00:00Nabuking ng Land Transportation Office na paso na ang rehistro ng tricycle at lisensya ng driver na nag-viral
00:07matapos umanong mag-counterflow at mangasar sa kasalubong nitong motorista sa Quezon City.
00:13Kinumpirma ng Quezon City Traffic and Transport Management Department na hindi nag-counterflow ang tricycle driver
00:19pero maharap siya sa patong-patong na reklamo dahil sa ibang paglabag sa Batas Trapiko.
00:26May unang balita si Rafi Tima.
00:30Viral ngayon ang video ng ito ng isang tricycle driver na nag-counterflow umano at tila inasarpa ang nakasalubong na driver.
00:43Maririnig ang kasama ng kumukuha ng video na tila kabado na sa inkwentro.
00:52Ang Land Transportation Office naglabas ng Shoko's Order para sa rehistradong may-ari ng tricycle at sa tricycle driver.
00:58Lumabas sa kanilang investigasyon na pasuna ang rehistro ng tricycle at ang lisensya ng driver.
01:04Kaya kailangan nila magtungo sa LTO sa January 22 para pagpaliwanagin kung bakit hindi sila dapat patawan ng kasong administratibo.
01:12Natuntun namin ang tricycle driver sa kanyang bahay sa Quezon City.
01:16Nangyari raw ang insidente sa westbound lane ng North Avenue bago makarating sa EDSA sa tapat ng ginagawang North Triangle Common Station.
01:23Paliwanag niya, hindi raw siya ang nag-counterflow.
01:26Two-way raw ang kalsado nung mga oras na yun dahil isinara ang kabilang lane.
01:30Ang viral video, malaki na raw ang epekto sa kanya.
01:36Pati ang kanyang anak, galit daw sa kanya matapos mapanood ito.
01:48Ang napanood sa video, hindi rin daw ang kabuuan ng insidente.
01:51Dahil sa pag-aakalang nag-counterflow siya, bumaba raw ang driver ng kotse at kinumpronta siya.
01:56Aminado ang tricycle driver, naasar na rin siya kaya ganun ang reaksyon niya sa video.
02:00Basta pagbabang pagbaba niya po na pasigaw po na minura po ako, bakit hindi ko mag-trust pa?
02:08Ano kasi patadaan mo ko siya, sabi niya one-way daw, hindi naman po one-way yun eh.
02:11Bago kayo sumakay sa mga ganyan, tanungin nyo muna ito ito, alamin nyo muna ito ito.
02:16Pagkumpirma ng Quezon City Traffic and Transport Management Department,
02:19wala nga raw counterflow violation ng driver.
02:21Pero nakita naman siya ng patong-patong na ibang violation.
02:24Bukod sa pasong rehistro at lisensya, hindi rin daw dapat tumaan sa North Avenue ang tricycle.
02:30May tuturing raw kasi itong national road na bawal pa sa dahan ng mga tricycle.
02:34Tricycle ban, expired driver's license, and inappropriate, invalid driver's license because hindi siya dapat namamasada.
02:44Aminado naman ang ama sa mga paglabag at haharapin daw nila ito sa LTO.
02:48Ito ang unang balita. Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
02:53Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:55Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments