00:00Pinaigting din ng Philippine National Police ang manhunt sa mga akusado sa kaso ng mga nawawalang sabongero kabilang ng negosyanteng si Atong Ang.
00:11Ayon sa PNP, titiyakin nilang hindi makalalabas ng bansa ang mga ito.
00:16Si Ryan LeSiguez sa Sentro ng Balita.
00:21Bantay sarado na ng Philippine National Police o PNP ang lahat ng port of exit ng bansa
00:26para pigilan ang posibleng paglabas ng Pilipinas ni Charlie Atong Ang.
00:31Kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabongeros, sabi ni Acting Chief PNP Police Lieutenant General Jose Melencio Nartates Jr.
00:39Mas pinigting na nila ang koordinasyon sa immigration authorities.
00:43Bilang bahagi ng patuloy na manhunt inilunsad ang mga dedicated tracker team at intelligence units
00:50para matiyak na walang sospek ang makakalabas ng bansa habang may nakabimbing mga warrant of arrest.
00:57Sa ngayon, nasa labing pitong individual na ang naaresto ng PNP Criminal Investigation and Detection Group.
01:03Ibig sabihin, ang business tycoon na si Charlie Atong Ang nalang ang natitira mula sa labing walong akosado
01:10na kasama sa warrant of arrest na ipinalabas ng Santa Cruz Laguna RTC Branch 26.
01:16We have received two warrant of arrest sa kaso ni Atong Ang.
01:24The warrant of arrest consists of five counts for kidnapping with homicide
01:30and another six counts na warrant of arrest for kidnapping and serious legal detention.
01:37Ayon kay CIDG Director Police Major General Robert Alexander Morico,
01:41kabilang sa unang naaresto ang siyam na polis na naka-restrictive custody na bago pa man lumabas ang warrant.
01:48Nasa kamay na rin ng PNP ang walo na sibilyan, kabilang ang ilang security guard ni Ang.
01:54Sa ngayon, sinusuyod na ng mga operatiba ang mga property ni Ang
01:58kung saan unang pinuntahan ng CIDG kahapon ang bahay nito sa Pasig.
02:02I asked Mr. Atong Ang to peacefully surrender na lang.
02:07We have several ongoing ngayon ng manhunt.
02:13There are several properties niya po in Metro Manila as well as in Region 4A na ongoing yung pag-ano ng taoha namin.
02:26So, it will be continuing.
02:29Nagbabala naman ang PNP sa mga magtatangkang magkanlong o haharang sa gagawing pag-aresto.
02:34It is a local order coming from the court, mga security guard po sa subdivision and the onloons of bahay.
02:43Anybody who will prevent us, we will be arresting you for obstruction of justice.
02:48Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng pamilya ng mga biktima sa korte
02:52na nag-issue ng warrant laban sa business na ikun na si Atong Ang at labing pitong iba pang akusado.
02:58Talagang hindi nawalan ng pag-asa at lalong nagsumikap para talagang magtyaga, mag-antay para makamit itong justice na ito.
03:10Salamat sa mga tumulong at talagang kami ay natutuwa, lalo-lalo na sa mga media,
03:17na talagang tinutukan itong kaso ito upang ma-i-serve na itong warrant of arrest dito.
03:23Sana maipatupad sa lalong mas madaling panahon.
03:27Naniniwala ang PNPC RDG na nananatili pa sa bansa si Charlie Atong Ang, Ryan Lisigues,
03:35para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.