Skip to playerSkip to main content
Developing Story! Sumuko ngayong gabi si Dating Senador Bong Revilla, na pinaaaresto ng Sandiganbayan kaugnay sa flood control scandal. Sa Facebook Live ngayong gabi, iginiit ni Revilla na inosente siya. May live report si EJ Gomez. 


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Developing story po. Sumuko ngayong gabi si dating Sen. Bong Revilla na pina-aresto ng Sandigan Bayan kaugnay sa flood control scandal.
00:14Sa Facebook Live ngayong gabi, iginit ni Revilla na inosente siya. May live report si EJ Gomez. EJ.
00:24Atom, dumating ngayong gabi sa CIDJ headquarters dito sa Camp Kramis sa Quezon City.
00:29Si dating Sen. Bong Revilla. Kasunod yan ng inilabas na arest warrant laban sa kanya ngayong araw.
00:389.57 p.m. namataan natin ang pagdating ni Revilla.
00:42Ayon kay Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartates Jr.,
00:46kasama niya ang misis na si Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado
00:50at mga anak na si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla at Aguimat Partylist Rep. Brian Revilla.
00:57Sa videong pinaw sa social media ni Revilla pasado alas tuwebe ngayong gabi,
01:01naglabas siya ng sama ng loob sa inilabas na arest warrant.
01:05Aniya, parang walang due process.
01:08Iginit niya rin inosente siya at nananawagan ng panalangin.
01:12Pakinggan natin ang kanyang pahayag.
01:15Nangakalungkot po, parang, parang wala yata ang due process.
01:30Pero ganunpaman,
01:33haharapin ko ito ng walang takot.
01:35At alam kong hindi ako papabayaan ng Diyos
01:43dahil wala po akong kasalanan dito.
01:45Punta dito sa kamkramen, together with his wife,
01:49tapos yung mga anak niya,
01:51and then para mag-seek, mag-surrender.
01:56So nag-surrender sila sa mga?
01:58Nag-surrender sila.
01:59Ang pagpapaaresto kay Revilla
02:05ay sa bisa ng warrant ng Sandigan Bayan 3rd Division
02:08na siyang may hawak sa kanyang kasong
02:10malversation through falsification of public documents
02:13matapos ang raffle ng mga kaso ngayong araw.
02:15Non-bailable ang kaso.
02:17Co-accused ni Revilla,
02:19ang mga dating opisyal at kawarin ng DPWH Bulacan
02:211st District Engineering Office na sina
02:23Bryce Hernandez,
02:25JP Mendoza,
02:26RJ Domasig,
02:27Emelita Huat,
02:28Juanita Mendoza at Christine Pineda.
02:31Naglabas na rin ang whole departure order laban sa pito.
02:344th Division naman ang ahawak ng kasong graft laban kay Revilla.
02:38Inakusahan silang nagsabwatan
02:40para ilabas ang pondong pampagawa ng flood control project
02:43sa Purok 5, Barangay Bonsuran sa Pandi Bulacan.
02:46Walang naitayong proyekto ng inspeksyonin ng lugar.
02:49Ayon sa ombudsman na Meke Umano
02:51ng accomplishment report at billing document
02:54para sa paglalabas ng pera.
02:55I-dinawit pa noon ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo si Revilla
03:01ng pangungumisyon ng 25% sa mga proyekto
03:04at hinatiran pangaraw si Revilla
03:06ng 125 million pesos na kickback
03:09sa bahay ng dating senador sa Cavite.
03:11Todo tangi dyan noon si Revilla
03:13na tinawag ang aligasyon na imbento
03:15at political persecution.
03:17Sinisiraan lang daw siya para malihis sa totoong may sala.
03:26Atom, kanina no,
03:27ay merong mga barikada dito sa may kalsada
03:30nitong harap ng PNPC IDG
03:33pero inalis yan kanina ang pasado alas 10.
03:35Pagating naman ng 10.30pm
03:37ay meron tayong nakita nga pumasok na van
03:40na may laman na bed frame at kutson.
03:44Wala pang kumpirmasyon,
03:45na i-confirm pa natin sa PNPC IDG
03:47pero posible na dito magpalipas ng gabi
03:50si dating senador Bong Revilla.
03:53Yan muna ang latest.
03:54Mula dito sa Quezon City,
03:56balik sa'yo Atom.
03:57Maraming salamat, AJ Gomez.
03:59Maraming salamat, AJ Gomez.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended