Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magana gabi po. Bina rin habang nagla-livestream ang isang tindera ng gulay sa Taytay Rizal.
00:07Suspect ang dati o manong asawa ng kanyang amo na sinusumong ng biktima dahil sa pambababae nito.
00:14Nakatutok si EJ Gomez.
00:20Nagla-livestream lang sa social media habang nagtitinda ng gulay ang 23-anyos na babae
00:26sa barangay Santa Ana Taytay Rizal nitong Biernes.
00:30Abala ang biktima sa pagtitinda sa mahigit dalawang oras na livestream.
00:34Pagsapit ng alas 7.30 ng gabi, isang lalaking nakasuot ng sombrero at face mask ang lumapit sa babae.
00:41Bumunot siya ng baril at malapit ang pinaputokan sa ulo ang babae.
00:46Bumagsak ang babae at tumakas ang gunman.
00:49Bumabas na ako dito sa Budiga.
00:56Nagkita ko na lang dun sa alabas na si Ato pala yung nakaandu ko sa ina dun.
01:01Tsaka maraming dugo na nakaano sa katawan niya tsaka sa ulo niya.
01:08Madalas daw mag-livestream ang biktima ng kanyang pagtitinda sa tindahan ng gulay na ito ayon sa kanya mga katrabaho.
01:14Kwento ng isang saksi matapos ang pamamaril, tumakbo ang sospek bit bit ang kanyang baril sa eskinitang ito.
01:23Ayon sa pulisya, magkakilala ang biktima at sospek.
01:27Ito pong ating sospek ay dating karelasyon ng may-ari ng gulayan na boss ngayon po nung ating biktima.
01:40Na di umano, itong biktim po natin is nagsusumbong sa kanyang amo tungkol sa mga ginagawang pambababae nitong ating sospek.
01:55Dahilan para tumindi ang galit nitong sospek doon po sa ating biktim.
02:04Naaresto nitong Sabado ng umaga ang 31-anyos na sospek sa kanyang bahay sa Angono Rizal.
02:10Aminado siya sa pambababae niya na naging dahilan daw ng hiwalayan nilang mag-asawa.
02:16Pero di naman daw siya nagalit sa biktima na nagsumbong umano sa kanyang asawa.
02:21Umamin din ang sospek na nasa Taytay Rizal siya ilang oras bago ang insidente.
02:26Pero itinanggi niya ang pamamaril.
02:28Nung tanghali, pumunta ko doon sa asawa niya.
02:33Nagbayad ako ng pera.
02:40Ang layo po ma'am ng mukha ko doon.
02:42Di ko man magagawa mo gano'n noon ma'am.
02:44Napamahal na sa akin yung bata na yun.
02:46Nasa ligtas na kondisyon ang biktima na nagpapagaling sa ospital.
02:51Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunan ang pahayagang kaanak ng biktima.
02:55Sa Taytay Police Custodial Facility, nakakulong ang sospek na nahaharap sa reklamong frustrated murder.
03:03Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
03:16Nakauwi na po ng Pilipinas si dating DPWH Secretary Manny Bonoan na isinasangkod sa maanamaliang flood control projects.
03:23Kasama si Bonoan sa mga pinatatawag ng Senate Blue Ribbon Committee para sa pagginig bukas.
03:30Nakatutok si Mav Gonzalez.
03:34Matapos ang dalawang buwan sa Amerika, umuwi na sa Pilipinas si dating DPWH Secretary Manny Bonoan kaninang umaga.
03:41May Immigration Lookout Bulletin Order para kay Bonoan dahil sa investigasyon sa maanamaliang flood control project.
03:48Dating sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na umabot sa mahigit 30 billion pesos ang alokable ni Bonoan sa national budget.
03:58Sinadya rin anya nitong magbigay ng mali-maling coordinates ng flood control project sa Malacanang.
04:03Lumipad pa Amerika si Bonoan noong Nobyembre para samahan ang asawa na magpa-opera.
04:09December 17 dapat ang uwi niya.
04:11Pero ayon sa kanyang abogado, na-delay ang operasyon kaya hindi agad nakauwi.
04:15Former Secretary Manny Bonoan po, ay dumating ngayong umaga, limbo po ng umaga, January 18.
04:24Nanggaling po siya from Taipei.
04:26Kaya po ay nasa Immigration Lookout Bulletin natin.
04:29Kaya po ang kanyang pagdating ay nireport po natin pa agad sa Department of Justice.
04:34So far po doon sa ating tala, wala po siyang reported companion na kasama po niyang umuwi na po.
04:42Kasama niya po ang kanyang spouse na umalis.
04:44Pero ngayon po, nung siya po ay bumalik, wala pong declared and reported na kasama po paawin.
04:52Kasama si Bonoan sa labing dalawang sinagpina ng Senate Blue Ribbon Committee para sa pagdinigbukas.
04:58Kabilang din dyan, sinadating Congressman Zaldico, COA Commissioner Mario Lipana,
05:03at dating Deped Yusek Trigiv Olaivar na mga tumanggap umano ng kickback mula sa flood control projects.
05:08Ayon kay Committee Member, Sen. Kiko Pangilinan, malaki ang papel ng Blue Ribbon.
05:14Ngayong hindi makapagpatuloy sa trabaho ang Independent Commission for Infrastructure dahil sa kawalan ng quorum.
05:20Matapos magbitiw ni nadating Public Works Secretary Babe Simpson at Executive ng SGV na si Rosana Fajardo.
05:26Tip of the iceberg pa lang dahil, di ba, Bulacan.
05:31Pero habang hinihiring kasi natin, marami ang mga nagpapadala ng mga text messages.
05:38Tingnan din ninyo yung Cavite, tingnan din ninyo yung Pangasinan.
05:44Parang nasa transition tayo.
05:47Wala ng ICI, wala ng quorum.
05:50At hindi naman naipapasa pa itong Independent People's Commission.
05:55Although, of course, ang sinasabi ng ibang mga legal experts, nandyan naman talaga yung ombudsman which is in the DOJ.
06:03Kahit daw for later release o hindi kaagad nabigyan ng pondo ang ilang proyekto sa Cabral Files,
06:09kailangan pa rin investigahan.
06:11Lalo't may down payment na umano kahit nasa National Expenditure Program pa lang.
06:15Saan galing yung pera? And most likely, ang ating tansya dyan galing sa mga kontraktor na nag-advance
06:24at naniniwalang makukuha nila na yung proyekto dahil rigged nga.
06:29Meron pa rin katiwalian, meron pa rin komisyon at kickback.
06:35Sagot naman ni Pangilinan kay Sen. Amy Marcos na nagsabing puro senador ang pinupuntirya sa mga anomalya pero walang kongresista.
06:43Inimbitahan silang lahat, di ba? I think 17 ang inimbitahan nung huring hearing.
06:50So, we can tackle that again bukas.
06:53Hindi, dahil nga, well, sinasabing hindi namin, hindi binibigyan ng pagkakataon na maipaliwanag itong mga sangkot na kongresista.
07:07Hindi naman din totoo yun dahil nga inimbitahan sila. Hindi sila kumarap.
07:11Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez nakatutok 24 oras.
07:17Nahanap ng lahat ng naunang naiulat na natabunan ng gumuhong bundok ng basura sa Cebu City.
07:25Kanina kumaga, nakukuha ang pinakahuling labi sa Binali Sanitary Landfill sa tulong ng canine dogs mula sa Iloilo.
07:31Sa kabuan, 36 ang kumpirmadong namatay sa trahedya.
07:36Nakatulong din sa pagtuntun at pag-recover ang mga biktima ang Coast Guard Working Dog na si Kidlat.
07:40Nag-iwan po ng kabi-kabilang pinsala ang Bagyong Ada sa Bicol Region.
07:48At sa Albay, bukod sa Umagos na Lahar, may nasira pang tulay.
07:53Mula sa Manito Albay, nakatutokla si Ian Pio.
07:57Ian?
07:58Pia, bumuti na nga ang panahon dito sa Albay sa paglayo ng Bagyong Ada.
08:05Pero dito sa bayan ng Manito Pia, ito yung kanilang pinoproblema ang pagkawasak ng kanilang Bamboo Bridge ng dahil daw sa bagyo.
08:17Wasak ang bahagi ng Bamboo Bridge na yan sa bayan ng Manito Albay.
08:20Yan pa naman ang nagdurugtong sa poblasyon area ng Itba at Barangay Kawit.
