- 2 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Bagong taon na pero nakatinga pa rin sa mahigit 140 container
00:05ang maraming balikbayan box na ilang taon ang hindi natatanggap ng mga pinadalhan.
00:11Nakikipagtulungan na ang Bureau of Customs sa NBI
00:14para mapanagot ang mga kumpanyang mag-abandonan nito.
00:18Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:22Nalipasan na naman ng isang pasko ang libu-libong balikbayan box
00:26na inabandonan ng labing isang deconsolidator.
00:30Laman sila ng mahigit 140 container mula abroad, marami galing Middle East.
00:37Magkakaiba ang sukat, bigat at hugis na mga balikbayan boxes na ito.
00:41Pero iisa, ang hangad na mga tatanggap nito
00:44ang makuha na ang pinakaasam na balikbayan boxes sa lalong madaling panahon.
00:49Kaya naman target ng Bureau of Customs na maipamahagi na ito sa loob ng 60 araw.
00:54Hopefully within 60 days.
00:56Kaya lang, hindi rin natin sigurado pa yung bilis ng ating mga forwarders.
01:02Hindi na pasko, baka mapadali pa.
01:04Ang importante, maire-release na natin within the next few days yung additional 70 containers.
01:11Ayon sa Bureau of Customs, nirevoke na ang registration ng mga sangkot na kumpanya.
01:16Nakikipagtulungan na rin ang Customs sa National Bureau of Investigation ng NBI
01:20para makasuhan ang mga dapat managot sa mga napabayaang balikbayan box.
01:26Tinakasan rin ang mga deconsolidators ang mahigit 40 milyong pisong duties at buwis.
01:31Ang gusto natin dito, large-scale staffa.
01:34Dahil malaking pera yan, maraming nagsama-sama upang makuha lang yung bayad ng ating mga kababayan
01:42at hindi naman nila talaga dadalin.
01:44Kita nyo naman, abandon nga yan.
01:45Yung kanilang mga obligasyon, di nila ginawa.
01:48Nagsimula na ang case build-up ng NBI laban sa mga deconsolidator.
01:52Nakapag-submit na po sila ng affidavits as soon as possible.
01:57Dahil ang paghihirap po ng ating mga kababayan ay nasagad na sa pag-iintay.
02:02Binigyan naman ng 30,000 pesos mula sa Presidential Action Fund
02:06ang mga nagpadala ng balikbayan box na hindi nakarating sa pinadalhan.
02:11Para hindi mabiktima,
02:12Kinakailangang ibigay natin sa ating mga OFWs abroad,
02:16yung binabanggit kang gina ni Commissioner,
02:17ng mga lehitimong consolidators at mga lehitimong deconsolidators dito.
02:23Kaya po magkakaroon investigasyon para tanggalin natin sa sistema
02:26yung gumagawa ng masama.
02:29Para sa GMA Integrated News,
02:31Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Oras.
02:38Mga kapuso, marami ang humanga sa isang animal rescuer mula po sa Paranaque City
02:43na hindi nag-atubiling tulungan ang isang asping tinubuan ng napakalaking tumor.
02:49Mapapasabi ka ng Faith in Humanity Restored.
02:52Aba, sa kwentong ito.
02:54Kuya Kim, ano na?
02:59Ang Animal Rescue Center na ito sa Paranaque na tinayun ni Raven.
03:03Ang nagsisilbi ngayong tahanan ng asping na si Faith.
03:06Si Faith masayahin at puno ng buhay.
03:08Malayong malayo sa kung paano siya nirescue ni Raven nito lang Januari 11.
03:15Si Faith nilapit daw kay Raven dahil sa napakalaking itong bukol sa tiyan.
03:20Sa tagal ko pong nag-rescue, siya po yung may tinakamalaking tumor na nakuha ko.
03:25Kaya sobrang naawa po ako sa kanya.
03:27Kaya minessage po po yung nag-comment para po makuha po siya kaagad.
03:31Agad siyang pinakonsulta sa isang veterinaryo.
03:33Sa nabihan po ako na 50-50 nga daw po yung surgery kasi ang lala po na palagawin niya.
03:40Kailangan din po sa salinan po ng dugo bago po mag-undergo ng surgery kasi pwede pong hindi na po siya mag-isell dahil na mababa na po yung dugo niya.
03:50Subailalim si Faith sa isang operasyon.
03:53Ang tumor na tumubo sa kanyang tiyan, natanggal.
03:55Sabi po nung vet, around 5 to 6 kilos po yun.
03:59Ang tumor ay isang bukol o abnormal na paglaki ng tisyo sa katawan.
04:04Maaaring itong benign o yung hindi delikado, o malignat o yung cancerous, at maaaring kumalat sa ibang bahagi ng katawan.
04:11Ang isa sa pinakamalaking tumor na naoperahan sa kasaysayan, isang ovarian tumor na tinatayang 303 pounds, ang bigat.
04:17Natanggal ito sa Stanford Hospital noong 1991.
04:20Ang may hawak naman ng Guinness World Record para sa pinakamalaking bone tumor, isang taga-India.
04:26Ang malignat bone tumor na natanggal mula sa kanyang femur.
04:29Tumitimbang na 36.6 pounds.
04:32Samantala gumagaan man daw ang pakiramdam ni Faith matapos matanggal ang kanyang tumor.
04:36Ang kanyang vet bill, mabigat naman daw sa bulsa.
04:3980,790 pesos.
04:42Pero hindi ito inalintanan ni Raven.
04:44At sa halip, nagdoble kayo na lang siya para mabayaran ito.
04:47Nag-e-business po ako ng mga pet products.
04:50And nag-e-endorse din po ako ng mga products.
04:53So kahit na pano po, naka-cover po ako ng vet bills niya.
04:57Marami rin daw ang nagpaabot ng tulong.
05:00Marami po nagbigay ng help.
05:01At makalipas ang dalawang linggong pananatili sa klinik.
05:04Ang dating matamlay na si Faith, maliksina ulit.
05:07Parang wala pong nangyari.
05:08At parang sobrang ginhawa niya po.
05:11Nakalabas na rin po siya sa vet.
05:12Sa ngayon po, yung ginagamot na lang is yung pinakabond or yung sugat na lang po.
05:17Inaantay lang daw ni Raven ang resulta ng sinasagawang biopsy sa nakuhang bukol kay Faith.
05:21Ititignan po kung kailangan pa siyang mag-free mo.
05:24Plano rin daw niya magpatayo ng mas malaking shelter para sa mga rescue animals.
05:28Nag-e-ipon-ipon na po para mas makabilin ng mas malaking yuka.
05:31Ang mga stray animals, danas ang hirap sa buhay sa kalsada.
05:50Mabuti na lang may mga tao na gaya ni Raven, na may malaking puso para sa kanila.
05:55Handa silang tulungan, gumaang lang ang mabigat nilang dinadala.
05:58Ito po si Kuya Kim at sagot ko kayo, 24 oras.
06:06Kung sa Australia, umapaw ang mga Pilipinong taga-suporta ni Alex Iala,
06:12paano pa kaya sa literal niyang home court pag naglaro na siya sa WTA Philippine Women's Open na magsisimula sa lunes?
06:22Bihira rin mag-host ang Pilipinas ng International Tennis Tournament
06:26kung saan mahigit tatlong pong tennis stars ang mapapanood.
06:31Ang insayo ni Alex at ng iba pa sa pagtutok ni JP Soriano.
06:36Pagkarating pa lang sa Pilipinas mula Australia kahapon,
06:44nabanggit na ni Alex Iala ang excitement na makapaglaro sa isang official WTA game dito sa Pilipinas.
06:50Yes, I will be playing next week. I'm looking forward to it.
06:55Fresh from Australian Open si Alex kung saan usap-usapan sa Australian media
07:00ang mahabang pila ng kanyang Filipino fans na mabilis pumuno sa tennis court.
07:05Kaya maraming nanood na lang sa screen sa isang kalapit na park.
07:09Paano pa kaya pag naglaro na siya sa Rizal Memorial Sports Complex Tennis Court
07:13para sa Women's Tennis Association o WTA 125 Philippine Women's Open.
