00:00Sa ibang balita, 24x7 ang ginagawang manhunt operations ng PNPC-IDG kay Atong Ang na naharap na sa dalawang arrest warrants.
00:10Kaugnay niyan, may babala naman ang mga otoridad sa mga magtatangkang mag-crank call, lalo't may paton sa ulo na 10 milyong piso ang negosyante.
00:20Si Ryan Lesigue sa Sentro ng Balita.
00:22May natatanggap na umunong mga tawag ang Criminal Investigation and Detection Group o CIDG mula sa iba't ibang individual na nagsasabing alam nila ang pinagtataguan ni Charlie Atong Ang.
00:36Nitong nakaraang linggo, naglabas ng wanted poster laban kay Charlie Atong Ang ang CIDG.
00:42Nakasaad sa poster, ang 10 milyon na patong sa ulo ng negosyante para sa sino mang makakapagturo sa posibleng pinagtataguan ng itinuturong mastermind sa kaso ng missing Sabongero.
00:54These steps aim to speed up the capture of the fugitive and to expedite the administration of justice to all victims and their families.
01:04Paalala ng CIDG, iwasan ang prank call para hindi masampahan ng kaso.
01:10Ayon kay CIDG Spokesperson Police Major Helen de la Cruz, 24-7 na ang ginagawang manhunt operation ng CIDG.
01:18Relentless po ang ating dedicated manhunt team sa nagpunta na po sa lahat ng mga ari-arian sa buong Pilipinas.
01:25Handa na ang PNP Criminal Investigation and Detection Group na mag-apply ng search warrant sa korte kaugnay sa mga baril ni Charlie Atong Ang.
01:34Ito'y matapos na ma-revoke ang kanyang license to owned and possessed firearms at firearms registration noong nakarang linggo.
01:41Ayon kay Firearms and Explosive Office Director, Police Brigadier General Giorgio Manalad, itinuturin na nilang loose firearms ang anim na armas niyang na kinabibilangan ng tatlong 9mm pistol,
01:54isang 5.56 rifle, isang .260 rifle at isang .38 revolver.
02:00Under Section 4.1 ng RA 105.91, it states that standard and requisites for issuance of and obtaining license to own and possess firearms,
02:16second paragraph, subparagraph G of Republic Act 105.91 states that the applicant has not been convicted
02:24or is currently accused before any court of law for a crime that is punishable with a penalty of more than two years.
02:37Batay sa record, merong Type 5 L-TAP si Ang, kung saan maaari itong mag-ari ng labing lima o higit pang armas.
02:45Na-revoke na rin ang L-TAP ng apat pang co-accused ni Ang na merong Type 2 at Type 1.
02:50Sa kabuhuan ay 21 akusado na ang hawak ng CIDG at tanging si Ang na lang ang hinahanap pa ng mga otoridad.
02:59Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments