Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00The GMA Kapuso Foundation
00:30Malakas na hangin at ulan ang naranasan sa bayan ng Kalayan, Cagayan, noong nakaraang lunes, matapos mag-landfall doon ang Superbagyong Nando.
00:45Isang linggo ang nakalipas, bakas pa rin ang iniwang pinsala sa islang na itinaas pa sa signal number 5.
00:53Maraming puno ang nakatumba. May nasira rin tulay at napinsalang bahay.
01:00Ito po yung pinakamalala. 92% ng kabahayan ay either totally or partially damaged.
01:09Ang bahay ng residenteng si Winston, halos lipa rin ng malakas na hangin.
01:15Kaya sa kapatid muna siya panandali ang nakikitira habang nag-iipo ng pampagawa muli ng bahay.
01:21Nung sabi nyo nga na kung lumalakas na, alis na tayo sabi nga nun.
01:26Sabay naman lumipad itong bubong baktosiros.
01:28Dahil sa malakas at mataas na alon, dulot ng naranasang masamang panahon, naging mahirap abutin ang isla ng Kalayan.
01:37Hindi makalayag ang mga sasakyang pandagat gaya ng bangka at ferry.
01:42Kaya upang maihatid ang relief goods ng GMA Kapusu Foundation, naghihintay tayo ng ilang araw hanggang banayad na ang hangin at isinakay ito sa aircraft ng Philippine Air Force sa tulong ng Marine Battalion Landing Team 10.
01:59Sa kabuuan, nakapagbigay tayo ng tulong sa dalawang libong pamilya sa isla ng Kalayan.
02:06Samantala, nagsimula na rin po tayo na mahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong opong sa Mazbati at Samar.
02:16Patinding pinsala ang iniwan ng bagyong opong sa Mazbati matapos itong mag-landfall ng dalawang beses doon.
02:23Maraming tahanan ang resira at ang ilang residente, problema ang mapagkukunan ng mga kakain.
02:30Agad naman naghatid doon ng tulong ang GMA Kapusu Foundation.
02:38Matapos mag-landfall ng bagyong opong sa Mazbati nitong biyernos, tumambat ang malaking pinsala nito sa lugar.
02:49Maraming puno at pose ang natumba.
02:52Ang mga bahay malapit sa dagat, sa bayan ng Milagros, hindi rin nakaligtas.
02:57Huwag kayong mag-alala, ang monsipyo ay may kakayahang pambili.
03:02Kaya lang ang problema namin ang availability po ng mga construction materials.
03:07Habang may nakukuha kaming mga supplies, ipagpapatuloy namin ang pagbibigay.
03:12Isa sa matinding pinadapa ay ang bahay ng pamilya ni Mary Ann.
03:17Pinag, tagpi, tagping, trapal muna ang nagsisilbi nilang silungan.
03:23Wala kang matirahan.
03:24Yung mga kapitbahay namin, yun nalang nagbigay ng tent namin.
03:28Yung natira na mga yero, yun ang kinukover.
03:34Problema rin niya kung saan kukuha ng pambili ng bigas.
03:38Mahina raw kasi ang huli ng isda ng kanyang mister.
03:41Yung asawa ko dyan, nagladlad pa sa dagat ng lambat para may ulam kami.
03:49Bigas hula. Kasi lahat dito bigas ang problema.
03:53Kaya sa ilalim ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation,
03:58saako-sakong relief goods ang isinakay natin sa ating truck para itawid sa masbate.
04:04At nitong linggo, agad tayong nakapaghatid ng tulong sa mahigit 8,000 individual sa bayan ng Milagros, Aroroy at Baleno.
04:15Maraming salamat po, Kapuso. May isasain na kami. Maraming sa tulong ninyo.
04:21Mga Kapuso, maraming kababayan pa natin ang nangangailangan ng tulong.
04:26Naghahanda na ang aming team na magtutungo naman sa Romblon para sa ikalawang bugso ng Operation Bayanihan para pa rin sa mga sinalantanang bagyong opong doon.
04:38Maghahati din tayo ng tulong sa mga naapektuhan ng Lindol sa Cebu.
04:43Dahil pa rin sa mga pinsala ng Lindol, sarado pa ang maraming tindahan sa Bogos City sa Cebu.
04:51Apektado rin ang kabuhayan ng marami, kaya problema ang makakain at maiinom.
04:57Patid yan ng GMA Kapuso Foundation.
05:00Kaya agad tayo nagtungo roon para magsagawa ng Operation Bayanihan.
05:05Ikaapat na gabi na ngayon matapos yanigin, nagmangtitude 6.9 na Lindol ang Bogos City sa Cebu.
05:16Pero sa kalsada pa rin napipilitang manantili magdamag ang mga residente roon dahil sa takot sa mga aftershock.
05:23Isa na riyan ang pamilya ni Jefferson.
05:25Dahil wala pa rin kuryente sa kanilang lugar, sa liwanag lang ng maliit na gasera sila umaasa.
05:31Takot.
05:32Katroma hanggang ngayon. Sobrang hirap. Lamig. Tapos yung init. Tapos may mga daga pa dito kasi imbor na nito.
05:43Problema rin niya kung saan kukuha ng panggastos dahil natigil siya sa trabaho.
05:48Nagsarado ro kasi ang tindahan pinapasuka niya nang magkaroon ito ng mga sira at bitak dahil sa Lindol.
05:54Sana po matulungan niyo pa po kami dito sa Bogos City kasi sobrang hirap.
05:58Ang GMA Kapuso Foundation. Agad na nagsagawa ng Operation Bayanihan para sa mga naapektuhan ng Lindol sa Cebu.
06:06Kagabi, nasa 4,000 individual ang ating natuluhan sa Bogos City.
06:10Maraming salamat po sa GMA kasi kaysa sobrang layo, lumating kayo dito sa amin para tumulong.
06:17At ngayong araw, namahagi na rin tayo ng tulong sa bayan ng Medellin at daanbantayan.
06:22Nagpapasalamat kami sa Cebu Pacific Air na naging katuwang namin upang mas mapabilis ang paghahati ng relief goods.
06:31Sa mga nais makiisa sa aming Operation Bayanihan, maaari kayong magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuano Luller.
06:38Pwede ring online via GCash, Shopee, Lazada, Globe Rewards at Metrobank Credit Cards.
06:52Pwede ring online via GCash.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended