00:30Inaasahan ni Pangulong Marcos Jr. na ang bagong passenger terminal building, administrative building at iba pang airport facilities ng Antique Airport ay makakatulong upang mapabuti po ang turismo, mapagaan pa ang pagbiyahe ng mga pasahero at mas mapaganda ang ekonomiya sa rehyon.
00:50Ang Natura Proyekto ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan para masiguro yung mabilis at maginhawang pagbiyahe ng mga Pilipino.
00:58Ang sabi po ng ating Pangulo isinigawa ang Antique Airport Development Project para mapabilis ang pagtungo sa Antique at iba pang lugar sa Western Visayas.
01:08Patunayan niya ito sa pagsisikap ng administrasyon ng servisyong abot kamay, malinaw, praktikal at kapakipakinabang.
01:17Sa pagbubukas po ng bagong passenger terminal building na ang capacity ay napalawig sa 360 na pasahero mula sa dating ano na putapat, sinabi ng Pangulo na mas bubuti ang airport services, may mas organisado na check-in procedures, mas magiging komportable po ang pagbiyahe ng mga pasahero.
01:34Ang iba pang improvements ay ang upgraded na admin building, bagong airport, ipron at taxiway, at ang konstuksyon ng air traffic control tower, may bago rin fire station, powerhouse at pump house na itinayo para masiguro ang kaligtasan sa airport.
01:51Ang Antique Airport Development Project ay ipinatupad ng Department of Transportation at Civil Aviation Authority of the Philippines.
02:00Layon nito na makapag-accommodate ng mga jet aircraft kaya't mas mapapalakas ang accessibility ng probinsya at ang papel nito bilang gateway ng Western Visayas.
02:11Ang Antique Airport ay matatagpuan sa San Jose de Buenavista, Antique.
02:16At yan po muna ang ating update ngayong umaga, abangan ang susunod nating tatalakayin patungkol sa mga aktibidad at programa ng kasalukuyang administrasyon dito lamang sa Mr. President on the Go.
Comments