08:25Nasa 20 metro ng tulay ang nasira.
08:28Kwento ng isang residente, mga trosong mula sa bundok ang puminsala sa tulay.
08:32Yung bagyobos na dumaan, malakas yung bahagi dito kaya inanod ng mga kahoy na nakaharang sa ilalim.
08:46Kaya nagiba yan.
08:47Nagbabangka muna ang residente patungo ng poblasyon at pabalik ng Barangay Kawit.
08:525 piso ang bayad kada sakay ng bangka.
08:55Nakabantay naman ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard Manito Substation katuwang ang mga bumbero para matiyak ang kaligtasan ng biyahe ng mga sumasakay ng bangka.
09:04Ang problema, bukas, may klase na ang mga estudyante.
09:08Mayro po. Ang mga estudyante may po pag nagtatawid, maalon po tapos mahangin.
09:15Noong pandemia, nasira ang kanilang hanging bridge kung saan may mga nasaktan.
09:19Ang gusto namin, sir, maanoan na ito ng tulay na konkreto.
09:25Sabi, may budget na ito. Sana magawa na itong ngayon na taon na ito.
09:29Bukas, ipapayos na ito.
09:30Pero yung pangmatagalang solusyon, yun po ang sinasabi po nila.
09:34Yun, yun nga sinasabi ko sa kanila na nakausap namin sa tao sa OPAPRO na magda-download sa amin ng 140 million para sa pagpaayos ng tulay.
09:49Ano po magiging tulay na yun?
09:51Concrete na.
09:52Ayon sa Albay Public Safety and Emergency Office, naka-uwi na ang mahigit 11,000 na lumikas dahil sa Bagyong Ada, kasama na ang mga taga-money nila sa bayan ng Ginubatan.
10:04Nahihirapan daw sa pagtira sa siksikang evacuation center ang pamilya ni Don, pero ang mahalaga ay ligtas sila sa banta ng lahar flow.
10:12Sakaling tumaas sa alert level 4 ang status ng bulkang mayon, makakasama muli sila sa mga dapat lumikas.
10:18So sunod lang tayo sa patakara nila kasi para naman sa kaligtasan ng lahat.
10:22Narating ang barangay Manin nila dahil naayos na ang daanan sa Manin nila Masarawag Channel na nasira nang umagos ang lahar doon dahil sa kasagsaganan lakas ang ulan, dulot ng Bagyong Ada.
10:35Sa barangay Masarawag, puspusan din ang clearing operation para sa mas mabilis na biyahe ng mga motorista sa Ginubatan Mayon Road.
10:43Sa bayan ng Owas Albay, binhana ang mga low-lying areas.
10:51Umapaw na rin ang tubig sa mga palayan.
10:54Nasa 38 pamilya na ang nailikas.
10:57Sa barangay San Andres, halos nasa tatlundang individual na ang nailikas.
11:01Habang lubog pa rin sa baha ang ilang lugar sa lalawigan.
11:05Inasok na rin ang baha ang isang paralan sa lalawigan.
11:08Isang aso naman ang nasagip ng PCG na inanod sa gitna ng baha.
11:13Kinailangan na rin sagipin ang ilang residente sa Virac Catanduanes.
11:18Binabagyuman, tuloy pa rin ang dibusyon ng mga taga-Virac para sa ikapitong dayosisan sinulog.
11:24Kabi-kabi lang pagbaha at paguhon ng lupa naman ang naitala sa ilang lugar sa Sorsogon.
11:29Sa Bagasbas Beach sa Dayat Camarines Norte, malalakas din ang hampas ng alon.
11:38Naglalakihan din ang mga alon sa Kaluwag, Quezon.
11:47Pia, maulap ngayon kaya hindi natin nakikita sa ating likuran yung bulkang mayon.
11:51At dahil nga lumayo na, ang Bagyong Ada, ang tututukan ngayon ng pamahalang panlalawigan ng Albay
11:57ay ang monitoring sa patuloy na nag-aalborotong bulkang mayon.
12:01Katulong siyempre ang Feebox.
12:02Yan muna ang latest mula rin sa Albay. Balik sa iyo, Pia.
12:05Maraming salamat, Ian Cruz.
12:35Maagang nagsinatingan sa Cebu City Sports Center ang mga tao para saksihan ang Sinulog Festival.
12:41Unang isinagawa ang banal na misa bilang pagpupugay kay Senyor Santo Niño.
12:47Sumentro ang homily ni Cebu Archbishop Emeritus Jose Palma sa pag-asa sa gitna ng mga pagsubok.
12:54Nagpapasalamat siya na nailayo ang Cebu sa Bagyong Ada.
12:58Si Cebu City Mayor Nestor Archival kasama si Governor Pambaricuatro ang nagbukas ng Grand Parade.
13:05Kasunod nito, umarangkada na ang Sinulog Festival Competition.
13:09Apat-napung grupo mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang nagpakitanggila sa kanika nilang dance routine
13:16alay kay Senyor Santo Niño.
13:18Di alintana ng mga manunood ang panahon at siksikan.
13:22Sa gitna ng mainit na panahon, may ilang performers na nahilo at nawalan ng malay.
13:29Agad naman silang nirespondihan ng mga emergency personnel.
13:32Ayon sa mga opisyal, dahil daw ito sa pagod at init.
13:37Samantala, inununsyo naman ni Mayor Archival na walang pasok bukas sa mga mag-aaral sa buong Cebu City
13:44para daw makapagpahinga ang mga mag-aaral at mga residente kasunod ng pagdiriwang ng Sinulog Festival.
13:52Iban, sa ngayon, nagpapatuloy pa ang performances ng nalalabing mga contingents
13:57na papasok pa dito sa Cebu City Sports Center maging sa rota ng parada.
14:03Inaabangan din mamaya ang grand finale at fireworks display.
14:08Iban?
14:09Maraming salamat, Nico Sereno ng GMA Regional TV.
14:14Nawanggat ang ulungan ng pick-up ang isang batang babaeng biglang tumawid sa Ilocos Sur.
14:19Nakatotok si CJ Torida ng GMA Regional TV.
14:22Habang binabaybay ng pick-up na ito ang bahagi ng National Highway sa barangay Uso, Suyo, Ilocos Sur,
14:32pasado alas 6 ng gabi nitong biyernes, biglang tumakbo patawid ang isang batang babae.
14:41Nabanga at nagulungan siya ng pick-up. Agad siyang pinuntahan ng kanyang ina.
14:45Bumaba rin ang driver ng sasakyan at lumapit sa mag-ina.
14:50Nagtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ng biktima na nasawi.
14:54Bali, nakasakay sila ng tricycle.
14:57Yung mother, magbibigay ng kuhan, pamasaki.
15:01Akala niya yung anak niya nasa loob pa ng tricycle.
15:04Siya tapos sa likod ng tricycle, bumaba, tapos sabay takbo.
15:08Wala pang pahayag ang mga kaanak ng biktima.
15:12Posibleng maharap ang driver sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
15:18Sinisikap ng GMA Regional TV na makuha na ng pahayag ang driver ng pick-up na nasa kustudiya ng pulisya.
15:24Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, CJ Torida, nakatutok 24 oras.
15:33Pinedeport ng Russian vlogger na hinuli dahil sa pambabastos ng ilang Pilipino
15:38para sa kanyang vlog.
15:40Plano rin ipadeport ang isa namang Estonian vlogger na nanghaharas din umano ng mga Pinoy
15:45for the content.
15:47Nakatutok si Rafi Tima.
15:52Matapos makulong ng ilang buwan, dineport na kahapon pabalik sa Russia
15:55ang vlogger na si Vitaly Sadorovitsky.
15:58Inaresto si Vitaly matapos mag-viral online dahil sa panggugulo
16:01at pambabastos ng ilang Pinoy noong nakarang taon para sa kanyang vlog.
16:05Sa inquest proceedings, inamin ni Vitaly ang mga ginawa niyang pangaharas para sa kanyang vlog.
16:11Sinubukan din niyang magbayad ng piyansa pero tinanggin ito ng BI.
16:15Sa kanyang deportation order, tinawag siyang isang undesirable alien.
16:19Ayon sa BI, blacklisted na sa Pilipinas si Vitaly.
16:22Sa Dumaguete City, Negros Oriental, inaresto naman ang isang Estonian vlogger.
