Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:02.
00:04.
00:06.
00:08.
00:10.
00:14.
00:16.
00:18.
00:20.
00:22.
00:26.
00:28.
00:29.
00:47.
00:52.
00:56.
00:58.
00:58.
00:59Nabasehan ang impeachment complaint. Una na riyan ang pag-utos daw na isuko si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
01:07We are putting to question and holding the President accountable, number one, for allowing a citizen of our country to just be whisked away, kidnapped virtually, and brought to a foreign land without due process, despite fully functioning courts here in the country.
01:28Binanggit din ni De Jesus na impeachable offense ang kabiguan ng Pangulong i-veto ang unprogrammed appropriations sa 2023, 2024, 2025, at 2026 budget,
01:41ang umano'y pagbenepisyo sa mga kickback mula sa budget insertion at ghost flood control projects at pagtatag ng Independent Commission for Infrastructure para kanlungin ang mga kaalyado.
01:54Kasama rin sa impeachment complaint ang aligasyon ng paggamit ng droga ng Pangulo.
01:59We're also putting to question the fitness of the President to still govern our country. If you will notice, for some it might be laughable, for some it might be trivial, but an allegation that our sitting President might be somehow involved in an addiction of some sort to prohibited drugs should be alarming. And we are holding the President accountable as well.
02:22Ayon kay De Jesus, wala siyang kaugnayan sa Pangulo o kay Vice President Sara Duterte.
02:28If you're asking if I'm affiliated with the Dutertes, no, I am not. No, I have no links with the President. I've never met either the President or the First Lady. That's the thing. There's that accusation that this is intended to trigger the one-year ban, right?
02:44Ang impeachment complaint ay inendorso ni House Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy Partylist Representative, Journey Jet Nisay.
02:54Isa si Nisay sa mahigit 200 kongresistang pumirma naman sa impeachment complaint traban kay Vice President Sara Duterte noon
03:03at isa rin sa mga inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure para kasuhan ng ombudsman kong nai sa mga maanumalyang flood control projects.
03:13Ito yung gustong pag-usapan ng taong bayan, hindi puro sa social media. Ito ay sa tamang quorum natin dadalhin.
03:26At nahiniwala kami sa Saligang Patas, Public Office sa Public Trust, that no one, not even the President, isa bang dalaw.
03:36So sabi nga mapanagot, dapat mapanagot. So siguro mapanagot ang totoong mga sala.
03:43Nilinaw ni Nisay na hindi siya nakikipagtulungan sa kampo ng Bise.
03:48Tinanggap ni House Secretary General Celoy Garafil ang reklamo ng 8.45 ng umaga.
03:55Sa isang pahayag, sinabi ni Garafil na itatransmit niya ang reklamo sa tanggapan ng Speaker,
04:01alinsunod sa konstitusyon at sa rules ng Kamara. Nakasaad sa rules on impeachment ng Kamara na isang impeachment complaint lang
04:09ang pwedeng ma-initiate laban sa isang impeachable official sa loob ng isang taon.
04:15Hindi pa deemed initiated ang reklamong inihain kanina dahil hindi pa ito nare-refer sa House Committee on Justice.
04:23Once the first one is deemed initiated, it will set a bar for all other impeachment complaints.
04:29So they have to, if they intend to file an impeachment complaint, they must do so at as soon as possible time
04:35para di pa barred by the one-year bar rule.
04:41Kasi kung nasimulan na yung isa, wala na talang matanggap na impeachment complaints
04:46as far as the same impeachable officer is concerned.
04:49As soon as it is included in the order of business and soon enough will be referred in the Justice Committee,
05:01rest assured that the Justice Committee is ready to receive the impeachment complaint.
05:08Ang nagre-refer ng mga impeachment complaints sa komite ay ang House Committee on Rules
05:13na pinamumunuan ni Presidential Sun at House Majority Leader Sandro Marcos.
05:18Well, in this particular case, I think there is no choice for him
05:22because it really says that it has to be referred to the Committee on Justice.
05:27So even if he is the majority leader and even if the impeachable officer that he's complained of is his father,
05:36wala siyang magawa because ang procedure talaga is that after it is included in the order of business,
05:42then in three days it has to be referred to the Committee on Justice.
05:46Sinusubukan pa namin kunin ang panig ni Congressman Marcos.
05:51Nagtataka naman si Senior Deputy Minority Leader Edgar Erice
05:55kung bakit si De Jesus ang naghahain ng reklamo laban sa Pangulo.
05:59Well, I just found out, kasi back in 2024, November, sometime in November 2024,
06:07the same attorney, Andre Jesus, filed a disbarment case against attorney Glenn Chong
06:17for some statements vilifying the First Lady.
