, DSWD, pati na po sa shipping line.
01:08Ito po ang report.
01:09Balot ng takot habang nagmamadali sa pagsusuot ng kani-kanilang life vest, ang mga sakay ng MV Tricia Kirsten III na lumulubog na noon sa dagat malapit sa Balok-balok Island, Basilan, kaninang pasado hating gabi.
01:33Makalipas ang ilang minuto, tuluyan ng lumubog ang barkong bumubiyahin noon pa sulu mula Zamboanga, sakayang 317 na pasahero at 27 na crew.
01:43May mga karga rin itong truck.
01:46Sakuhan ng isang netizen, kitang palutang-lutang sa dagat ang mga pasaherong desperadong humihingi ng saklolo sa gitna ng dilim.
01:54Kanya-kanya silang kapit sa mga pampalutang sa gitna ng kanilang mga kagamitang nagkalat sa dagat.
02:11Rumis ponde ang Philippine Coast Guard, kalaunan at sinagip ang mga biktima.
02:14Sa search and retrieval operations, 316 na sakay ng barko ang nasagip.
02:31Dinala sila sa Isabela City Port, Holo Port at Zamboanga City Port.
02:35Ginamot ang mga sugatang pasahero at binigyan ng pagkain.
02:40Isa sa mga sakay si Fatraliza na sinikap na makaligtas kahit di marunong lumangoy.
02:44Kwento naman ni Jule Munir. Nagising na lang silang tumatagilid na ang barko.
03:09Ang gising namin po, gumigilid na ganyan. Tapos na gano'n na. Seconds na nagkukuha na kami lahat ng mga lifejacket.
03:17Tapos mga ilang minuto lang, umano na yung barko. Tapos yun na, buwan na kami para sa buhay namin.
03:25Tapos yun na, palutang-lutang na lang kami sa dagat.
03:29Kwento naman ang school principal na si Rashula Waluddin.
03:33Narinig na lang nila ang isang security officer ng barko na nag-aanunsyong kumuha na sila ng lifejacket.
03:38Doon na raw nataranta ang mga pasahero at may ilang tumalun sa dagat.
03:43May lifejacket o kayo?
03:44Meron naman. Pero karamihan wala.
03:48Wala silang information na nagsabi na may nangyanyari na.
03:52Tapos ang sinabi lang nila, kuha kayo ng lifejacket, kalubog na yung barko.
03:57So nagpanikan lahat po sa ang tao, sa itaas.
04:01Seconds lang?
04:02Seconds lang.
04:03Pagkalubog ng barko, dalawang oras daw na nagpalutang-lutang sa dagat si Rasula bago dumating ang rescue.
04:11Nahiwalay raw siya sa mga kapwa teacher.
04:13Nananawagan ako sa mga pamilya po.
04:16Huwag kayong mag-alala.
04:17Hindi siya nakamiligtas.
04:20Desperado namang naghihintay ng balita sa pantala ng mga kaanak ng ilang pasahero.
04:25Ayon ka Philippine Coast Guard Commandant Ronnie Gavan, sampu pa ang nawawala sakay ng barko.
04:30Nabing walo na ang narecover na labi.
04:33Sabi naman ang may-ari ng barko na Allison Shipping Lines Incorporated,
04:37nang matanggap nila ang distress call ay agad silang nag-activate ng quick response measures
04:42at nag-deploy ng mga sasakyang pandagat.
04:45Nakikipagugnayan daw sila sa mga otoridad habang patuloy ang search and rescue operations.
04:50Nagpaabot din sila ng pakikiramay sa lahat ng sakay ng barko pati na sa mga pamilya nila.
05:00Vicky, ito pong napapanood nyo ngayon sa inyong screen.
05:03Yan yung aerial inspection ng Philippine Coast Guard doon sa karagatan-sahop ng basilan
05:08kung saan po lumubog yung roro.
05:10Hanggang sa mga oras po na ito, ang sabi po ng PCG, patuloy pa rin ang search and rescue operation.
05:15Dumating na rin dito ang hepe mismo ng Philippine Coast Guard na si Commandant Ronnie Gavan
05:20na magbibigay sa atin ng update mamaya kung ano ba talaga nangyari at paano lumubog yung roro.
05:25Ang sabi po naman ng mayor ng Zamboanga City, kasama po sa mga nasaway, isang abogado at isang teacher.
05:31May isang sundalo rin po na nawawala.
05:33Batay po sa na-interview natin dito na sundalo na nakaligtas mula doon sa trahedya.
05:38Yan muna ang latest mula rito sa Zamboanga City. Balik sa iyo, Vicky.
05:42Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.
05:45Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.
Comments