16:33Inereklamo si Sim Rusipo ng harassment dahil sa pagkuao mo na niya ng video
16:37ng walang pahintulot.
16:39E diniklara ng sangguni ang panglungsod ng Dumaguete City
16:41ang vlogger na persona non grata.
16:43If somebody was offended, I'm very sorry about this.
16:46Maybe my understanding of the situation was wrong.
16:50Binigyang diin naman ni BI Commissioner Joel Viado
16:52na hindi content playground ng Pilipinas.
16:55Hindi raw dahilan ang pagwavlog para mangharas at manggulo ng mga Pilipino.
16:59Plano ng BI na ipadeport ang Estonian vlogger.
17:02Para sa GMA Integrated News,
17:04Rafi Tima Nakatutok, 24 Oras.
17:07Nakatanggap ang Food and Drug Administration o FDA
17:12ng mga ulat ng epekto sa kalusugan
17:14kaugnay sa pinarecall ng mga batch
17:16ng infant formula product ng isang kumpanya.
17:20Nakatutok si Athena Imperial.
17:24As of January 15,
17:26nakatanggap ang Food and Drug Administration
17:28ng 25 ulat kaugnay sa mga pinarecall ng mga batch
17:32ng infant formula products ng Nestle Philippines
17:36na Nan OptiPro at Nan Kid OptiPro.
17:39Sa labing walong ito,
17:40may health concerns na napansin
17:42sa mga batang nakainom na mga naturang infant formula.
17:46Kabilang sa mga sintomas ay pagsusuka,
17:49pagdudumi, pananakit ng tiyan at ibang kondisyon.
17:52Ilan dito, nangangailangan ng atensyong medikal.
17:56Sabi ng FDA,
17:58nare-review nila ang bawat report
17:59at kinokoordinate din sa mga kinauukulang ahensya.
18:03Nakikipagugnayan din sila sa Nestle Philippines
18:05Incorporated na inatasang regular na mag-ulat kaugnay
18:09sa ipinatupad na voluntary recall ng mga produkto.
18:13Bukod sa pagbabantay sa kalagayan ng mga bata,
18:16hinikayat din ng FDA ang publiko
18:18na iulat sa kanila ang mga insidente kaugnay nito.
18:22Noong January 9,
18:23inanunsyo ng Nestle Philippines
18:25ang voluntary precautionary recall
18:27ng ilang batch ng Nan OptiPro
18:29at Nanquid OptiPro
18:31dahil may nadetect na posibleng issue
18:34sa kalidad ng isang ingredient
18:35mula sa kanilang leading supplier.
18:38Ayon sa website ng Nestle Global,
18:41nagpatupad sila ng recall na mga batch
18:43ng kanilang mga infant formula
18:45sa mahigit 60 bansa at territories
18:48na karamihan ay nasa Europa.
18:50Sa bagong pahayag ng Nestle Philippines,
18:53sinabi nilang nakikipag-ugnayan sila sa FDA
18:56ukol sa mga naiulat na sintomas
18:58na posibleng may kinalaman sa mga ni-recall na batch
19:01ng kanilang mga produkto.
19:04Naiintindihan daw nila ang concern na mga magulang
19:07at prioridad daw nilang matugunan
19:09ang kanilang mga pangangailangan
19:11at magbigay ng tulong.
19:14Sinimulanan nila ang voluntary recall
19:16bilang pag-iingat
19:17matapos nilang ma-detect
19:18ang mababang level
19:19ng hindi nila tinukoy na substance
19:22sa isang ingredient
19:23mula sa global supplier.
19:25Paglilinaw rin ang Nestle,
19:27walang itinakdang food safety thresholds
19:29ang health authorities
19:30kaugnay ng naturang substance.
19:32Wala pa rin anilang malinaw na datos
19:34na nag-uugnay sa epekto nito sa kalusugat.
19:38Sa kabilaan nila ng kawala ng safety
19:40at regulatory limits,
19:41nagdesisyon silang magsagawa
19:43ng voluntary recall.
19:45Patuloy raw silang nakikipagtulungan sa FDA
19:48at nagbibigay ng mga kailangang update
19:50para masigurong nasusuri
19:52ang lahat ng report.
19:54Para sa GMA Integrated News,
19:56Athena Imperial nakatutok,
19:5824 oras.
Comments

Recommended