00:00Sa mga motorista, maghanda na po ng dagdag na budget dahil nakaamban na naman ang taas presyo sa ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
00:10Sa tansya ng Oil Industry Management Bureau ng Energy Department, base po sa 4-day trading,
00:15nasa 1 peso and 35 centavos kada litro ang inaasahang taas presyo sa diesel.
00:20Nasa 60 centavos naman sa gasolina, habang piso sa kerosene.
00:24Ayon sa DOE, nakakaapekto sa presyo ang pangambang lumalapa ang tensyon sa Iran at maapektuhan ang supply ng krudo mula sa ikaapat na pinakamalaking producer ng OPEC o Organization of the Petroleum Exporting Countries.