07:19Namataan na siya nag-e-ensayo roon kanina,
07:21bago pa man ang umpisa ng palaro sa lunes, January 26.
07:26Tulad ng iba pang world-class tennis players na naroon na rin.
07:30Sakaling dagsain nga ng fans,
07:32may 2,000 sitting capacity ang buong tennis center
07:35na halos triple ng 750 sitting capacity requirement ng WTA.
07:40Binisita ko na ito nung puspusan itong pinupulido
07:43at nakita ko nga ang mga pagbabago para maging world-class ito.
07:48Bagong pintura na at nagdagdag pa ng mga locker rooms at opisina.
07:52Mga kapuso na rin ito po tayo ngayon sa tennis center na makasaysayang Rizal Memorial,
07:56ang venue kung saan maglalaban-laban,
07:58ang mahigit sa 30 sa pinakamagaling na tennis players sa buong mundo,
08:02kabilang na po yung mga namayagpag sa mga pinakaprestiyosong tennis tournaments
08:06gaya ng US Open, Australian Open at meron pa nga po na Olympic medalist.
08:10At kasama po sa nabigyan ng wildcard slot,
08:13ang ating pambato ang national pride na si Alex Ayala.
08:17Ayon sa Philippine Tennis Association na pabilis,
08:20ang usapan para gawin ang isang WTA tournament sa Pilipinas
08:24dahil sa kasikatan ni Alex na patuloy na tumataas ang ranking sa world tennis.
08:29Itong pag-host ng WTA 125, isa lang ito sa component ng buong ecosystem na gusto natin gawin
08:38para ma-improve yung buong tennis program po natin.
08:43Bukod kay Alex, kabilang din sa 32 tennis stars na lalaban sa WTA 125
08:48ay ang Paris Olympic silver medalist si Donna Vekic.
08:52Dadagdag sila sa mahabang listahan na mga dati ng tennis legends na nakapaglaro dito sa Rizal Memorial.
08:59That is the Rizal Memorial Coliseum.
09:03Bjorn Borg played there.
09:05All tennis greats played there.
09:07Pag naglaro ka rito, at batang tennis player ka nila,
09:10I've played in the historic Rizal Memorial Tennis Complex.
09:15I have arrived.
09:17Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano.
09:22Nakatutok 24 oras.
09:23Naku eh, baka po sakali nakita nyo yung mga peking posts na ininsulto ko rao si Philippine tennis star Alex Iyala.
09:33Nakatutahasang ko pong sasabihin.
09:36Fake po ang mga posts na yan.
09:39Sabi pa sa mga peking posts, sumagot pa rao si Iyala gamit ang maanghang na salita.
09:45Ulitin ko po, fake news po yan.
09:48Wala po akong sinabing anumang negatibo laban kay Alex.
09:53Hindi ko rin siya ininsulto kailanman, bagkos ipinagbubunyi ko siya at ipinagdarasal pa.
10:02Kalamat po.
10:04Pansamantalang sususubindihin ng Pasay City Hall ang panguhuli sa mga motorista sa flyover
10:10sa canto ng Rojas Boulevard at EDSA flyover habang nire-restore ang kumupas ng solid yellow line.
10:18Yan po ay matapos ang viral na insidente ng panguhuli sa lugar na nauwi sa pagtatalo ng enforcer at sinitang driver.
10:27Sa isang pahayag, sinabi ng Pasay City Hall na magtatalaga pa rin ng mga enforcer sa lugar para alalayan lang ang mga driver.
10:35Tinututukan na nila ang kalagayan ng mga lansangan sa lungsod pero ang mga kumupas na road markings ay dulot-umanon ng matinding init ng panahon,
10:46tuloy-tuloy na pagdaan ng sasakyan at mga nakaraang roadworks.
10:50Sa videong nag-viral, makikitang kupas na nga ang solid yellow line pero may nakapatong na mga mas bago at hindi naman kupas na broken white lines na tanda na pwedeng magpalit ng lane.
11:04Ayon naman sa driver na sinita, hindi lang pansamantalang pagtigil sa panguhuli ang dapat ipatupad,
11:11kundi tunay na reforma at pagtigil sa paglalagay ng anyay trap para manghuli.
11:20Nagbitiw na rin bilang board director ng Terra Solar Philippines Incorporated si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
11:29Epektibo ito noong January 21.
11:31Ayon kay Leviste, ang pagbitiw niya ay para hindi na madamay ang kumpanyang Meralco at iba pang investors sa mga kumpanyang ibinenta niya saan niya'y maling political attacks laban sa kanya.
11:42Ang Terra Solar ay affiliate ng Meralco Power Gen Corporation.
11:45Hindi na natuloy ang pagpunta ni Pangulong Bongbong Marcos sa Ilocos Norte dahil sa diverticulitis o mamamaga ng bahagi ng malaking bituka.
11:58Ayon sa isang eksperto, maaaring nakao makaramdam ng matinding sakit ang mga may ganitong kondisyon na kung hindi na mamamana ay dahil naman sa diet.
12:10Nakatutok si Ivan Mayrina.
12:11Atin pong tawagin si House Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos bilang kinatawan at upang ihatid ang mensahe ng ating mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
12:29Ang anak niyang si Ilocos Norte First District Representative at House Majority Leader Sandro Marcos ang kumatawan sa Pangulo sa gabay ng bayan program na dapat sanidadalohan niya sa Ilocos Norte kaninang umaga.
12:43Sa isang punto sa talumpating na nakababatang Marcos, saglit na natigilan ang mga naroon.
12:48Since I was young, I've been surrounded by educators.
12:52From my grandmother to my mother and now to my wife.
12:56Bear in mind, speech to ng tatay ko, hindi akin.
13:00I have seen...
13:03Just making that clear.
13:07I have seen the countless sacrifices that teachers make every day.
13:13Nahihiya tuloy ako sa inyong lahat.
13:24Matapos ma-hospital nitong Merkulis ng gabi dahil sa diverticulitis, ay nasa malakanyang lang daw ang Pangulo para sa mga pribadong pulong ayon sa Presidential Communications Office.
13:34Bagamat siniguro ng Pangulo na maayos sa kanyang pakiramdam sa inilabas sa video ng palasyo kahapon, hindi lamang discomfort, kundi maaring matinding sakit ang maramdaman ng isang may diverticulitis, ayon sa isang eksperto.
13:46Ang pinaka-cardinal na symptom niyan is yung pain, abdominal pain.
13:51It can be a sharp pain dun sa may left side usually.
13:55Kung nasa right side siya, para siyang appendicitis.
13:57So it's aggravated by movement, kapag tinatch mo on pressure, masakit siya.
14:05Tapos isa pang ano niya is can be associated with fever.
14:10Ang diverticulitis ay dulot ng pamaga ng diverticula, maliit na pouch na nabubuo sa malaking bituka, genetic o may mga pagkakataong ito'y namamana ng isang tao.
14:21Pero kadalasan, ito'y dahil sa diet o sa kinakain ng isang tao.
14:25Maraming mga possible na causes niyan.
14:28One is probably yung dietary and it's probably related sa decrease ng fiber intake at increase ng high fat na diet.
14:38This can essentially cause ng constipation and dahil doon mag-i-increase yung pressure dun sa colon.
14:45That can cause a diverticula and pwedeng maging mamaga yun.
14:49Pagsiguro ng pangulo hindi life-threatening o hindi malubha ang naging dahilan ng kanyang pagkaka-hospital.
14:55Ayon sa eksperto, mas malamang ito ay simple diverticulitis na madadaan sa antibiotic, pahinga, pag-hydrate o pag-inunang mas maraming tubig at pagkain ng mas maraming fiber.
15:05Mas karaniwa ng diverticulitis sa mga edad limang pupataas. Pero may payong mga eksperto para makaiwas dito.
15:12Increase your fiber intake. Of course, yung bawas-bawasan natin yung pagkain ng mga processed meat, mga taba.
