00:00Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ang pag-review sa nilalaman at saklaw ng panukalang anti-dynasty bill na kabilang sa priority bills ng administrasyon.
00:12Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, layo ng naturang pag-review na mapabuti pa ang nilalaman ng panukala para tunay na malimitahan ang political dynasty sa bansa.
00:24Kabilang anya sa mga natalakay ay kung ano-ano ang posisyon sa gobyerno ang saklaw nito, kung lokal man iyan o nasyonal o di kaya pareho.
00:35Kinokonsidera din anya ng administrasyon ang pagbalanse sa pagpapatupad nito sa harap ng sitwasyon ngayon ng politika sa bansa at dynamics sa local government.
00:47Ang naturo po ng meeting tungkol sa anti-dynasty bill, pinag-usapan po doon yung mga maaaring lamanin o ma-propose na provisions para sa anti-dynasty bill
01:00dahil ito po ay isa sa mga priority bills ng ating Pangulo.
01:03Ang mga napag-usapan ay yung tungkol sa mga levels of ban, yung mga degree of familial relationship, types of relationship considered,
01:14kung consanguinity, affinity, mga positions covered, local ba, national or both,
01:21at kung ang scope of timing or timing of prohibition, simultaneous or successive.
01:26So ito po ay inaaral pa po at kung magkakaroon po ng magandang balangkas patungkol nito,
01:33ay maaari po itong isuggest para po sa anti-dynasty bill.
Comments