00:00Samantala, itinuturing na makasaysayan ng Energy Department
00:03ang pagkakadiskubre sa Natural Gas Reservoir sa Malampaya East 1.
00:09Ayon sa DOE, isa itong testamento sa world-class na kapabilidad
00:14ng mga Pilipinong engineer para matiyak
00:16ang maliwanag na hinaharap ng energy sector sa bansa.
00:21Pwede nitong mapababa ang singil sa kuryete sa hinaharap
00:24kapag nagkaroon ng mas marami pang supply.
00:26Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na malaking bagay para sa energy mix ng bansa
00:32ang natuklasang 98 billion cubic feet na natural gas
00:36dahil mas magiging matatagang supply ng kuryente sa pang-araw-araw na gamit ng mga Pilipino.
00:42Base sa datos ng DOE, ito'y tinatayang katumbas ng 13.9 billion kilowatt hours ng kuryente
00:48na may kakayahang mag-supply ng kuryente sa 5.8 million households sa loob ng isang taon.
00:54Kaya rin ito na magpailaw ng nasa 2.78 million na streetlight
01:00ng tuloy-tuloy sa loob ng isang taon
01:02at susuportahan ang annual requirement
01:04ng nasa mahigit 198,000 public elementary at high school.
Comments