00:00Mahigit 200,000 taong ang apektado sa pananalasa ng bagyong ada sa bansa.
00:05Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Ricardo Raquelito Alejandro IV,
00:11mula sila sa halos 400 barangay.
00:13Sa kabuan, minor lamang daw ang naging epekto ng bagyo sa Pilipinas,
00:17maliban sa nangyaring landslide sa Matnogs or Sugon, kung saan dalawa ang nasawi.
00:23Dagdag pa ng kagawaran, aabot sa 82 pantalan
00:26ang nagsuspinde ng biyahe sa kasagsaga ng bagyo dahilan para ma-stranded ang 10,000 pasahero.
00:34Sa ngayon, malalaking sasakyang pandagat muna ang papayagang bumiyahe,
00:38lalo't maalon pa rin sa mga areas po ng Samar at Bicol.
00:43Patuloy rin po ang paglilikas sa mga residente sa Albay
00:46dahil sa banta ng lahar flow mula sa Bulcang Mayon.
00:50Nakatakda namang maglabas na ang OCD ng kabuang halaga ng pinsala
00:55sa sektor ng agrikultura pag bumuti na ang panahon.