06:22I'm sure that he filed a case against attorney Glenn Chong to defend the First Lady.
06:30Kinwestiyon din ni Davao City First District Representative Paolo Duterte,
06:36kapatid ng Bise, ang inihain reklamo laban sa Pangulo.
06:40Duda ni Representative Duterte, layan ng reklamong inihain ni De Jesus
06:44ay protektahan ang Pangulo mula sa ibang impeachment complaints.
06:49Ngayon pa lang, walang nakikitang basehan si House Speaker Faustino D. III
06:54para ipa-impeach ang Pangulo dahil malinawa niyang ginagawa naman ng Pangulo
06:59ang trabaho nito.
07:01Pero sinabi ng Speaker na trabaho nilang tanggapin ang mga impeachment complaint
07:05at dinggin nito alinsunod sa konstitusyon.
07:09Hindi raw ito dapat ginagamit sa pamumulitika.
07:12Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez,
07:15Nakatutok, 24 Horas.
07:20Idiniin naman ang palasyo na matagal nang nasagot
07:23ang mga isyong ginawang basihan ng impeachment complaint
07:27laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
07:30Pagaman walang kaalaman sa intensyon ng nag-file nito,
07:34ipinunto ng palasyo na ang nag-endorso nito
07:37ay isa umano sa walong contractor na nabanggit ng ICI.
07:43Nakatutok si Iman Mayrina.
07:45Walang basihan ng mga isyong ginamit para sa pahan ng impeachment complaint
07:52si Pangulong Bongbong Marcos ayon sa palasyo.
07:54Itong mga isyong po na ito ay matagal na po natin nasagot.
07:59Matagal na po natin itong naipaliwanag.
08:01Ito ay walang basihan.
08:03Ang lahat po na nagiging trabaho ng Pangulo
08:04ay naaayon sa batas at naaayon sa konstitusyon.
08:07Kabilang sa batayan naman ang reklamo,
08:09ang aligasyong pinayagan ng Pangulo na makikidnap umano
08:11si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
08:13Ito ay isang sabi nating first case of first impression.
08:16So wala pa pong nadidesisyonan patungkol dito sa gintong klaseng impression
08:20or rather case at sitwasyon.
08:23Kaya masasabi po natin na wala pa pong basihan sa ngayon.
08:26Dagdag ng palasyo, hindi pa nagbibigay ng reaksyon ng Pangulo
08:28sa impeachment complaint laban sa kanya
08:30at abala sa trabaho.
08:32Pero ayon kay Castro, nire-respeto ng Pangulo
08:34proseso at tiwala sa Kongreso bilang institusyong
08:37na atasang duminig nito.
08:39We respect this process and trust that Congress
08:42as a co-equal branch of the government
08:44will discharge its duties with honesty, integrity
08:48and fidelity to the rule of law.
08:51Hindi nagsalita ang Malacanang
08:52sa posibleng motibo na naghahain ang reklamo
08:54ng si Atty. Andre De Jesus.
08:56Pero pagdating sa nag-endorse ng Kongresista.
08:58Wala po tayong personal na nakaalaman
09:00kung ano ang kanilang intensyon
09:04patungkol po sa pag-fine na impeachment complaint.
09:08Ang atin lamang pong nalalaman sa ngayon
09:10ay ang party list na nag-endorse
09:12ay isa sa walo na contractors
09:16na nabanggit ng ICI.
09:19Para sa GMA Integrated News,
09:21Ivan Mayrina nakatutok 24 oras.
09:24Kaugnay sa sinabi ni Erice,
09:29ang sabi ni De Jesus,
09:31ginamit lang daw niyang halimbawa
09:32mga pahayag ni Atty. Chong
09:34laban kay First Lady sa disbarment case.
09:38Hindi raw niya kinatawan o pinagtanggol
09:41ang First Lady.
09:42Muli niyang ay giniit na wala siyang
09:44political affiliation.
09:46Anya, nagsilbi rin siyang counsel
09:48para sa PDP laban Duterte Wing
09:51pero hindi raw niya ibig sabihin na
09:54kaalyado siya ng mga Duterte.
09:57Sugataan ang isang binatilyo sa Quezon City
09:59matapos kuyugin at saksakin sa riot
10:02ng dalawang grupo.
10:04Halos 70 menor de edad ang sangkot diyan.
10:07At nakatutok si James Agustin.
10:09Nagtakbuhan at nagbatuhan ng bote
10:17ang ilang kabataan sa barangay
10:18Greater Lagro, Quezon City
10:19hapon noong Sabado.
10:21Maya-maya pa kita na may tila
10:22kinukuyog sila at pinaghahampas.
10:26Mabilis na nagpulasan ang mga kabataan
10:28ang naiwan sa damuhan.
10:30Isang dugoan na 16 anyo sa lalaki
10:32na nasaksak o mano sa gitna ng riot.
10:34Isinugot sa ospital ang biktima
10:35na nagtamon ng saksak sa kamay,
10:37likod at agiliran.
10:38Kasalukuyang pa siya nagpapagaling.
10:40Ayon sa pulisya,
10:41sangkot sa riot ang dalawang grupo
10:42ng mga kabataan.
10:43Ang pinagmula ng away nila,
10:45tuksuhan,
10:46and then previous sa
10:48grudge din ng mga gang nung dalawa,
10:51doon sila nagpangabot sa Neapolitan.
10:54Doon yung parang naging meeting place nila.
10:56Kasi tinignan din namin yung mga cellphone,
10:58meron silang GC,
10:59kailangan sa sila magtatagpo.
11:01Inibitahan sa police station
11:02ang 67 kabataan nakasama sa riot.
11:05Taramihan sa kanila ay lalaki,
11:06habang apat ang babae.
11:08Ang kanilang mga edad,
11:0911 hanggang 16 anyos.
11:11Some are residents of Quezon City
11:12and some are residents of Caloocan.
11:15Pinatawag namin yung kanilang mga magulang
11:16and then,
11:17ang intervention natin na ginawa,
11:19tinover namin sila sa barangay
11:20para sa social intervention din.
11:22Sa tulong ng saksina,
11:23tukoy ang pagkakilanlan
11:24ng dalawang sospek
11:25na kapwa 16 anyos.
11:27Patuloy pa silang hinahanap ng pulisya.
11:29Sa ospital,
11:30ipinakita sa biktima
11:31ang larawan ng isa sa mga sospek.
11:33Nang positibo niyang kinilalang sumaksak sa kanya,
11:35sasampahan ang mga sospek
11:36na reklamong frustrated homicide.
11:38Malaking bagay kasi yung
11:39responsibilidad ng magulang
11:41na tiyakin kung sino yung mga kasama nila,
11:44mga kaibigan.
11:46Makakabuti rin na
11:47tignan nila yung cellphone
11:48kung saan nagpupunta yung kanilang mga anak
11:51para na sa ganun ay maiwas
11:53sa mga ganitong klase ng kaguluhan.
11:56Para sa Gemma Integrated News,
11:58James Agustin Nakatutok, 24 Horas.
12:07Pago ang paglalabas ng arrest warrant,
12:09iniruffle ang sandigang bayan
12:11sa iba't-ibang divisyon nito.
12:12Ang mga kasong inihain
12:14laban kay dating Senador Bong Revilla
12:15at ilang dating opisyal
12:17ng DPWH Bulacan.
12:19Kauwag na ito sa may git-syam na
12:20pung-milyong pisong ghost
12:21blood control project
12:23sa Bayan ng Pandi.
12:24Nakatutok si Maki Pulido.
12:26Hindi nag-aksaya
12:30ng oras ang sandigan bayan.
12:33Matapos ihain ng ombudsman
12:34ng kasong graft at malversation
12:36noong biyernes,
12:37laban kay dating Senador Bong Revilla
12:39at mga dating opisyal
12:40ng DPWH Bulacan,
12:42kabilang si Bryce Hernandez,
12:44isinagawa agad ang raffle
12:46kaninang umaga.
12:47Kaugnay ito ng mahigit
12:48P92M ghost flood control project
12:51sa Pandi, Bulacan.
12:52Sir!
12:53Sa Sandigan Bayan 3rd Division
12:57napunta ang non-bailable
12:58na kasong malversation
12:59through falsification
13:01by public documents.
13:02Ito rin ang dibisyong
13:03humawak ng plunder case
13:05laban kay Yumaong Senador
13:06Juan Ponce Enrile.
13:08Ang chairman nito ngayon
13:09ay si Justice Carl Miranda.
13:11Fourth division.
13:12Ayan!
13:13Fourth division naman
13:14ang hahawak ng kasong graft
13:16at ang chairman ng dibisyon
13:17ay si Justice Michael
13:18Frederick Musngi.
13:19Nang isang panang ombudsman
13:21ng kaso,
13:22hiniling rin ito
13:23sa Sandigan Bayan
13:24ang pag-issue
13:25ng warrant of arrest
13:26laban kay Revilla
13:27at ibang mga akusado.
13:29Sumalang naman
13:29ang hepe ng legal division
13:31ng Independent Commission
13:32for Infrastructure
13:33o ICI
13:34sa pagpapatuloy
13:35ng bail hearing
13:36ng mga akusadong
13:37dating DPWH Mimaropa
13:39kaugnay sa maanumaliang
13:40flood control project
13:41sa Nauhan Oriental, Mindoro.
13:43Kapo-akusado
13:44sa kasong ito
13:45si dating Congressman Zaldico
13:46na nananatiling at large
13:48o hinahanap pa
13:50sa cross-examination
13:51ni Atty. Rufino Samuel Mantos.
13:54Inamin niyang
13:54walang inisiyong subpina
13:56ang ICI
13:56para humarap
13:57sa kanilang imbesigasyon
13:58ang mga akusado.
14:00Ang punto
14:01ng mga abugado
14:02ng mga akusado
14:02hindi sila nabigyan
14:04ng pagkakataong
14:05depensahan
14:05ang sarili
14:06bago itransmit
14:08ng ICI
14:08ang reklamo
14:09sa ombudsman.
14:10Bukas naman
14:11inaasahang
14:11iharap ng prosekusyon
14:13si DPWH
14:14Secretary Vince Dyson
14:16bilang kanilang testigo.
14:18Para sa GMA
14:19Integrated News
14:20Makipulido
14:20nakatutok
14:2124 oras.
14:23Good news!
14:24Naman tayo
14:25may nadiskubri
14:26sa Palawan
14:27na bagong
14:28mapagkukunan
14:29ng natural gas.
14:31Ayon kay Pangulong Bongbong
14:32Marcos
14:33kaya na itong
14:34mag-supply
14:34ng kuryente
14:35sa maigit
14:36limang milyong bahay
14:37sa loob
14:38ng isang taon
14:39na nakatutok
14:40si Ivan Mayrina.
14:44Halos tatlong taon
14:45na mula
14:46ng palawigin
14:46ng service contract
14:47para sa produksyon
14:48at paghahanap
14:49ng bagong
14:49mapagkukunan
14:50ng gas reserves
14:51mula sa Malampaya
14:52na sa puntong yun
14:53ay papaubos na.
14:55Sa pagtaya
14:56ng Department of Energy
14:57noon
14:57hanggang 2027
14:59na lang tatagal
14:59ang supply
14:59ng natural gas
15:00sa Malampaya.
15:02Pero ngayong araw
15:03masayang inanunsyo
15:03ni Pangulong Bongbong
15:04Marcos
15:05na may natuklas
15:05ang bagong
15:06mapagkukunan
15:06ng gas
15:07may limang kilometro
15:08mula sa kasalukuyang
15:09lokasyon
15:09ng Malampaya
15:10gas field.
15:11The MAE-1
15:12is estimated
15:13to contain
15:13around 98 billion
15:15cubic feet
15:16of gas in place.
15:17Katumbas nito
15:18ang halos
15:19labing apat na
15:20bilyong kilowatt hour
15:21ng kuryente
15:22sa isang taon.
15:23Ibig sabihin,
15:24makakapagsupply ito
15:25ng kuryente
15:26sa mayigit
15:275.7 milyon
15:28na milyong kabahayan,
15:30siyam na libut
15:30limang daan
15:31na gusali
15:32o halos
15:33dalawang daan
15:33libong
15:34paaralanan
15:34sa loob
15:35ng isang taon.
15:36This helps
15:37Malampaya's
15:37contribution
15:38and strengthens
15:39our domestic
15:40gas supply
15:40for many years
15:42to come.
15:42Mahalaga yan,
15:43lalot simula
15:44noong 2001,
15:45tinataya hanggang
15:4640%
15:47ng enerhiya
15:48ng buong Luzon
15:48ay sinusupply
15:49ng Malampaya.
15:51Sa panibagong
15:52tukla sa gas
15:52reserves,
15:53mapapalawig
15:54ang supply
15:54ng hanggang
15:552030
15:55o mas matagal pa.
15:57May indikasyon
15:58kasing mas marami
15:59pa ang nilalamang
16:00gas ito
16:00at mayahalin
16:01tulad sa
16:02orihinal
16:02ng Malampaya
16:03gas field.
16:04At syempre
16:04ang pinakamahalaga,
16:05hindi kailangan
16:06madagdagan
16:07ng pagdepende
16:08ng bansa
16:08sa mga inaangkat
16:09na energy sources
16:10tulad ng
16:11krudo o coal
16:12na dahilan
16:12sa mataas
16:13sa presyo
16:13ng kuryente
16:14sa bansa.
