Skip to playerSkip to main content
  • 3 hours ago
Bago ngayong gabi.
Tatlo ang napaulat na sugatan sa sunog sa Brgy. Pleasant Hills, Mandaluyong, dalawang linggo bago magpasko.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bago ngayong gabi, tatlo ang napaulat na sugatan sa sunog sa barangay Pleasant Hills, Mandaluyong.
00:06Dalawang linggo bago magpasko.
00:08Alamin ang latest sa live report ni Jamie Santos.
00:11Jamie.
00:16Atom 10-22 ngayong gabi nang i-deklara na ng Bureau of Fire Protection na fire out na nga
00:22ang sunog na tumupok sa mga kabahayan dito sa Pleasant Hills, Mandaluyong City ngayong gabi.
00:27Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog.
00:34Nagnangalit ang apoy sa bahaging ito ng barangay Pleasant Hills, Mandaluyong
00:38batay sa drone video ni Christopher Manzon ng Kapasigan Fire Volunteers.
00:43Kahit gabi na, nagkulay kahel ang langit sa laki ng sunog.
00:47Makapal din ang usok.
00:49Pasado alas 6 ng gabi, sumiklam ang sunog.
00:51Umabot ito sa ikalimang alarma.
00:54Mabilis na kumalat ang apoy sa magkakadikit na mga bahay.
00:57Sunod-sunod ang dating ng mga bumbero.
01:02Pero ang hinaing na mga pamatay sunog, mahina ang tubig sa hydrant malapit sa nasusunog na residential area.
01:08Pati ilang residente nagtulong-tulong na sumalok at mag-igib ng tubig para malagyan ng fire truck.
01:14Isang residente rin sa kalapit na townhouse ang pinahintulutan ng mga bumbero na kumuha ng tubig sa kanyang water tank.
01:26Atom sa covered court ng barangay, pansamantalang mananatili yung pamilyang, ilang pamilyang naapektuhan ng sunog nga dito sa Pleasant Hills.
01:40Atom, sabi nga ng panayam natin sa fire chief ng Mandaluyong City, tinatayang nasa 1 million pesos.
01:50Ang halaga ng pinsalan ng sunog dito nga sa mga kabahayang natupok ng sunog dito ngayong gabi.
01:57At tatlo ang naitalang endured ng dahil sa sunog.
02:00At yan ang latest mula rito sa Mandaluyong. Balik sa iyo, Atom.
02:03Maraming salamat, Jamie Santos.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended