00:00Malaking problema ngayon ng ilang magsasaka ang pamimeste ng mga kuhol sa mga palayan sa Mangaldan dito sa Pangasinan.
00:08Sinira kasi ng kuhol ang kanilang mga punlang itinanim noong huling linggo ng Mayo.
00:14Itinaon pa naman daw ito ng mga magsasaka, dalawang linggo bago patubigan ng National Irrigation Administration ang mga kanal sa lugar.
00:22Naglabasan at dumami raw ang mga kuhol kasunod ng tuloy-tuloy na pagulan.
00:26Batid na raw ito ng Mangaldan Municipal Agriculture Office at pag-aaralan ng sitwasyon.