Sa PEP Live interview nina Rabin Angeles at Angela Muji na mas kilala ng kanilang fans bilang RabGel, ikinuwento ng male lead star ng "A Werewolf Boy" kung paano siya nagpapansin nang husto kay Angela.
Kuwento ni Rabin, baguhan sa showbiz at nagwo-workshop pa lang siya noon sa Viva nang mapansin niya ang ganda ng PPop Generation member na noong si Angela.
Ang PPop Generation ang 4-member girl group na kinabibilangan noon ni Angela.
Nabighani raw agad si Rabin kay Angela na nagpa-practice noon ng pagsasayaw sa parehong studio kung saan nagwo-workshop din siya.
"Ganda naman neto," ani Rabin. "Blonde ang buhok, ang liit, tsinita... Ang cute-cute niya, sobra! Ang payat nga lang niya nun. Pero sobrang ganda niya.
"Gusto ko siyang makilala," sabi pa ni Rabin.
Kaya nagpapansin daw siya noon Angela. May mga pagkakataon nga raw na kahit hindi naman siya nauuhaw, magkukunwari siyang kukuha ng tubig at pupunta sa canteen na kalapit lang ng pinagpa-practice-an nina Angela para lang makita ang dalaga.
Nag-work naman ba agad ang pagpapapansin ni Rabin? Panoorin sa interview kung bakit hindi agad pinansin ni Angela si Rabin.
Watch the full episode here: https://www.youtube.com/live/f8zKoUeTLVc Read more about RabGel here: https://www.pep.ph/peptionary/190363/rabin-angeles-angela-muji-a5128-20260103-lfrm2
Be the first to comment