15:19Of course, yung healthy lifestyle, regular exercises, increase your fluid intake.
15:26So anything siguro na para maiwasan natin yung maging constipated tayo, talagang malaking tulong.
15:33Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
15:38At kaugdai sa pagkaka-aresto ng Russian vlogger na nagbantang magpapakalat umano ng HIV,
15:45iginit niyang hindi niya intensyong gumawa ng negatibong content na kanya rin kabuhayan.
15:50Ginawa lang anya ang video dahil sa mga natatanggap na negatibong komento na naging stereotype umano sa mga dayuhang gaya niya patungkol sa HIV.
15:59Ginawa niya anya ang video para mapansin ang mga Pinoy at umasang magiging meme ito.
16:04Geet ng Ruso, sa kanilang bansa ay sineseryoso nila ang mga usaping pangkalusugan.
16:10Wala umano siyang HIV at walang intensyong magkalat ng ganito.
16:14Hindi anya siya nagsisisi sa paggawa ng nasabing video.
16:17Pero naiintindihan na niya anya ang mga standard at patakaransa pakikipamuhay sa mga Pilipino.
16:25Dahil sa asong napadpadsariles ay naantala po ang biyahe ng MRT-3 kagabi.
16:31Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa Abiria.
16:35Pasado alas 6 kagabi, nang mamataan ang aso sariles sa Guadalupe Station,
16:41agad rumesponde ang Coast Guard at sinagip ang aso na merong suga.
16:45Nasa pangangalaga na po ang aso ng Guadalupe Viejo Barangay Hall sa Makati.
16:51Nakatakdang dalhin ito ng barangay sa animal care shelter upang magabot.
16:58Susuriin din ng mga otoridad kung merong naka-embed na microchip sa aso.
17:07The long wait is almost over pato sa reunion ng PBB Celebrity Co-Lab Edition Housemates
17:13sa kanilang upcoming series na The Secrets of Hotel 88.
17:17Halos isang minuto ang bagong teaser na may clue sa magiging kwento pero nakaka-intriga pa rin.
17:23Makichika kay Nelson Canlas.
17:25Mahigit 10 million views na and counting ang 52nd online teaser ng mystery drama series na The Secrets of Hotel 88.
17:41Nagbukas ang teaser sa mga karakter nina Will Ashley, Brent Manalo at Ralph DeLeon.
17:46Nagkalaunay makakainitan ang mga karakter nina Mika Salamanca, Bianca Divera, River Joseph at Josh Ford.
17:59Don't talk to myself.
18:00Makaka-reunion din nila dito ang iba pang PBB Celebrity Co-Lab 1.0 Housemates
18:06na sina AC Martinez, Dustin Yu, Esnir, Clarice De Guzman, Cyril Manabat at Kira Ballinger.
18:14Nakaka-intriga na agad sa pasili pa lang dahil may dugo ang katawan na balot ng itim at inihila palayo.
18:22Ang gusto namin ay malaman yung totoo.
18:24A roller coaster po talaga kasi yung Hotel 88.
18:27It's not one-sided, it's not all drama but it's also not all fun at the same time.
18:31So yung mga iyakan na ganun, yung mga galit na away, so it happens.
18:37May mga eksena daw na walang sinusunod na script.
18:40Kaya raw emotions at reactions daw ang naibibigay ng mga nagsisiganap.
18:45I think it depends po sa eksena.
18:48Kasi ako, I've trained myself na rin po to get used to, you know, like on the spot, like improvisations and everything.
18:56So not having the script is also pretty exciting for me.
18:59Installment daw kung ibigay ang script sa kanila.
19:03Kaya naman ang mga bida sa serye, kanya-kanyang hintay daw.
19:07Kahit kami talaga, kailangan naming hintayin talaga yung kwento, ganyan.
19:11Kasi po, nami po talaga secrets.
19:13Kasama rin sa serye ang mga veteran artist na sina Ina Raimundo, Dominic Ochoa at Gardo Bersosa.
19:21Inaasang mapapanood ito ngayong first quarter of 2026.
19:27Nelson Canlas updated sa Showbiz happening.
Comments