16:15Patuloy rin
16:16ang paghahanap
16:16ng mga
16:17mapagkukunan
16:17ng natural gas
16:18sa ilalim
16:19ng umiira
16:19na service contract.
16:21The next steps
16:22are the completion
16:22and testing
16:23of the Camago 3
16:24followed by the
16:25drilling of the
16:26pag-asa exploration
16:27well
16:27to pursue
16:28more potential
16:29gas resources.
16:31Pinatatakbo
16:31ng pribadong sektor
16:32simula noong 2001
16:33ang service contract 38.
16:35na sa ngayon
16:36ay hawak
16:37ng Prime Infrastructure Capital
16:39o Dena Corporation
16:40at Philippine National Oil Company
16:42o PNOC.
16:44Hanggang itong 2023,
16:45umabot na rin
16:46sa 370 billion pesos
16:48ang nakolektang royalties
16:49ng gobyerno
16:50mula sa operasyon
16:51ng Malampaya
16:52gas field.
16:53Para sa GMA Integrated News,
16:55Ivan Mayrina
16:56Nakatutok,
16:5724 Horas.
17:02Happy Monday,
17:03chikahan mga kapuso!
17:05Sending good vibes
17:06sa Coco Festival
17:07ng San Pablo Laguna,
17:08ang cast ng
17:09upcoming Kapuso
17:10afternoon series
17:11na apoy sa dugok.
17:12Ang hitik sa energy
17:14na performances nila
17:15tinapatan naman
17:15ng sweet treats
17:17at savory dishes
17:18ng mga taga
17:19San Pablo.
17:20May report si Diane Loquillano
17:22ng GMA Regional TV.
17:27Kung may pistang tunay
17:28na nagpapakita
17:29ng tatag,
17:31saya
17:31at pagkakakilanla
17:33ng isang lungsod,
17:34ina ng Coco Festival
17:35ng San Pablo City, Laguna.
17:38Hindi lang ito
17:39simpleng pista
17:40para sa mga San Pablenyo
17:41dahil bidarito
17:43ang pananampalataya,
17:44kultura
17:45at pagiging malikhae nila.
17:47Samotsari ang aktibidad
17:49sa fiesta
17:49pero siyempre,
17:51hindi mawawala
17:52ang food trip
17:53from classic favorites
17:55tulad ng Nilupak,
17:56Sinukmani
17:57at Kalamay
17:58hanggang sa
17:59mas adventurous
18:00at unique tasting
18:01na kulawo.
18:03Isang smoky
18:03at savory dish
18:04na gawa sa talong
18:05at gata.
18:06Tinikman niya
18:07ng mga Kapuso Stars.
18:09Wow!
18:11Bago sila magpasaya
18:13si JMA Regional TV
18:14Kapuso Spotlight,
18:16pinahanga
18:17ni Christopher Martin
18:18ang audience
18:19sa kanyang solid
18:20vocal performance.
18:23Kasunod nito,
18:25mas uminit pa
18:26ang entablado
18:27sa paglabas
18:27ng cast
18:28ng upcoming
18:28JMA Afternoon Prime
18:30drama,
18:31Apoy sa Dugo.
18:32Nagbigay ng powerful
18:33performance
18:34si Ashley Ortega.
18:35Habang pinakilig naman
18:40ni Derek Monasterio
18:41ang crowd
18:41sa kanyang
18:42soulful serenade.
18:46Siyempre,
18:47hindi rin
18:48nagpakabog
18:48si Elve Llanueva.
18:50Ito yung first
18:53regional show ko
18:55noong 2026.
18:57So,
18:57excited ako
18:58na nag-perform
18:58kanina.
18:59Tsaka,
18:59dami tao,
19:00sobrang dami tao.
19:00Grabe,
19:01sobrang taas ko
19:02ng energy
19:02ng lahat
19:03ng mga tao
19:03at nakakamiss
19:04rin
19:04makifiesta.
19:05Sobrang saya
19:06at sobrang,
19:07ilang beses na rin
19:08kasi ako nakarating
19:08ng San Pablo
19:09at masabi ko na
19:10parang bago pa rin
19:12talaga yung
19:12pag-welcome nila
19:13sa akin.
19:13Ramdam na ramdam ko
19:14yung fiesta
19:15at saya
19:15ng bawat isa
19:16dito.
19:17Maraming salamat
19:17po sa pag-imbita
19:18sa amin.
19:19Happy Coco Festival!
19:20Mula sa GMA Regional TV
19:22at GMA Integrated News,
19:24Diane Loquelliano,
19:26Nakatutok 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended