00:00Dinala sa NBI ang mga kapwa-akusado ni dating Sen. Bong Revilla na sina dating Bulacan 1st District Assistant Engineers, Bryce Hernandez at JP Mendoza, matapos damputin sa Senado.
00:12May live report si Rafi Tima.
00:14Rafi!
00:18Atom, sumailalim na nga sa booking procedure itong si dating DPWH Engineer Bryce Hernandez at si Engineer JP Mendoza.
00:26Kani-kanina lang ay sumailalim na rin sila sa medical check-up dito sa medical legal office dito rin sa NBI headquarters dito sa Pasay.
00:33Kanina nga ay kinuha sila ng NBI sa Senado kung saan sila nakakostudiya.
00:38Pagdating dito sa NBI headquarters ay sumailalim agad sila sa booking procedure kasama rito yung pag-piano o yung pagkuhan ng fingerprints at pagkuhan ng kanilang mugshot.
00:47Kanina ng hapon lang lumabas ang warant of arrest ng dalawa mula sa Sandigan Bayan kasama si dating Sen. Bong Revilla para sa kaso ng malversation through falsification
00:55of public documents.
00:57Dahil walang custodial facility, ang NBI dito sa kanilang opisina ay dadalhin sa NBI custodial facility ang dalawa sa Muntinlupa.
01:05Bukas, inaasahan namang dadalhin na sa Sandigan Bayan ang dalawa para sa return of warant.
01:10Ayon sa NBI, Sandigan Bayan ang magdidesisyon kung saan ikokustudiya ang dalawa habang hinihintay ang kanilang paglilitis.
01:18Kanina agad din dumating dito sa NBI ang abogado ng dalawang dating DPWH officials.
01:23Tumagi muna siya magbigay ng pahayag pero nagpahiwating siya na mas gugustuhin sana nilang manatili sa custodian ng NBI ang kanyang kliyente.
01:30Ang dalawa namang kapwa-akusado ni Nena Hernandez na sina Engineer RJ Dumasig at accountant Juanito Mendoza
01:38ay isinasailalim na rin sa booking procedure sa NBI NCR office.
01:43Ayon sa NBI Atom, anuang oras ay dadalhin na sa NBI custodial facility sa Muntinlupa
01:47ang dalawang akusado kapag natapos na yung kanilang booking procedure.
01:53Yan ang latest mula dito sa NBI headquarters sa Pasay.
01:55Atom?
01:57Maraming salamat, Rafi Tima.
02:00Maraming salamat.