Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/23/2025
Isinailalim na rin sa state of calamity ang bayan ng Calasiao at Dagupan City sa Pangasinan. Patuloy ang rescue operations lalo't may mga lugar na mas lumalim pa ang baha.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isinailalim na rin sa State of Calamity ang bayan ng Kalasyao at Nagupan City sa Pangasinan.
00:05Patuloy ang rescue operations, lalot may mga lugar na mas lumalim pa ang baha.
00:10Mula po sa Kalasyao, nakatutok live si Jasmine Gabriel Galvan.
00:14GMA Regional TV, Jasmine.
00:20Emil, dahil pa rin sa kabi-kabila ang pagbaha sa ilang lugar sa Pangasinan,
00:25na isinailalim na sa State of Calamity ang pitong lugar sa probinsya, kabilang dyan ang bayan ng Kalasyao.
00:36Kumagat na ang dilim, pero tuloy pa rin sa rescue operations ang mga otoridad sa Kalasyao, Pangasinan,
00:42dahil may mga lugar na umabot pa sa lagpastao ang baha.
00:45Hanggang 6 feet above, lagpastaong tubig baha.
00:50Mula po kagabi ay meron po tayong bulk ng rescue operations sa barangay Mankop at saka sa barangay Lasip.
00:58So mula po kagabi hanggang ngayon po ay ongoing pa rin po ang ating rescue operations.
01:03Sa tala ng MDRRMO, nasa 21 barangay na ang lubog sa baha.
01:08Nasa 87 families o 388 individuals ang nasa Kalasyao Sports Complex na ginawang evacuation center.
01:15Malalim po ang baha. Lampas tao.
01:19Ngayong bahay namin naabot may sahig. Wala na kayong matulugan.
01:23Malaking tulong daw ang deklarasyon ng State of Calamity sa Kalasyao para mapabilis na may paabot ang tulong sa mga pektado.
01:30Nasa State of Calamity na rin ang Dagupan City.
01:33Ngayong araw ay lalo pang lumalim ang baha sa ilang kalasada sa lungsod.
01:37Hindi nakaligtas ang St. John the Evangelist Cathedral na kahapon palubog sa baha.
01:41Ang 63 anyos na sinanay Dolores, nagmadaling pumunta sa evacuation center kaninang umaga
01:47dahil lagpas bewang na raw ang baha sa kanilang bahay sa Pugutsiko.
01:50Saan kayo pupunta?
01:52Sa astrodom po.
01:53Okay.
01:54Mag-evacuate na kayo?
01:55Opo.
01:56Ano yung daladala ninyo?
01:57Damid.
01:58Sa tala ng Pangasinan PD-RRMO, kaninang umaga, umabot na sa 787 pamilya
02:04ang nasa evacuation center sa iba't ibang lugar sa probinsya.
02:11Emil, sa mga oras nga na ito ay patuloy pa rin nakakaranas ng bahagyang pag-uulan
02:16dito sa Kalasyao, Pangasinan.
02:17Patuloy din yung pagtaas ng antas ng tubig o ng baha sa ilang barangay sa bayan.
02:22Samantala, tiniyak ng lokal na pamahalaan na naibibigay ang pangangailangan
02:25ng mga residenteng nasa mga evacuation center.
02:28Emil?
02:29Ingat at maraming salamat.
02:31Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
02:34Outro

Recommended