00:00Sabay na nagsanay ang Navy ng Pilipinas at Amerika sa West Philippine Sea
00:04para sa search and rescue, supply missions at medical evacuations.
00:08Live mula roon, nakatudok si EJ Gomez.
00:12EJ!
00:16Emil, dalawang araw nagsama ang Naval Forces ng Pilipinas at Amerika
00:20para sa ikalabing isang maritime cooperative activity sa West Philippine Sea.
00:25Layon itong palakasin ang pwersa at interoperability ng dalawang bansa sa pagpapatrolya sa karagatan.
00:37Dalawang araw magkasamang naglayag ang mga barkong pandigma ng Pilipinas at Amerika
00:42sa West Philippine Sea nitong linggo at lunes
00:44para sa ikalabing isang bilateral maritime cooperative activity o MCA,
00:50isang pagsasanay na nagpapatibay ng partnership ng dalawang bansa
00:53na layong mapalakas ang kakayahan ng Pilipinas
00:56na maprotektahan ang karapatan at soberanya sa West Philippine Sea.
01:00Pinangunahan ito ng barkong ng Pilipinas na BRP Antonio Luna
01:04at Navy ship ng US na John Finn o DDG-113.
01:09Sa kalagitnaan ng mga drills ng Philippine at US Navy
01:11sa isang designated area o exercise box,
01:1440 nautical miles ang layo sa silangang bahagi ng Bajo de Masinlok,
01:18na mataan ang barkong ng People's Liberation Army Navy ng China na 500 shanning.
01:23Lumayo rin siya ng lumayo at hindi rin naman siya nakadistract sa ano natin.
01:29Hindi sila naging obstruction sa daanan ng exercise.
01:34Wala namang radio challenges.
01:36Kabilang sa mga isinasagawa ng naval forces sa maritime cooperative activity
01:40ay ang Deck Landing Qualification kung saan ang Philippine Naval Aircraft na AW109
01:46ay lumapag dito sa BRP Antonio Luna habang ang barko ay umaandar.
01:52Magagamit ito ng militar sa aktual na operasyon sa hinaharap,
01:55kabilang ang search and rescue, supply missions, at medical evacuations sa karagatan.
02:01Nagkaroon din ang pagsasanay ng DLQ sa vessel ng Philippine Coast Guard.
02:05Nag-take off ang aircraft muna BRP Antonio Luna at lumapag sa PCG vessel na BRP Gabriela Silang
02:12bilang bahagi ng closed-deck landing exercise.
02:15Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumama ang BRP Gabriela Silang
02:19sa maritime cooperative activity ng Pilipinas sa mga kaalyadong bansa.
02:23Daming challenges involves weather condition, timing, and safety coordination
02:29in an operational maritime environment.
02:32All of which were effectively managed.
02:35Sa unang gabi ng NCA, nagsagawa ng Night Steaming in Company o NSIC,
02:40simulation nito ng magkakasamang pagpapatrolya
02:43ng mga barko ng Philippine Navy, US Navy, at Philippine Coast Guard sa karagatan sa gabi.
02:48Sa replenishment at sea, target na paigtingin ang muscle memory at mastery ng Navy,
02:53ginagamit ang RAS kapag mag-e-exchange o deliver ng mga supply,
02:57tulad ng langis ang mga barko para masustain ang operasyon nito.
02:59Nagkaroon din ang division tactics kung saan ang bawat barko ay nagsagawa ng basic combat
03:05at maneuvering actions at formations sa karagatan.
03:08Kasama sa pokos ng naturang drill, ang hasain, ang koordination ng mga kasaping barko o vessel.
03:14Nagpalipad naman ang dalawang FA-50 fighter jets
03:17at dalawang A-29 Super Tucano attack aircrafts ng Philippine Air Force para sa fly-by exercise.
03:23Hapon ng lunes, nagpalitan ng saludo at kaway ang mga sundalo ng mga kalahok na barko.
03:29Indikasyon, natapos na ang makabuluhang aktibidad ng kasaping naval forces.
03:35Meron tayong surface warfare exercise.
03:37Sa mga nakaraan, madalas isa maneuvering at saka communications lang.
03:42So hopefully sa mga susunod isa, meron pa rin surface warfare exercise
03:46at as much as possible isa, meron ang anti-submarine exercises din.
03:52Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
03:59Emil, ayon sa AFP, ang maritime cooperative activity ay bahagi ng shared commitment ng Pilipinas at US
04:08at ng mga bansa na nakasaad sa UNCLOS o United Nations Convention on the Law of the Seas.
04:14Nakatuoan ang ating bansano ang Pilipinas sa mga ganitong aktibidad sa gitna ng hidwaan sa China.
04:19Sabi naman ng AFP, handa sila sa anumang banta sa soberanya sa West Philippine Sea.
04:25Emil?
04:26Maraming salamat, EJ Gomez.
Comments