Skip to playerSkip to main content
Sinampahan ng patong-patong na reklamo sina Executive Secretary Ralph Recto at dating PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinampahan ng patong-patong na reklamo si na Executive Secretary Ralph Recto at dating Phil Health President at CEO na si Emmanuel Ledesma.
00:10Reklamong plunder, technical malversation, graft at iba pang reklamong administratibo ang inihain sa Office of the Ombudsman ng isang grupo ng mga doktor, abogado at iba pang healthcare worker.
00:23Nag-ugat ang kanilang reklamo sa iligal umanong paglipat ng 60 billion pesos mula sa Phil Health Reserves sa National Treasury.
00:34Ito na ang ikalawang plunder complaint kaugnay ng issue laban kina Recto na dating Finance Secretary at kay Ledesma.
00:42Ayon kay Recto, iginagalang niya ang karapatan ng sino mang grupo na magsampan ng reklamo pero natugunan na raw ng Supreme Court ang issue ito
00:51at tumugon na rin ang gobyerno sa mga iniutos ng korte.
00:55Dagdag niya, walang pwedeng criminal liability na ikaso sa kanya dahil in good faith naman daw ang aksyon niya at alinsunod din sa mandatong galing sa Kongreso.
01:06Tiniyak naman ang Ombudsman na susuriin nilang mabuti ang reklamo ng grupo.
01:11Sinisikap naming makuha ang panig ni Ledesma.
Comments

Recommended